CHAPTER 2

47K 1.4K 246
                                    

MADELINE

     HANGGANG ngayon badtrip pa din ako kay Ma'am Jomela, lagyan ko kaya ng lason ang pagkain niya tapos kunwari si Tiya ang naglagay?

"Anong ngini-ngisi-ngisi mo diyan?" Binatukan ako ni Tiya. "Ihatid mona yang pagkain sa hapag."

"Pakisunod nung baso." Binatukan ko din siya bago lumabas ng kusina at magtungo sa dining.

Pwede naman kasing kumain sa kusina, bakit kailangan sa dining pa? Dalawa lang naman sila. Daming arte.

Pagkakita sakin ni Ma'am Jomela ay inirapan niya ako kaya inirapan ko din siya, hindi nagpapatalo ang isang Madeline Sta. Cruz.

"Kapag nakauwi na sila Mom, I will told them to fire you." Sabi nito

Fire? Sunog?

"Bakit susunugin ako? Hindi ako isda na pwedeng ihawin sa apoy." Inirapan ko siya. "Ayan, kumain ka ng mabulunan ka diyan. Ang arte mo!"

"Kuya! Fire him now! Look at her attitude." Inis akong dinuro nito habang nakatingin kay Sir. Karson

Dinuro ko din siya at tumingin kay Sir. "You, fire fire him too like a fish."

"Bobita!"

"Alam ko!"

"Stop both of you!" Hinampas ni Sir Karson ang lamesa kaya napaayos kami ng tayo. "Stop fighting in front of food." Nilingon nito si Ma'am Jomela. "Your Attitude Jomela!." Nilingon ako nito. "Respect her, she's your boss too."

Inirapan kona lang siya, wala akong naintindihan sa sinabi niya eh.

"Sir pasensiya na po." Nilapag  ni Tiya ang mangkok na may ulam at lumapit sakin. "Isa pa Madeline, ipapasesante na kita."

"Ang pangit kasi ng ugali ni Ma'am Jomela eh." Diretsang sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya. "Dapat diyan hampasin ng kawali sa muka e–hmmp!"

Tinakpan ni Tiya ang bunganga ko. "Ma'am Jomela, pasensiya na po. Nahulog kasi ito sa duyan nung bata siya."

Hinila ako nito pabalik ng kusina. "Ang sarap mong kurutin sa singit na bata ka! Ikaw lang ang katulong na ma-attitude."

"Tiya, nakakainis kasi si Ma'am Jomela eh." Sagot ko. "Kanina tinapon niya yung cake ko!"

"Tapos siya yung pinaglinis mo? Kagaling mong bata ka!"

"Ako lang ang bobitang magaling."

"Ay, ewan ko sayo, maglinis kana lang diyan!"

Lumabas ito ng kusina, napasimangot na lang ako bago magsimulang maglinis.

Kapag ako nakaipon ng pera, aalis na ako dito at pagagawan ko sila Mama ng maayos na bahay, yung wala ng tulo kapag umuulan. Yung bahay kasi namin tuwing umuulan, binabaha sa loob kaya may instant swimming pool kami.

Syempre pagkatapos kong maiahon sila sa hirap, babalik ako sa pag aaral, gusto kong magkaalam man lang kahit konti. Ang hirap maging bobo.

"Madeline."

Napatalon ako sa gulat ng may tumawag sakin, nilingon ko ang likuran ko at nakita ko si Sir Karson na nakasandal sa pintuan at nakatingin sakin.

"Sir?"

"Nakangiti ka mag isa." Seryosong sabi nito. "Baliw kaba?"

"Hindi Sir, yung utak ko kasi nag-jo-joke." Tugon ko dito. "Joker po kasi utak ko kaya napapangiti ako."

"It's weird, you look like a crazy woman." Umiling iling ito. "Wag kang ngingiti mag isa, it's creepy."

"Bakit Sir? Kailangan groupings ba ang pagngiti?" Tanong ko

"You know what?" Napahinga ito ng malalim bago umalis.

Walk out yarn?

Nagpatuloy na lang ako sa paglilinis, nang matapos ako ay lumabas ako ng kusina at nagtungo sa sala dala ang walis at pamunas.

"Nagugutom na ako." Bulong ko at nagpatuloy sa paglilinis.

"You should eat Iha." Napalingon ako sa likuran ko ng mag magsalita.

"Don Joel." Nginitian ko siya

Mabait ako kay Don Joel, ang bait niya kasi sakin, Idol ko din yan kahit minsan masungit parang si Sir Karson.

"Don Joel, si Donya Karlina po?" Tanong ko. "Hindi nyo po kasama?"

"Iniwan ko, nag-away kasi kami." Huminga ito ng malalim bago umupo. "Ang hirap kasing intindihin ng asawa ko minsan."

May mas hihirap pa palang intindihin kesa sa subjects.

"Okay lang yan Sir, ang mahalaga ay maayos kayong dalawa." Umupo ako sa harap niyang sofa. "Alam nyo po yung Tatay at Nanay ko laging nag aaway pero naaayos din nila kasi nag uusap sila ng maayos."

"Kakaibang bata ka." Lumipat ito ng upo sa tabi ko, inakbayan ako nito. "Ang ganda at ang kinis mo din."

"Syempre po kahit morena ako at mahirap, alaga ko ang balat ko–"

"–Madeline!" May biglang humila sakin. "Pasensiya na Don Joel may tatapusin pa po kasing trabaho si Madeline."

"Pero Tiya katatapos ko–"

"–Madeline!"

Hinila ako nito patungong kusina. Ang hilig manghila ng Tiya ko, kapag ako napilayan, kukulamin ko ito

"Tiya, ang bastos mo." Inirapan ko siya. "Nakikipag-chismisan ako kay Don Joel eh!"

"Diba sabi ko layuan mo si Don Joel?" Galit ako nitong tiningnan. "Sinasabi ko sayo! May pa-akbay akbay pa kayo, paano na lang kung may nakakita?"

"Wala namang masama doon ah? Prends kami ni Don Joel."

"Basta layuan mo si Don Joel." Sabi nito. "Kumain kana pagkatapos ay dumiretso ka agad sa maid quarters."

Bakit kaya ganoon si Tiya? Hala! Siguro may gusto siya kay Don Joel tapos nagseselos siya samin.

Malantod ka Tiya ah

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon