Kabana II

14.5K 1K 333
                                    

ANG pag-uga ng kamang kinahihigaan ko ang dahilan kaya ako nagising. Kahit inaantok pa ay sinikap kong idilat ang aking mga mata.


"Hi! Good morning!"


Unti-unting luminaw ang kaninang nanlalabo kong mga mata. Sa aking harapan ay isang napakaguwapong lalaki ang aking nasiyalan. Ang kulay luntian niyang mga mata ay nakatingin sa akin habang ang mapulang mga labi ay nakangiti habang nagsasalita.


Nang ma-realized ang ayos namin sa ibabaw ng kama ay mabilis akong napabangon.


"Nasaan ako?! Anong ginawa mo sa akin?! Bakit ako nandito? Bakit kita katabi at bakit naka-panty na lang ako?!" sunod-sunod na usisa ko.


"Hey... easy... isa-isa lang."


"Nasaan nga ako e?! Saka bakit kita katabi?! Bakit naka-panty na lang ako?! Nasaan iyong gown ko?! Manyak!"


"You're in my house, Lucia."


"House mo?!" Umikot ang paningin ko sa paligid. Ang laki ng antigong kuwarto.


"Dito kita dinala kasi wala naman akong maisip na ibang lugar na pwedeng pagdalhan sa 'yo."


Naalala ko ang nangyari kagabi.


"And about your gown last night, wala na iyon. Nasira na."


Napatitig ako sa kanya.


"Masyado kasing malaki iyong gown mo, nahirapan akong itakbo ka palayo dahil sumasabit sa kung saan-saan."


"Kaya hinubaran mo na lang ako?!"


Napakamot siya ng pisngi. "Oo e. Sorry na."


Hindi ko alam ang sasabihin.


"Ang daming humahabol sa 'yo kaya kinailangan kong magmadali. Itinapon ko iyong gown mo sa talon para lituhin sila."


"At dinala mo ako rito?"


"Yes."


Naguguluhan na napailing ako. "Nakatulog ako... Wala na akong maalala..."


"Siguro sa gulat at pagod, nakatulog ka nga."


Baka nga ganoon. Kaya lamang ay bakit napakatagal kong nakatulog?


Tumayo siya. "Gutom ka na ba?"


Saka ko narinig ang pagtunog ng tiyan ko. Ang last meal ko pa kahapon ay iyong malamig at makunat na McDo.


Umalis siya at pagbalik ay may bitbit ng malaking t-shirt na kulay white. Inabot niya iyon sa akin. "Suotin mo muna ito."

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon