Kabanata 68

14.9K 324 23
                                    

KABANATA 68 :: DEAD

Buong maghapon akong hindi mapakali. Kahit habang inaalalayan si Kendria sa tutorial lesson niya ay lumilipad ang utak ko patungo sa kung saan.

Iritado kong ibinaba ang hinihiwang carrot para sa carrot shake na request ni Kendi. Gusto ni Kendi ng 'something healty daw' bagay na napulot niya sa tutorial lesson kaya naman ang chocolate donut na gagawin ko sana ay postponed muna. I'm sure bukas favorite na ulit ni Kendria ang chocolate.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" gulantang na tanong ni Erna matapos lumikha nang malakas na tunog ang pagbababa ko ng kutsilyo.

Napakurap-kurap ako at saglit na ngumisi nang mapagtanto ang ginagawa.

Why am I even bothered about that lunch? Stupid Vanna.

"Yes Erna, nahihilo ako pwede bang ikaw na ang magtuloy? Pupuntahan ko lang si Kendi sa likod."

Sinunod nya naman ang gusto ko at hindi na muli pang nagtanong kaya nagtungo ako sa playhouse kung saan kinakausap ni Kendria ang mga barbie nya.

"Anak? Gusto mo ba ng kalaro? Say... uhm dog or cat?" tanong ko habang magkatabi kami sa mini sofa sa loob ng play house.

Malaki din iyon at kasya kaming dalawa. Spacious kaya naman nang bilhin ito ni Dairene ay halos ipatapon ko.

Si Kendria kase ang tipo ng bata na mabilis ma-attach tapos mabilis ding mabored. One time she wanted to be a teacher and later on she wants to be a chef or a singer. Laking gulat ko nga nang hanggang ngayon ay gusto nya pa rin itong play house, siguro dahil meron itong living room at bedroom. Si Kuya Kendrick nga ay gusto pang lagyan ng mini ref sa loob.

"Ayoko cat and dog Mimi, may alam ako mas maganda!" she cheered.

"Hmm? Ano yun? Hamster? Rabbit?"

"No! I want a baby mommy!"

Halos mabilaukan ako ng sarili laway dahil doon.

"What?! You mean your baby, anak?"

"I'm still young Mimi! I want your baby! Kapatid ko."

Saglit akong napatanga habang ipino-proseso ang sinabi niya.

Did she... Oh my poor baby did she just... She wants a sibling?

I laughed nervously and shifted the topic, madali nya lamang nakalimutan iyon dahil tinawag na kami ni Erna para kumain.

"She said what?!" Dairene was in her over exaggerated voice on the other line.

"Wag mong kausapin ang anak ko kung anu-anong natutunan sayo!"

She laughed.

"Pero gusto nga ng kapatid? Aba magandang sign yan-"

"Tumigil ka nga! Hello?! Wala nga akong asawa another baby pa kaya?"

"Eh si Kleindro?"

Natigilan ako pero agad ding tumikhim.

"What about him?"

"Oh bakit ang taas ng energy mo? Kalma nagtatanong lang," she said chuckling.

Inirapan ko ang cellphone at sinulyapan si Kendria na mahimbing nang natutulog sa kama. Itinaas ko ang paa sa couch at niyakap ang mga tuhod.

"Kase naman ewan ko sayo bakit hindi ka makipag date ulit? Kung ayaw mo sa tatay ng anak mo, humanap ka ng iba," hirit pa ni Dairene.

"Hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya," agap ko.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon