Chapter Seven

30.8K 1.2K 1.2K
                                    

Yves's pov




Nakangiti ako habang inihahain ang mga niluto kong almusal sa lamesa. Nakaka panibagong magising ng walang sumisigaw at walang nang uutos. Ganito pala ang nararamdaman ng mga ibon kapag nakaka laya sila sa hawla nila. Kahit kulang ang tulog ko ay masaya pa din ako.

"Hala Yves ang aga mo naman po nagising sana po ginising niyo ako para ako nalang sana po ang mag luto ng almusal." Nginitian ko lang si Ateng Yaya.

"Hayaan mo na Ate, sanay na naman po ako sa ganito." Sagot ko at nginitian ulit siya ng may naalala ako.

"Ahm Ate may naiwan po ba akong bag dito nung isang araw po na nagawi ako dito?" Nahihiya kong tanong kay Ateng Yaya. Sa pag kakatanda ko kasi ay naiwan ko iyon dun sa bahay kung saan ako nagising nung lasing ako which is this house.

Kala ko talaga sa mga kupal kong kaibigan ang bahay na ito, turns out sa professor ko palang kalahi ni Elsa at mag nanakaw ng halik tapos hindi ako pananagutan. After kasi niya akong halikan kahapon ay iniwan niya nalang ako dun mag isa sa loob ng kwartong yun.

Ilang minuto din akong nakatulala dun na parang tanga, kung hindi pa pumasok si Ateng Yaya siguro inumaga ako dun.

"Nako Yves hindi ko alam. Subukan mo kayang tanongin si Ma'am Naomi total mukhang close naman kayo at tsaka dun ka naman sa kwarto niya natulog ng araw na yun"

"Sino po'ng Ma'am Naomi?" Kakamot kamot sa batok kong tanong.

"Yung may ari ng bahay. Naomi Cleomonte, hindi mo ba siya kilala? Diba mag kaibigan kayo?" Takang tanong ni Ateng Yaya. Napatawa naman ako ng alanganin. Kamalayan ko ba naman kasi na Naomi pala ang first name ni Ma'am, hindi naman kasi niya nabanggit sa amin.

"Syempre po kilala. Nakalimutan ko lang..." Sagot ko nalang at ngumiti ng bahagya.

"You forgot what?"

Speaking of the devil.

"Yung bag niya daw po Ma'--"

"Wala po Miss Cleomonte. Goodmorning po pala!" Putol ko kay Ateng Yaya at nginitian ng pilit si Miss Cleomonte na mukhang galit nanaman sa mundo dahil mag kasalubong na agad ang kilay niya.

"Morning." Tipid nitong bati at nilampasan ako para mag tungo sa kusina.

Sinundan ko siya at naabutan siyang umiinom ng kape habang kaharap ang laptop niya. Napaka workaholic niya naman, kakagising niya lang pero trabaho na agad ang inaatupag niya parang nakakahiya tuloy siyang disturbohin.

"Do you want to say something? You've been staring at me for a few minutes already." Tanong nito ng hindi man lang ako nililingon. Huminga ako ng malalim.

Here's my chance.

"Mag papasalamat lang po sana ako at mag papaalam na uuwi na po kami ni Yuan. Salamat po sa pag papatuloy sa amin kagabi." Napatigil naman siya sa pag tatype sa laptop niya at tinaasan ako ng kilay.

"Where are you gonna go? Don't tell me babalik kayo dun?"

Agad naman akong umiling iling. "Hindi po. Mangungupahan nalang po kami ni Yuan, may konting pera pa naman po akong natitira sa savings ko kaya baka po kakasya na iyon sa kahit pang isahang kwarto lang po."

"What's wrong with my house? Hindi ka ba comfortable dito?"

"Hindi naman po sa ganun Ma'am." Sagot ko at ngumiti ng bahagya.

"Then what?" Tila naiirita na nitong saad.

"Nakakahiya naman po kasi Ma'am kung dito kami titira, malaki na po ang utang ko sa inyo ayoko na pong dagdagan pa." Nakayuko kong tugon sa kaniya.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon