Kabanata 69

14.9K 360 42
                                    

KABANATA 69 :: PAIN

Halos alas dose na nang kumalam ang sikmura ko saka ko lamang naalala na walang laman ang tiyan ko kung hindi ang hotdog na tira lamang ni Kendria kaninang almusal.

Naging abala kase ako sa pagkausap sa bride na nag o-order ng wedding cake. Nagkasundo kami sa detalye ng cake ganon din sa mga cupcake na talagang ipinilit nito.

She's a loyal costumer and I couldn't say no kaya imbis na lahat ng dessert gaya nga nang naunang sinabi ni Hailey, cake at cupcake lang ang gagawin namin. Time consuming kase masyado kung lahat ng dessert dahil bukod sa cake ay gusto rin nila ang chocolate chip cookies at muffins. Hindi naman biro ang dami ng aattend sa kasal kaya hindi ko na rin tinanggap.

Hindi ko na sinuot ang blazer dahil naiinitan ako. Hinayaan ko na lamang ang suot na sleeveless bodycon dress tutal ay hindi naman ako maghahatid ng orders, lalabas lang ako para kumain.

Itinatali ko pa lamang ang buhok ko nang kumatok si Geof, ang nag-iisang lalaking staff sa kitchen.

"Ma'am, may pagkain po sa labas pinapatanong po ni Ate Rara k-kung ano..."

Geof is a senior high school student taking up bread and pastry at talaga namang hindi biro ang pagkamahiyain. Kahit sa akin na halos ilang buwan na niyang nakakasama sa kitchen at nakikita dito sa cafe ay hindi niya maitago ang nerbyos.

Si Rara lang ang kalapit niya kaya sina Hailey ay madalas siyang biruin na baka may gusto kay Rara dahil sa aming lahat ay ilag siya maliban sa babae.

"Sakto, I'm starving. Thanks Geof lalabas ako para kunin."

Iniwan niya ako sa opisina kaya agad akong nagpunta sa banyo para i-check ang aking itsura. Ang buhok kong naka messy bun ay sinuklay ko para itali sa isang high ponytail. Nag retouch na din ako ng marcara at lipstick.

Gusto kong idahilan na hindi 'iyon' ang dahilan ng pag-aayos ko pero sino ba ang niloko ko? Dati naman ay hindi ako ganito ka-concious sa itsura ko in fact ayos lang na lumabas ako ng may magulong buhok.

I let out a heavy sigh then a smile of satisfaction curved in my face after seeing the result.

Hindi na ako maputla, ang nude make up na ini-apply ko kanina bago pumunta dito at nag compliment iyon sa suot kong dress at stilettos.

Nang makontento ay lumabas ako pero sinadya kong bagalan ang paglalakad dahil may isang specific na taong hinahanap ang mata ko.

I checked my phone at wala talaga siyang text sa inbox dahil nasa spam iyon. He texted me a couple of times all day, that day. He even called pero busy ang linya ko dahil iyon ang oras na kausap ko sa phone si Dairene. He really waited and my stupid conscience is poking me.

I shouldn't be guilty dahil hindi ko naman kasalanan na napunta sa spam ang mga messages niya but damn it, I am.

Namataan ko si Kleindro na nakaharap pa din sa laptop niya at mukhang may itina-type pero nag-angat ng tingin marahil ay nang maramdaman ang titig ko. Agad akong nagbawi ng tingin at nagkunwaring sinusuri lamang ang mga tao sa cafe.

Mangilan-ngilan na lamang ang tao sa loob kaya naman ang mga staff ay nakakain na ng lunch.

Lumapit ako kay Hailey na nasa counter pa din, nag-aasikaso ng inventory namin. Kung sino ang nasa counter, sya ang gumagawa ng daily balance sheet at halos lahat naman kami ay marunong niyon lalo na at Accounting student si Hailey na tumigil pansamantala ngayong taon para unahin ang pag-aaral ng ate niya na isang med student.

"Kumain ka na Hailey?"

Itinigil niya ang ginagawa para ngisian ako.

"Oo Ma'am, kanina si Geof muna ang tumao dito kanina. Pero Ma'am may kilala akong di pa nagku-lunch," aniya.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon