Kabanata 44

20.2K 1K 125
                                    

Kabanata 44

Cruel

Magaan sa kalooban isipin ang katotohanan na kahit papaano ay maayos na kami ni Sir Zion at Zadriel. Ni sa hinagap ay hindi ko inasahan na makakaharap ko ang kahit na sino sa kanila matapos ang ilang taon.

I can still remember how mad Zadriel was when he found out that I fooled them before. Hindi ba at nag-away pa silang dalawa ni Nero? Maging si Sir Zion, wala mang kibo ay ramdam ko kung gaano katindi ang naging galit niya sa akin noon. I can never forget how ruthless he is. A silent but deadly kind of man. Isang pitik lang ng mga daliri, kaya niyang pabagsakin ang lahat.

Kagaya ng ginawa niya sa pamilya ko.

Kaya naman mahirap rin talaga paniwalaan na sila ang unang lumapit sa akin para kilalanin si Skyler. Kung tutuusin, puwede nilang baliwalain ang anak ko lalo na at inakala kong hindi ito kawalan sa kanila.

Kabaliktaran lahat. They wholeheartedly accepted my son. Sir Zion even tried to give me a huge amount of money to buy all of Skyler's needs but I refused.

Hindi kailanman ako... tatanggap ng pera o materyal na bagay mula sa kanila. Sapat na sa akin na tinanggap nila si Skyler bilang parte ng pamilya nila.

Hindi rin ako umaasa na lalapit sa akin si Ma'am Adrianna para tanggapin ang apo niya sa akin. It will take a long time for her to forgive me.

O, baka hindi rin mangyari.

Pinagmamasdan ang madilim na kalangitan sa terasa, hindi ko maiwasan ang hindi maalala ang Santa Fe kapag sasapit ang ganitong oras. Tuwing gabi ay gustong gusto ko pinagmamasdan ang langit doon. Litaw na litaw ang mga bituin at para bang kaya ko itong abutin sa pamamagitan lang ng pagtingkayad.

Tama si Nero noong magkita kami sa Rose Garden. Hanggang ngayon, hilig ko pa rin ang pagmamasid sa mga bituin. Hindi pa rin ako nagbabago kahit ilang taon na ang lumipas. Maging sa kaniya.

Hanggang ngayon... siya pa rin.

Wala sa sarili akong napalingon sa bakuran nang makita ang liwanag mula sa headlight ng isang sasakyan. Napatuwid ako mula sa pagkakaupo, hindi maintindihan kung bakit kailangan makaramdam ng kaba. Siguro ay dahil kahapon lang, narito sina Sir Zion at nakakotse rin.

Hindi kaya isa ito sa mga kamag anak niya? Ni minsan ay walang nagtungo dito nang nakakotse. Wala rin akong ibang kaibigan bukod kay Jeremy. At kagaya ng sinabi ni Skyler, wala naman kotse 'yon.

Awtomatiko akong napatayo mula sa kahoy na upuan nang maaninag si Nero na lumabas mula sa driver's seat. Nagwala ang tibok ng puso ko, tila hinahabol lalo pa nang pumihit siya sa gawi ko.

Kahit pa malayo ang distansya niya ay malinaw kong nakita ang mga mata niyang nakapako sa akin.

Ano'ng ginagawa niya dito? Paano niya nalamang dito ako nakatira? Kung sa bagay. Sina Sir Zion at Zadriel nga alam kung nasaan ako. Siya pa kaya? Palaging walang imposible sa mga Monasterio.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa huminto siya sa aking harapan. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib dahil sa presensya niya. Alam ko naman na magkikita pa ulit kami matapos niya malaman ang tungkol kay Skyler mula sa akin. Imposibleng baliwalain niya ito dahil alam akong hindi siya ganoong klase lalaki.

Hindi na lang talaga ako sanay na nakikita siya sa harapan ko. Palagi akong nasasabik. Pero aaminin ko na naroon rin ang pangamba.

"Hi." he greeted and let out a little smile that's already close to smirk. That's him. He actually doesn't know how to smile. Pag ngisi lang ang alam niyang gawin. "I'm sorry if I came here late."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon