Chapter Twenty-six

1.3K 29 2
                                    

“Ang dami na nating pinagdaanan, ’no?” tanong ko kay Khaos.

Nandito kami ngayon sa park at nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingin kami sa sa madilim na kalangitan. Kanina pa kami nakatingala sa maliwanag na buwan at mga kumikinang na bituin.

“Walang-wala naman ’yong pinagdaanan ko sa mga pinagdaanan mo, Ahms,” aniya saka bumuntonghininga.

“Pero sa lahat ng ’yon kasama kita,” sabi ko. “’Yong mga problema ko, parang naging problema mo na rin. Palagi kang nandiyan. Palagi kang nasa tabi ko. Hindi mo ’ko iniiwan kahit na wala ka namang obligasyon sa ’kin. Pinapasaya mo ako sa tuwing malungkot ako. Ikaw lang sa lahat ng taong dumating sa buhay ko ang nakapagparamdam sa akin na hindi ako mag-isa. Binigay mo sa akin ’yong pagmamahal na ang tagal ko nang hinihingi sa iba. Tinanggap mo ako kahit wala namang kung anong special sa akin.”

Bahagya siyang umiling. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ako lumingon sa kaniya.

“Pakiramdam mo lang na walang espesyal sa ’yo pero meron, hindi mo lang nakikita.” Sinandal niya ang ulo niya sa ulo kong nakasandal pa rin sa balikat niya. “Ikaw mismo ang espesyal, Ahmya. Just by looking at you, I already know you deserve everything.”

“Thank you for choosing to stay despite how chaotic I am,” I said sincerely.

“I will always choose to stay.” He looked at me.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. Hindi katulad noon na walang emosyong makikita roon, meron na ngayon. Kumikinang ang mga mata niya sa tuwing tumitingin sa akin.

“Bakit nga ba? Bakit nag-i-stay ka pa rin?”

“I will never do what they did to you. Kahit dumating ’yong araw na hindi mo na ako gusto. Kahit magalit ka sa akin. Kahit ipagtabuyan mo ako, hindi ako aalis. Mananatili ako sa tabi mo.” He smiled weakly. “Aalagaan pa kita, e.”

Natawa ako nang mahina, pilit pinipigilan sa pamamagitan no’n ang nagbabadya kong mga luha. I’m falling for him deeply as he always assures me and makes me feel that he’s just there for me.

His words can make my heart beat triple times faster than its normal beat. It’s just simple but can make me feel a thousand butterflies in my stomach.

Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya nang mahigpit. Ibinaon ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Mas lalo kong naramdaman na ligtas ako. Niyakap ng matamis niyang amoy ang ilong ko pero inaagaw ng atensyon ko bumubulong sa aking tainga. Rinig ko ang mabilis na pintig ng kaniyang puso.

“Naririnig mo ’yon?” tanong niya.

“Hmm.”

“Ang sinasabi niyan . . . mahal kita,” bulong niya sa mismong tainga ko.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa kiliting naramdaman pero mas lamang ang kakaibang dinulot ng kaniyang sinabi sa aking sistema. Nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa isip ko, hindi ko tuluyang maproseso.

Ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya’y alam mong hindi ka obligadong tugunan dahil gusto niya lamang ipaalam sa ’yo at maramdaman mo ’yon; hindi naman siya nabigo.

Binalot kami nang matinding katahimikan. Hindi iyon nakakabingi. Komportable ako kahit pa sobrang tahimik namin. Alam kong sa mga oras na ’to ay nag-iisip din siya.

“Tara na. Uwi na tayo,” sabi niya pagkatapos tumingin sa kaniyang relo. “Alas kuwatro na ng umaga. Lutang na naman tayong papasok mamaya.” Tumawa siya.

Pagkagaling kasi sa trabaho, dito kami dumiretso. Minsan talaga ay ganito kami sa tuwing gusto muna naming magpahangin at magpalipas ng oras. Gusto naming nag-uusap tungkol sa iba’t ibang bagay na kahit pagod kami, hahanap pa rin kami ng oras.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon