Kabanata 45

19.1K 973 58
                                    

Kabanata 45

Hinintay

Umalis rin si Nero nung gabi. Hindi ko nga lang inaasahan na pagsapit ng umaga ay babalik kaagad siya rito. Kakasikat pa lang ng araw pero heto at siya na kaagad ang nabungaran ko pagbukas ng pinto.

"Morning." he greeted with a little smile on his lips. May paper bag sa kama niya at sa aroma pa lang ng kape, nasisiguro ko nang almusal.

Literal na magulo pa ang buhok ko. Ni hindi ko pa nakakapa ang mga mata ko kung may muta. Basta na lang ako bumangon nang marinig ang sunod-sunod na katok sa labas. Marahil ay nagluluto si Nay Shirley ng pagkain sa kusina kaya hindi niya rin naririnig ang katok.

"Uh, g-good morning rin. Maaga ka ata?" sabi ko at pasimpleng dinala ang mga daliri sa mata para linisin ito.

Nakakahiya naman. Preskong presko itong si Nero sa kulay sky blue na polo shirt at pantalon pagkatapos ako ay mukhang nanglilimahid. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Kung bakit naman kasi ang aga-aga niya dito.

"Sorry. Did I wake you up?" he asked. The tone of his voice sounded like he's worried that I might get angry that he's here too early. "Gusto ko lang sana makita ang anak natin."

Umiling ako. "Ayos lang. Gigising na rin naman talaga ako dahil mag-aayos ako ng tindahan. Si Skyler... tulog pa kasi siya."

He bit his lower lip and nodded his head. "Can I go inside his room? I just want to be in front of him when he wakes up."

Tumango ako. "Pasok ka."

Kaagad rin akong tumalikod dahil hindi ko pa rin kaya ang makipagtitigan sa kaniya. Masasabi ko na ayos naman na kami ni Nero pero hanggang magkaibigan lang. Kaswal lang para kay Skyler. Marahil ay hindi na kailangan pa ungkatin ang nakaraan. Ang importante na lang ay ang bata.

"Pasensiya ka na. Mantika talaga matulog ang batang iyan. Kung magiging man nang maaga, bihira." sabi ko nang huminto sa harapan ng kama.

He let out a soft chuckle as he sat on the edge of the bed while staring at Skyler.

"Mana sa'yo. Mahirap ka rin gisingin lalo na sa umaga."

Natahimik ako. May kung anong kiliti ang gumapang sa puso ko. Naalala niya ba ang bagay na 'yon? Maliit na detalye pero... naaalala niya pa rin?

Hilaw akong natawa. "Hindi na ngayon. Maaga na ako palagi gumigising dahil nagbubukas pa ako ng tindahan."

Nilingon niya ako saka tinitigan. Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ang mga mata ko aking paanan. Ganoon pa man ay ramdam ko ang bigat ng mga tingin niya sa akin.

"Matagal mo nang negosyo ang tindahan mo?"

I raised my head only to meet his eyes. Tipid akong ngumiti.

"Mahigit isang taon na rin. Pagkatapos ko mag resign sa trabaho sa isang kumpanya, nagpundar ako ng pagkakakitaan. Kumikita naman kahit papaano."

Muli siyang tumango. "Did you... have a hard time finding decent job before? Hindi ka sanay sa hirap."

Kinagat ko ang ibabang labi nang maalala kung ilang beses akong pumalya sa paghahanap ng trabaho noon. I faced a lot of rejections but still went on. Mga panahon na hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil mayroon na akong Skyler na umaasa sa akin.

"Ilang beses akong hindi natanggap sa ina-apply-an ko. Ewan ko ba. Nakatapos naman ako ng kolehiyo pero parang laging may mali sa akin. Ayaw nila akong tanggapin..." natatawang sabi ko nang muli ko siyang tingnan.

Napansin ko ang pag-igting ng panga niya bago ako iniwasan ng tingin. Tila ba nagmukha siyang iritado pero baka nagkakamali lang ako ng interpretasyon. Ganoon naman kadalasan ang ekpresyon ng mukha niya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon