Chapter Nine

30.7K 1.2K 468
                                    

Yves's pov




Nagising ako kanina na masakit yung katawan ko lalo na ang pang upo ko. Halos fifty ata na spanking ang natamo ko kahapon bilang parusa. Kala ko pa naman masarap, masakit pala.

"Ate are you okay po ba? Kanina ko pa po naririnig yung pag daing niyo." Nag aalala namang tanong ni Yuan. Nag lalakad kami papalabas ng subdivision. Hindi ko kasi alam na wala palang tricycle or kahit taxi man lang sa loob na pwedeng masakyan papunta sa labas ng subdivision kaya ayorn lakad kami ngayon ni Yuan.

"I'm fine baby medyo masakit lang ang ulo ni Ate." Sagot ko nalang at nginitian siya para hindi siya mag alala. Alangan naman din sabihin ko kung anong ginawa ni Miss Cleomonte sa akin diba? Jusko.

"Did you drink medicine po ba bago umalis?" He asked again and I just nod at him.

"Are you tired na ba? Do you want me to carry you nalang?"

"No po Ate, I'm fine po." He smiled at me.

"Mamaya susunduin kita sa school okay? Tapos sasama kita s---ayy bulate!"

Bigla kasing may bumusina sa tabi namin kaya nagulat ako. Rinig ko naman ang pag hagikgik ni Yuan.

"Why are you two walking?" A cold voice asked kaya alam ko na agad kung sino yun.

"Wala pala po kasing masakyan na tricycle or taxi sa loob kaya po nag lakad nalang po kami. Medyo malapit lang naman po ata..." Hindi ko siguradong sagot sa last part at ngumiti sa kaniya ng bahagya.

"This is a private subdivision, of course, there's no taxi or anything inside." Irap nito sa akin.

"Hop in, I'll drop you off to school." Utos nito. Umiling iling naman ako.

"No nee--"

"Are you disobeying me again Yves?" Putol nito sa akin at tiningnan ako ng makahulogan. I sigh and shook my head.

"Halika na Yuan." Saad ko nalang at inalalayan si Yuan pasakay ng kotse bago ako sumakay sa passenger seat sa may unahan.

"Give me Yuan's school address." Utos nito na agad kong sinunod para hindi na uminit ang ulo niya.

"Master ni Ate ihahatid niyo po ako sa school ko?" Tanong ni Yuan na halatang excited.

"Yes sweetie. Are you excited?" Sagot ni Miss Cleomonte at bahagyang tumingin sa salamin sa itaas para makita si Yuan.

"Yes po Master ni Ate! Thank you nga po pala ulit sa mga new things ko. Look po oh yung bago niyong binili na bag gamit ko po tsaka po yung mga notebooks ko na avengers po tsaka po itong uniform ko!" Yuan said excitedly while pointing the things that he just said.

"Oh, that's so cool buddy! Do you like that stuff?" Miss Cleomonte asked my little brother with a soft tiny smile on her lips that made me smile too while watching them talk.

"I love it so much po! Thank you po, I'm sure po hindi na ako aasarin ng mga classmates ko kasi bago na po ang things ko." He said that made my smile drop.

"What do you mean baby?" Naunang tanong ni Miss Cleomonte bago ko pa matanong si Yuan.

"They always tease me po kasi na pulit ulit lang yung bag ko tsaka yung pencil case ko tapos yung kanila daw po every year bago." He explained.

"Pero it's okay lang naman po eh kasi I know po na pinag hirapan talaga ni Ate Yves yun para mabilhan ako kaya wala po akong pakealam kung inaasar nila ako." Dagdag nito na nag paluha sa mata ko.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon