Kabanata XII

68.8K 1.3K 841
                                    

"FAYVEN, nakahanap ka na ba ng maiinterview?" Usisa ni Steven habang naglalakad kami palabas ng Psych building.

Napahinga naman ako nang malalim nang maaalala ang problemang 'yon.

"Maghahanap pa lang ako. Kailan nga uli ang pasahan no'n?" Tanong ko.

"Sa Friday," sagot niya.

Napaisip ako. It's already Tuesday. Kailangan ko nang makahanap ng taong maiinterview, para by Thursday ay mafinalize ko na ang enconded paper ng mismong interview. That means, I only have this day and tomorrow to conduct the interview. Kaya dapat ngayon pa lang ay makahanap na ako ng taong iinterviewhin.

Nakagat ko tuloy ang loob ng aking pisngi. Isang mental health clinic lang ang alam ko rito sa Baguio.

"Diretso uwi ka na ba?" Tanong ni Steven dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya.

Nakalabas na pala kami ng school premises, ngayon ay naglalakad na kami patungo sa tinutuluyan kong dorm.

"Uhm, oo. Tatapusin ko na kaagad iyong assignment natin sa zoology."

It's already 5PM and our classes for today already ended.

"Sige, mauuna na pala ako."

He waved goodbye. Kumaway na lang din ako pabalik sa kanya, hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod para magpatuloy sa paglalakad.

Maglalakad na rin sana ako papasok ng dorm pero kaagad akong pinigilan ng utak ko. I need to find an interviewee now. That's more urgent than any other assignments I have now.

Napabuga ako ng hangin.

Pakshet. Bahala na nga.

Nagtatalo man ang loob ay tinahak ko ang kabilang daan saka kaagad pumara ng jeep.

I need to go to the only mental clinic I know. Doon ko lang mahahanap ang taong kailangan kong ma-interview.



NAPABUGA ako ng hangin nang makitang bukas pa ang clinic. Kanina ay napaisip ako na baka sarado na 'to, buti na lang at hindi pa.

Maagap ko nang tinahak ang entrance para pumasok. Kaagad namang napatingin sa akin ang babae sa front desk pagkatulak ko sa pinto.

"Hi," sinalubong ko siya ng ngiti. Sinuklian niya naman 'yon.

"Good afternoon, Ms. Mojica. How may I help you?"

"Uhm," napakamot ako sa braso. Okay, focus, Fayven. Huwag kang kabahan. "Wala naman akong appointment for today. I'm just wondering if there's a mental health professional whom I could possibly interview?"

Nakagat ko ang labi. Nakakahiya. I don't even know if they will allow me. But this is the only shot I got.

"Of course, ma'am! I think we can make that possible."

Napanatag naman ako ro'n. Nakahinga na rin ako sa wakas nang maluwag. Buti na lang.

She started scanning through the computer monitor, probably finding a possible interviewee who's free at the moment.

Sana may available. Sana may available.

My fingers crossed in anticipation. Kahit siguro maghintay ako ng ilang minuto, o kahit oras pa 'yan ay okay lang, basta may ma-interview ako. Ayoko namang unang assignment eh zero ako kaagad.

Biglang tumunog ang elevator.

Bilang dakilang Marites ay awtomatikong umikot ang ulo ko para tumingin do'n.

It felt like my heart dropped when Dr. Vergara stepped out of the elevator, walking proudly with his incredibly tall height and model-like posture.

What a coincidence nga naman. Ngayon pa talaga?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon