Kabanata III

18.5K 951 316
                                    

"SO OKAY LANG BA SA 'YO NA NANDITO KA SA BAHAY KO?"


Luh, parang tanga...


Nakangiti siyang lumapit at ginulo ang buhok ko. "Hey, I was just kidding. I don't have a girlfriend."


Wala? Akala ko pa naman ako na talaga.


Hindi naman sa dismayado ako, ha?


Nakakainis lang kasi bigla kong naalala ang pagnanakaw niya sa akin ng halik sa talon. May pa-all rights reserved pa siyang nalalaman, 'tapos hindi naman pala tototohanin. 


"I really don't have one," sabi niya na parang nagpapaliwanag.


"Puwede ba iyon e ang guwapo mo?" hindi ko napigilan ang bibig ko.


Natawa siya. "Yes, puwede namang hinihintay ko pa kasi iyong para sa akin."


Nanulis ang nguso ko. "Arte..."


Naiwan akong mag-isa sa kusina habang siya ay pumunta sa may lanai. May dala siyang telepono na may antena. Hindi ko alam kung sino ang tinatawagan.


Napakamot ako ng ulo. Ano ba iyon? Hindi naman ako mahilig sa lalaki, ngunit kung makaasta ako ngayon ay parang umaasa ako sa kanya. Kakaiba lang ang taglay na kaguwapuhan ni Lourd, at maginoo na may pagkapilyo, ngunit hanggang doon lang iyon. Katulad lang din siya ng ibang mga lalaki sa tabi-tabi.


Habang wala siya ay nagmasid-masid ako rito sa kusina. Kailangan kong ibaling ang aking atensyon sa iba. Sa pagkukutingting ko ay napansin ko ang isang cabinet na may kakaibang disenyo.


"Ano ito?" anas ko habang hinahaplos ang cabinet na nakakuha sa atensyon ko. Ang ganda kasi ng pagkakaukit ng disenyo sa labas. Parang napaka-espesyal.


Naiiba ang kulay nito sa lahat ng cabinet dito sa kusina. Kasing laki iyon ng isang buong dingding kaya naisip ko na baka pantry ang loob. Out of curiosity ay hinila ko ang malawak na pinto ng cabinet para binuksan iyon. Ganoon na lang ang aking pagkagimbal nang bumungad sa aking paningin ang nasa loob.


Collections ng mga antique swords, riffles and daggers ang nasa harapan ko ngayon. Meron ding mga lubid, bakal na tubo, balisong at malaking itak na tila yari sa ginto. Dagdag pa ang mga kadena na tila ginagamit sa panggapos ng malaking hayop o... tao?


Napaatras ako. Bakit kailangan ang mga ito? Sinong normal ang magtatabi ng mga ganitong bagay sa mismo niyang pamamahay? Dito sa kusina na madaling makita at ma-access ng kung sino mang makakapasok dito?


Bakit may mga pang-torture si Lourd?


Akala ko mabait siya? Akala ko pilyo lang siya subalit maginoo at mabuti namang tao. Pumayag nga siya agad na tumira ako rito, hindi ba? Ngunit baka nga ba siya may mga ganito?!


Nanghihinang napalayo ako sa cabinet sa mga napagtanto. Walang relatives, walang kapitbahay, at walang kasambahay... Ang laki-laki ng lupain na hinahayaang nakatiwangwang lang? Bakit? Para walang ibang tao rito. 

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon