Chapter Twenty-nine

1.6K 27 3
                                    

All of them were sleeping except Lyka and I. Mukhang napanatag ang mga loob ng mga demonyo dahil makakakuha sila ng pera mula sa tatay ko.

I wonder what he looks like, pero hindi ako nakakaramdam ng excitement na makita siya. Sinisisi ko siya kung bakit miserable ang buhay ko ngayon.

Siya ang may kasalanan nitong lahat.

Kung sana nag-isip lang siya noong mga oras na 'yon. Kung hindi niya sana ako iniwan dito, hindi mangyayari sa akin 'to.

Hindi sapat 'yong binibigay niyang pera kahit gaano pa 'yon kalaki dahil hindi naman iyon ang kailangan ko. Pagmamahal at pagkalinga ng isang tunay na pamilya ang kailangan ko . . . hindi materyal na bagay o pera . . . pagmamahal.

Kung tutuusin, mas madali nga 'yong ibigay pero nabigo pa rin siya. Nabigo silang lahat.

I wish I was a different person. Just a simple girl with a happy life. Wala na akong pakialam kung mahirap man o mayaman, basta sana naging ibang tao na lang ako.

Kanina pa nakatingin sa akin si Lyka pero hindi niya naman ako kinakausap. Kung sabagay, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kaya mas mabuting ganito na lang kami.

Maya-maya ay tumayo si Lyka na para bang hindi na nakatiis at nilapitan na rin ako. Hawak niya ang isang panyo saka dahan-dahang itinali sa hita kong kanina pa dumudugo buhat nang barilin ako ng hayop niyang ina.

Napadaing ako nang mahina.

"S-sorry," paghingi niya ng paumanhin at mas dinahan-dahan ang pag-ikot no'n.

Tumango lang ako sa kaniya pagkatapos niya iyong ilagay. Binalot na naman kami ng katahimikan. Tulad ko, sumandal siya sa pader saka bumuntonghininga.

"I just hope your dad is not stupid," she whispered. "He should bring armed men with him. Nababaliw na ang mga magulang ko. Mas mabuti kung makulong na lang sila at magsisi sa mga kasalanan nila."

She's right . . . pero paano na siya kung gano'n? Kung makukulong sila, maiiwan siyang mag-isa.

Natawa ako nang mahina. Bakit kalagayan niya pa rin ang inaalala ko pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin.

Hindi katulad kagabi, iniwan nilang bukas ang pinto. Hatinggabi na pero hindi pa rin ako hinihila ng antok.

"If you think that your dad doesn't love you because he left you to us, you're wrong," she said and looked at me, flashing weak smile. "Hindi iyon ang sinabi sa akin ni mama. He loves you dearly. Mahal na mahal ka niya at kahit masakit para sa kaniya na malayo sa 'yo, ginawa niya pa rin. Walang-wala sila noon, ate. Walang trabaho si Tito Elmer tapos namatay si Tita Divine. Hindi niya alam kung paano ka niya bubuhayin kaya mas pinili niyang iwan ka at magtrabaho sa ibang bansa. Gusto ka niyang bigyan ng magandang buhay . . . ng magandang kinabukasan."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, mukha namang totoo ang sinasabi niya. Nakukuha ko na siyang maintindihan sa rason niya na iyon pero bakit naman inabot ng dalawampung taon?

"Kung nagtataka ka kung bakit hindi ka man lang niya nagawang kausapin, uwian, o bisitahin man lang kahit isang beses, nakulong siya ng twelve years sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Pupuntahan ka niya dapat noong 5th birthday mo kaso hinuli siya sa airport. It was your stepmom who continuously gave us money because your dad was inside the jail. Hindi sila nagkulang, ate . . . kami ang nagkulang. Nagsinungaling kami sa 'yo. Itinago namin ang lahat. Ginawan ka namin ng masama."

I burst into tears. Para akong batang uhaw sa kaalaman at sa mga naririnig ko ngayon, hindi tuluyang maproseso ng utak ko.

Ang gulo-gulo.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon