BMDN Chapter 7

106K 3K 146
                                    

Maaga akong nagising kaya tumulong ako sa pag luluto ng almusal. Sinabi na sakin ni Venus ang kadalasang niluluto nila sa mag ama, at ang mga pag kain na hindi nila kinakain. Lalo na si Kisza, marami syang hindi kinakain katulad ng mga gulay at isda. Kaya pala puro karne ang laman ng freezer. At ang isang cabinet puno ng malalaking junkfoods, at iyung isang Ref puno ng softdrinks at beer. Sinabi din ni Venus na panay softdrinks at junkfoods ang kinakain ni Kisza pag nasa bahay.

Nang mag six na ay umakyat na ako sa kwarto nya para gisingin sya. Naabutan ko syang mahimbing na natutulog habang yakap ang stuffed toys na bigay ko.

Umupo ako sa gilid na kama at tinitigan sya, ang ganda nya. Napakaganda ng anak ko, siguro gwapo ang ama nya.
Nanginginig ang kamay na hinaplos ko ang mukha nya, biglang bumalik sa ala-ala ko yung panahon na ipinapanganak ko sya. Ang saya ko noong nakita ko sya, yung para akong nasa cloud 9 noong unang kinarga ko sya. Nawala lahat ng pagod ko sa panganganak noong nilabas ko sya. Pero bumabagabag parin yung sakit na naramdaman ko noong iniwa ko sya sa gate ng bahay na ito.

"Minsan naiisip ko mali ang ginawa ko. Na sana hindi kita ipinamigay, na sana ako ang nag aalaga sayo. Pero sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ng buhay na mayroon ako ngayon, napapatunayan kong tama ang ginawa ko. Anak, kung darating man ang panahon na malalaman mo ang totoo, sana huwag mong isipin na ayoko sayo kaya kita ipinamigay.. Mahal kita kaya nagawa ko iyon." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko saka huminga ng malalim. Tumayo ako saka hinawi ang makapal na kurtina para pumasok ang liwanag ng araw.

"Mommy?"

Para akong natulos sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Kisza. Dahan dahan akong lumingon sakanya at nakita ko syang nakaupo sa gitna ng kama at kinukusot ang mata.

Lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi nya. Hinaplos ko ang magulo nyang buhok. Nagulat ako ng bigla syang yumakap sakin, kasunod noon ay ang pag iyak nya.

"Shhhh... Bakit ka umiiyak? May napanaginipan kabang masama?" Tanong ko saka sya binuhat at iniupo sa binti ko.

"Namimiss ko na si Mommy. S-sabi ni Daddy mag kikita din kami, pero bakit ang tagal nya pong bumalik" umiiyak na sabi nya.

"Napanaginipan mo ba ang....ang M-mommy mo?" Tanong ko. Tumangos sya habang nakayakap sakin.

"Shhh. Tahan na.. Andito naman si Ate Nina eh" sabi ko saka hinaplos haplos ang likod nya.

Hindi ko maiwasang mainggit kay Raquel, dahil mahal sya ng anak ko, at ito ang tinatawag nyang Mommy. Alam kong mahal ni Kisza si Raquel dahil ito ang nakagisnan nyang ina.

"Okay kana?" Tanong ko ng maramdaman kong tumigil na sya sa pag iyak.

"Opo" sabi nya. Hinawakan ko ang mukha nya saka pinunasan ang mukha nyang basa dahil sa pag iyak.

"Lagi mong iisipin na kasama mo lang si Mommy mo. Na lagi ka nyang binabantayan" sabi ko sakanya. Tumango naman sya saka ngumiti.

"Tara mag breakfast kana" sabi ko saka hinawakan ang kamay nya at lumabas ng kwarto nya.

Para syang hindi galing sa pag iyak. Dahil napaka hyper nanaman nya. Pinapanuod ko sya habang kumakain, nilagyan ko din ng tubig ang baso nya.

"Ate Nina, ayaw ko ng tubig. Gusto ko juice" sabi nya ng mapansin nya na tubig ang ibinigay ko sa baso nya.

"Kisza, hindi maganda na laging powdered juice ang iniimon." Sabi ko sakanya.

Napanguso sya sa sinabi ko. Saka nakasimangot na pinag patuloy ang pag kain.

"Hello Princess"

Napatingin ako sa nag salita at nakita ko ang poging mukha ni Sir. Nakangiti sya sa anak nya, pero nang napunta sakin ang tingin nya ay nawala iyon.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon