CHAPTER 7

41.4K 1.4K 239
                                    

MADELINE


     KAGAYA NG pangako ni Sir Karson, binilhan niya nga ako ng cake–malaking cake.

Pero hindi niya ako naturuan kasi busy siya at mukang bad mood, hindi kona lang din kinulit, baka kasi sapakin ako eh. Ngayon nasa office niya siya dito sa bahay

"Madeline!" Hinila ako ni Ma'am Jomela. "Pupunta dito si Aitan, what I'm gonna do?"

"Harapin mona lang." Sagot ko. "Baka pagalitan ulit ako kapag nangielam ako."

"But I need your help, hindi pwedeng masolo niya ako dahil mamanyakin na naman ako ng gagong yun!"

"May bayad."

"Oo na!"

"Jomela!" Nandito na ang Dimonyito. "Let's go to your room, mag uusap tayo."

"Tago ka!" Tinulak ko siya sa likod ng hagdan. "Ako ng bahala sa fiance mong hilaw basta yung bayad wag mong kalimutan."

"Mukang pera!"

Inirapan ko lang siya. "Si Ma'am Jomela po? Umalis po siya eh."

"Sabi ni Tita Karlina nandito siya." Sabi nito. "Saan pumunta? Hihintayin kona lang sa kwarto niya."

"Uhm.." Humarang ako sa daraanan niya. "May naglilinis po kasi sa kwarto ni Ma'am Jomela kaya bawal pong pumasok."

"Hintayin kona lang siya sa sala–"

"–Balik na lang po kaya kayo? Matagal pa po si Ma'am Jomela eh, maarte yun masyado."

Nagsalubong ang kilay nito. "Wag mo nga akong pakielaman, magtrabaho kana lang diyan. Peste ka!"

"Mas peste ka!" Singhal ko sa kanya. "May itsura ka pero hindi ka marunong mag-tooth-brush!"

"Anong sabi mo?"

"Hindi ka marunong mag-tooth-brush! Bingi kapa!"

"Yabang mo ah!"

Malakas ako nitong sinampal, napasapo na lang ako sa pisngi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bakla!" Sinipa ko siya bago tumakbo paakyat ng hagdan.

"Bwiset ka!"

Ramdam ko ang paghabol nito sakin. Malaki ang sisingilin ko kay Ma'am Jomela, mukang mapapatay ako nitong Fiance niyang hilaw

"MAY IMPAKTO!" Sigaw ko at basta na lang pumasok sa kulay pulang pinto. "Yawa!"

"What happened?"

Nakita ko si Sir Karson na nakaupo, salubong ang kilay at may suot ng salamin. Mukang office niya napasukan ko.

"Sir, may unggoy na humahabol sakin." Lumapit ako sa kanya at nagtago sa likuran niya

Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal non si Ita–Aitan pala.

"What happened Ariston?" Malamig na tanong dito ni Sir Karson. "Anong kailangan mo kay Madeline?"

"Sir sinampal ako niyan." Sumbong ko agad. "Kaya sinipa ko.."

"Yang katulong mona yan Karson, balato mona sakin yan." Gigil na sabi nito. "Dapat diyan tinuturuan ng leksyon eh."

"Sinampal mo si Madeline?" Walang emosyong tanong nito dito. "Answer me Ariston."

"Oo." Ngumisi ito. "Ibiga–"

Napaawang na lang ang bibig ko at napatulala ng barilin ito ni Sir Karson. Kita ko ang pagbagsak nito sa sahig at butas sa noo nito.

"There, nagtitimpi lang ako sa gagong yan pero inubos niya ang pasensiya ko." Sabi ni Sir at tinago baril niya

Nilapitan ko naman si Sir at malakas na binatukan. "Gago Sir, pinatay mo!"

Kumunot ang noo nito. "Aren't you afraid?"

"Bakit naman? Sanay na ako sa ganyan, daming mamamatay tao samin." Nagpameywang ako sa harap niya. "Tsaka narinig ko mga chismisan ng katulong na Mafia ka daw at pumapatay ka ng mga taong masama."

"Unbelievable." Natawa ito bago tumayo at hawakan ang pisngi kong sinampal ni Sir Aitan. "Are you okay?"

"Okay lang Sir." Sagot ko. "Pano yung bangkay Sir? Baka makulong ka? Ibaon naba natin sa likuran ng bahay?"

"Lilinisin yan ng mga tauhan ko." Sagot nito. "Go back to work now."

"Sige Sir.." Tinapik ko ito bago lumabas. Inirapan ko pa ang bangkay ni Sir Aitan ng madaanan ko

"What happened? Nakarinig ako ng putok ng baril." Salubong sakin ni Jomela.

"Si Sir yun." Sagot ko lang at naglahad ng palad. "Bayad mo."

"Mamaya, muka kang pera kahit kailan!"

"Syempre! Palibhasa mayaman ka, ang sama talaga ng ugali mo!"

"Pakielam mo?" Nilampasan ako nito

Hinabol ko naman siya at hinila ang buhok niya bago tumakbo pababa ng hagdan.

Sa susunod buhok niya sa baba ang hihilahin ko.

"Nakarinig kami ng putok ng baril." Sabi ni Tiya. "Anong nangyari?"

"Utot lang yun ni Sir Karson." Sagot ko

Napangiwi na lang sila sa sinabi pero inirapan ko lang sila.

May inabot sa'king tray si Tiya. "Ihatid mo yan sa basement, nandoon ang mga kaibigan ni Sir."

"Bakit ako?" Reklamo ko.

Umamba ng batok si Tiya kaya nagmamadali akong nagtungo sa basement. Nandoon na din si Sir Karson.

Bilis naman.

"Sir oh." Inabot ko sa kanya yung tray na may nakapatong na baso at pagkain.

"Anong gagawin ko dito?" Kunot noong tanong nito

"Hampas nyo ho sa muka mo." Sarkastikang sagot ko

Natawa ang mga kaibigan niya pero inirapan ko lang sila. Kahit pogi sila hindi ko sila bet, kung kakalampag man si Puday kay Sir Karson na lang.

"Pinapahatid ni Tiya yan." Sabi ko at nilibot ang paningin ko. "May billiard ka pala dito Sir."

Nilapitan ko yun, kumuha ako ng isang tako.

"Marunong ka?" Tanong ni Sir.

"Hindi." Sagot ko at winasiwas ang tako. "Sir, hampas ko kaya sa ulo mo ito?"

"You know what? Lumabas kana." Huminga ito ng malalim.

"Siya yun?" Tanong ng isang lalaki kay Sir.

"Shut up Campbell." Masungit na sagot dito ni Sir Karson. "Umalis kana Madeline."

"I'm doing now." Paalam ko

"It's going Madeline, Going hindi doing."

"Parehas lang yun, iniba lang yung unang letter."

Tinapik ko muna sa braso si Sir bago tuluyang lumabas. Gusto ko sanang asarin si Sir kaso nakita kong may baril yung mga kaibigan niya.

Baka mapikon tapos barilin ako sa ulo, ede wala ng magpapakain sa Pamilya ko.








A/N: ALIEN TALAGA SI MADELINE

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon