CHAPTER 4

42.8K 1.4K 172
                                    


MADELINE



     MAHAPDI PA din ang kamay ko dahil sa sugat, sa susunod talaga i-wa-washing kona ang damit ni Ma'am Jomela, pababayaan ko ng masira, marami naman siyang perang pambili.

"Pumunta ka ulit ng Hacienda." Sabi ni Tiya. "Nandiyan yung listahan ng gulay na kukunin mo."

"Tanga naman ni Tiya, alam mo namang hindi ako marunong magbasa eh." Inirapan ko siya

"Ibigay mo ang listahan kay Renato at siya na ang bahala." Sagot nito. "Ibibili kita ng ABAKADA mamaya kapag namalengke ako, ng magkalaman man lang yang utak mo."

"May laman ang utak ko, puro dugo nga lang."

"Lumayas kana baka masampal kita."

Nilayasan ko si Tiya at nagtungo sa parking, hinanap ko si Mang Jake pero si Ma'am Jomela lang ang nakita ko doon.

"Ma'am, nakita mo si Mang Jake?" Tanong ko

"Inutusan ko." Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Bakit?"

"Magpapa-drive ako, pupunta akong Hacienda para manguha ng gulay." Sagot ko

"Ako na ang sasama sayo, may kakausapin din ako." Sumakay ito ng sasakyan niya. "Sakay na o baka gusto mong buhatin pa kita?"

Inirapan ko lang siya bago sumakay.

Nagsimula na itong mag-drive, tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating sa Hacienda, bawal kaming mag usap dahil hindi lang usap ang mangyayari, may kasama pang away.

"Renato!" Kinawayan ko ito at nilapitan. "Pinapakuha ako ni Tiya ng gulay, nandiyan yung listahan."

"Sige ako ng bahala, doon muna kayo sa kubo ni Ma'am Jomela." Tugon nito at ngumiti

Nagtungo naman kami ni Ma'am Jomela sa kubo at naupo sa papag doon habang nakatanaw sa mga nagtatrabaho.

"Marunong kang magtanim Ma'am?" Tanong ko

"Ofcourse, my lola taught me." Sagot nito. "Lagi kaming nagtatanim ni Lola nung bata ako."

"Nasan na Lola mo?"

"She's Dead.." Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Teka nga, bakit ang chismosa mo? Close ba tayo?"

"Sinagot mona, nag iinarte kapa." Mahina ko siyang sinabunutan. "Kaya wala kang boypren eh."

"May boyfriend kaya ako." Nag iwas ito ng tingin. "Kaso secret lang dahil bawal sabihin kila Mommy, baka mapahamak siya eh."

"Pakilala mo naman!" Umangkla ako sa braso niya. "Bilis na sino? Hindi ko sasabihin sa iba."

"Kapag sinabi mo susunugin ko ang kilay mo." Tinulak ako nito bago tumayo. "Tara sundan mo ako."

Nauna itong maglakad kaya agad akong sumunod sa kanya, nakarating kami sa bandang dulo ng Hacienda kung saan may mga nagtatanim ng palay.

Iilan lang ang mga tao doon.

"Josuel!" May tinawag ito

"Jomela!" May lumapit sa'ming lalaki.

Moreno ang kulay at gwapo, matinik din itong si Ma'am Jomela eh.

"Kumain kana ba?" Malambing na tanong dito ni Ma'am Jomela. "Baka nagpapagutom kana naman?"

"Kumain na ako, ikaw? Ang payat mona oh."

"Ehem." Peke akong tumikhim. "Ma'am Jomela, ang landi mona masyado."

"Epal!" Umirap ito. "Btw, Josuel siya si Madeline, ang katulong namin na masarap sunugin ang kilay."

"Hi Madeline." Ngumiti ito. "Ako si Josuel, uhm...sana wag mong ipagsabi 'to, ayokong mapahamak si Jomela."

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon