Kabanata 66

14.3K 353 46
                                    

ShainaTemporada konting push na lang matatapos na, thank you sa pagbabasa!

***

KABANATA 66 :: SCENT

Napatapik ako ng noo nang maalala na may anak nga pala akong nagwawala sa bahay.

"R-Roy alam mo marami akong gustong itanong, you know catch up pero saka na lang siguro. Kailangan ko na talagang umuwi eh," saad ko sabay pulot ng heels na halos hindi ko namalayang nabitawan ko kanina.

Dumaan din ang pagkataranta sa kanyang mukha.

"M-Miss kumain ka muna-"

"Hindi na kailangan na ako sa bahay eh."

"Kape?"

"Hindi na nga, Roy."

"Uhm... Kahit five minutes?"

Tumigil ako para mag-isip ngunit ngumiwi din pagkatapos nang maisip si Kendria paniguadong nagwawala pa rin iyon.

"Hindi talaga eh, sige mauna- anong ginagawa ko dyan? Tabi Roy!"

"Miss gusto ko pang mabuhay maawa ka naman."

"Huminga ka para mabuhay ka- Aba't!" sinubukan kong humakbang pakanan pero naharangan nya ako, sinubukan kong kumaliwa kaya kumaliwa din siya para harangan ako, "Tumabi ka dyan o ipapalunok ko sayo tong sapatos ko?"

He looked at me with a real teary eye.

"Kahit saglit lang? Antayin lang natin si..."

"Si?"

"Si ano... Si kuwan," aniya habang hindi na maipinta ang mukha.

Pinandilatan ko sya.

"Sino ba? Uuwi na ako lumayas ka sa may pinto hindi ako nakikipagbiruan ah!"

Tumakbo siya sa pintuan at humarang doon nang nakadipa.

He's blocking the whole door.

"Surprise na lang kung sino. Please mag stay ka muna baka lumutang na ako sa ilog bukas kapag naiwala na naman kita."

"Huh? Pinagsasabi mo? Kidnapping to ah!"

His eyes widened and hold the door even more.

"Maawa ka naman oh- wait! He's here," natigilan siya nang may kumatok sa pinto.

Nagkatinginan kami at habang ako ay nagtataka, kita ko ang mas pagkaranta niya.

What's with this super tall and formal guy? It's not like I could kill him duh...

He opened the door at ganon na lang ang paglaglag ng panga ko nang mapagtantong tama talaga ang hinala ko kanina pa.

Kleindro entered like he is the owner of the whole place- well maybe he is, I don't know.

He's wearing a sweater and a jogging pants. Still sweating bullets like he run a few miles before he got here.

Imbis na magtatakbo palayo ay tila natulos ako bigla sa kinatatayuan. Nahigit ko ang paghinga nang dahan-dahan siyang lumakad palapit sa akin.

"So you're awake?" he asked in a hoarse voice.

A tingling sensation run into my vein as he slowly lick his natural pinkish lips after hearing my silence.

"Aalis ka na agad?" tanong niya at saka patuyang sumulyap sa sapatos na nasa kamay ko.

"Yeah. I won't ask how do I get here but since I'm awake, uuwi na ako," I said trying to maintain my composure when the truth is even my hands are quite cold and shaking.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon