Chapter 34: Hesitation

244 8 0
                                        

Ngayon ay naka-upo na kami sa living room. Katabi ko si Lucci, si Empress at Delice naman ay nasa harap namin.

"Please ate, convince kuya," ramdam ang lungkot sa boses ni Delice.

Ito pala ang pinunta nila. Lucci wants to give up the throne. Alam ko namang isa ako sa mga dahilan kung bakit gusto niyang iwan iyon, pero ayoko rin naman.

"I told you, that's my decision Del," pagmamatigas ni Lucci.

Kinurot ko naman siya agad sa tagiliran kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Think carefully hijo, alam mo kung anong mangyayari kapag ginawa mo 'yan, and also, your mom," its the empress.

"I'll talk to her po. Alam kong magagalit siya sa akin... at hindi papayag, pero sigurado na po ako," si Lucci.

Hindi ako makapag-isip ng ayos dahil sa mga sinasabi niya.

"O siya, mauna na kaming umalis," tumayo na si Empress.

"Please ate, ayoko."

"I'll try my best Del, confused lang si kuya mo ngayon."

Umalis na rin sila matapos iyon, naiwan na kaming dalawa sa living room.

"Ano bang pumasok sa isip mo?" nakatayo na ako ngayon at nakapamaywang sa harap niya.

"Andyan naman si Delice. He can handle it," matamtam niyang pagsasabi.

"You know how much he wants a happy go lucky life, Lucc."

"And I want it also. I want to give you a peaceful life Morgaile," tumayo na rin siya sa upuan niya.

"I know, Lucc. Pero magiging okay lang ba sayo na isakripisyo ang kalayaan ni Delice? I can stay with your side kahit ang hirap na," pagpapaliwanag ko.

"I know what your pointing Gael, but I don't want you to suffer when I got the throne. Ako nga sagutin mo ako, hindi ka ba nagdadalawang isip? Talagang gusto mong mag-ascend ako sa throne? At ikaw magkaroon ng malaking responsibilidad?"

Hindi ko pinangarap ang bagay na 'yon. I just want to know more about myself, about my family, and about this world. Wala sa plano ko ang magiging susunod na emperatris ng lugar na ito. At totoong gusto ko ng tahimik na buhay pero...

"Paano naman ang ibang tao? Kung magiging selfish ako, tayo, paano yung mga taong mahihirap? Akala ko ba ipaglalaban natin sila? Akala ko ba iaayos natin ang pamamalakad ng Emperor kapag ikaw na ang nasa pwesto. Wala na ba 'to?"

"My passion is still with me, Gael. Pero hindi ko alam kung dapat ko pa ba 'tong sundin."

"I hesitate really. Ayoko na talaga dahil gusto ko tahimik na lang tayong mabuhay, pero pano na sila? Ano nang mangyayari sa kanila? Sa mga taong hindi nabigyan ng magandang oportunidad? Iiwan natin sila?" tanong ko.

Nilamon kami ng katahimikan, alam kong mahirap at mabigat na obligasyon ito kapag tinuloy niya, namin. Pero para sa tao ito.

"I just want to give you a peaceful life, honey."

"And I want us to serve the people of this nation," I said.

Nakita ko ang paggaan ng kaniyang ekspresiyon at pagsilay ng kaonting ngiti sa kaniyang labi.

"Okay lang ako at mas magiging okay ako kung hindi mo na sasabihin sa kapatid mo ang mga katagang 'yan. Napre-pressure na siya," pagbubukas ko naman ng bagong usapin.

"Siya lang naman ang pwede kong sabihan noon, wala nang iba."

Lumapit siya at niyakap ako.

"'Wag mo na lang uulitin, nakakaawa ang mukha ng kapatid mo kanina," sabi ko naman sa kaniya.

"Yes Ma'am."

I know it's very difficult to hold a big responsibility, pero gusto rin naman namin ng pagbabago, kaya dapat sa amin magsimula ito.

Kinabukasan ay may dumating nang balita galing sa Xin. 

"Madam, sigurado ka ba rito? Hindi ba delikado ang gagawin mo?" si Lana na nakasunod na ngayon sa akin papuntang opisina.

"Kasama ko naman si Athena, Lana."

Dahil gusto kong magkaroon ng Yaku, parang si Perch, ang ginawa ko ay nagpadala ako ng sulat kay Raisy para i-kumpirma kung meron pa nga noon.

"Aalis ka na ba agad?" tanong naman ni Athena.

"Hindi pa, kailangan ko pang mapractice itong magic na meron ako," nanamlay tuloy ako.

"Uhm, alam ko Madam may mga Yaku na hindi mo na kailangan pang labanan o hulihin gamit ang magic o ang mana mo," si Lana na ngayon ay nasa amin ang atensyon.

"Pwede 'yon?" tanong ko naman.

"But that's dangerous, Morgaile," pagtutol naman ni Athena.

"'Yun nga lang po," medyo nalungkot naman ang mukha ni Lana sa amin.

"Sacred place 'yon, maraming Yaku. Hindi ka gagamit ng mana, you just have to wait a Yaku to look for you," pagpapaliwanag ni Athena.

"Ano naman ang mapanganib doon?" pagtataka ko.

"Some may attack you, they are not trained Mor."


Reincarnated As The Supporting Character (RATSC)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora