Special Chapter 1

217K 4.4K 4.1K
                                    


"Where did you buy the fried banana?" tanong ni sam

"Fried banana?" si Peter

"Yup" wika ni sam at uminom ng juice

"May pa fried banana ka pang nalalaman. Bananacue tawag namin dun" sabat ni Dion na kakaahon lang galing sa pool. Kumuha siya ng towel at umupo sa tabi ni Sam. Nakaupo silang tatlo sa sun lounger, facing the pool.

"It's still the same" sabi naman ni Sam.

Tumutulong ako sa pag grill ng barbecue. Napatingin ako sa banda nina Thaigo at Eros na naghahabulan sa gilid ng pool while Thairon is busy in his phone.

3 days na kami nandito. Nagbakasyon kasi kami. Kahapon lang dumating sina Enzo, Sam at Peter.They got bored daw kaya sumunod sila sa amin. Kinasal ulit kami ni Thaigo when he finally recovered from a coma. It was a beach wedding at hapon iyon ginanap para daw may sunset, iyon ang gusto ni Thaigo at alam ko naman ang dahilan ba't 'yon ang gusto niya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Eros was laughing as Thaigo carry him. Puro kay Thaigo nagmana ang mukha nila. I was the one who suggested na mag pa DNA test kay Eros noong gumaling na si Thaigo and we were so happy when the result came out and the doctor said that it was positive. Si Thaigo ang Ama.

"Eris, tulungan na kita" biglang sumulpot si Enzo sa tabi ko. "Ako na bahala dito. Magpahinga ka muna" sabi niya at kinuha ang pamaypay sa kamay ko.

Pinagmasdan ko siya sa kanyang ginagawa. Kinuha niya yung ibang luto na ng mapansin kong puno na pala ang mga pinggan. Wala ng ibang malalagyan.

"Hintayin nalang natin. Nagpakuha ako ng pinggan" sabi ko at luminga sa paligid. Hinihintay ang pinggan na pinakuha ko.

"Ba't kasi ikaw pa ang nagluluto? Pwede naman tayong magpaluto" sabi ni Enzo habang may hawak limang piraso ng barbecue na luto na.

"May nagluluto dito kanina pero nag volunteer ako na ako nalang mag-iihaw kasi wala naman akong ginagawa" tumango siya at sabay kaming napabaling sa isang... staff siguro ng hotel na may hawak na pinggan.

Lumapit siya at nakangiting inabot sa akin ang pinggan. Nakita ko ang pagsunod ng mga mata ni Enzo sa babae.

"Thank you" sabi ko sa babae at binalingan si Enzo. " Huy, lagay mo na dito" siniko ko si Enzo kasi nakatitig parin siya sa babaeng nasa harap niya. Abala ito sa paglinis ng mesa namin.

Agad namang nilagay ni Enzo ang hawak niyang mga barbecue sa hawak kong pinggan at muling tiningnan ang babae na mukhang tapos na sa kanyang ginagawa. Inangat niya ang kanyang ulo at muli akong nginitian bago niya binalingan si Enzo sa tabi ko. Napangiti ako ng makita ang mukha ni Enzo. Nakatulala siya habang nakatitig sa mukha ng dalaga.

The girl is really pretty. Her hair was in bun, maputi at maganda ang katawan medyo fit kasi ang suot niyang uniform kaya kita ko ang hubog ng kanyang katawan. She has dimples at maamo ang kanyang mukha. Light ang kanyang make up na bumagay sa kanyang mala anghel na mukha.

Mukhang na love at first sight ata si Enzo.

Aalis na sana ang babae ng biglang magsalita si Enzo.

"T-Thank you"

Oh, Mr. Bryce Enzo Villamor? stuttering? in front of a girl?

Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Napatigil ang babae sa paglalakad at muling tiningnan si Enzo.

Nakita ko ang paglunok nito, tila ba kinakabahan ngayung nakatitig sa kanya ang dalaga.

"Thank you Ms..." Dumapo ang kanyang mata sa name tag ng dalaga.
"Ms. Kaye Torres..."

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon