Chapter>16 SOCO

921 63 4
                                    

Lynn's POV



LAHAT ng atensyon ay nabaling kay Law at sa mga sinabi nito,ako naman ay hindi magawang maigalaw yung katawan sa sobrang nerbyos na naramdaman ko...


Bakit kasi hindi ko muna nilinisan bago ko i-park?!


Sa huli ay nakakuha ako ng katiting na lakas ng loob at dahan-dahang tiningnan ang reaksyon ni Jake,siya pala ang may-ari ng magandang mountain bike bayon kaya pala may 'J ' at ' K ' na nakaukit...


"Hala,patay talaga ang gumawa nyan!"


"Yan ang pinakamamahal nyang bike,lagot ang maygawa nyan!"


"Ewan ko lang kong mabubuhay paba ang maygawa nyan!"


"Mas naawa ako sa gumawa nyan kesa kay Jake sa totoo lang"


Bulong-bulongan ng mga tukmol na lalong nagpakaba ng sistema ko. Tiningnan ko sya dahan-dahan nyang sinirado ang kamao nya na tila makikipagsuntukan at nakayuko lang at kalmado na nakakadagdag sa takot ko


"Ang bike kooo!!!Sino ang may gawa sa karumal-dumal na sinapit ng bike ko?!"Sigaw nya


Eh?


Parang masyado naman atang OA ang reaksyon nya ang inaasahan ko pa naman ay magdidilim ang mukha nya tapos sisigaw sya ng


"Sino ang lintek ang gumawa nito?!"


Pero sa nakita ko ay parang baklang namatayan ng sugar daddy eh. Bakas sa mata ng mga ibang tukmol ang awa kaya imbes na matakot ay nakokonsensya ako...


Mukhang mahal talaga nila ang bike nato...


Ngayon ay umiiyak sya ng matinis habang hug yung bike nya,yung ibang kaklase naman namin ay nakikisabay den sa pamamagitan ng pag-alo sa kanya...


"Hindi pwede to kailangang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa bike!"Sigaw ni Xander


"Tama!"


"Hustisya para sa bike!"


"Sige,magtalaga tayo ng SOCO na pang-Section Ruby!"


"SOCO ano yun?"


"Scene Of The Crime Operative yun bobo!"


"Meaning iimbistigahan natin ang nangyari sa bike!"


"Sige!"


Ayun na nga ang napagusapan at ngayon ay nagpa-plano na sila,hinila naman ako paupo ni Xander at Clever sa tabi nila,so pinaggigitnaan nila ako at sinali sa imbestigasyon


Kahit ako naman ang may gawa!...


Hindi ko magawang sabihin na ako ang may gawa kasi hindi ako makahanap ng tyempo,dada kasi sila ng dada!


"So sino sa inyo ang may idea na maaaring gumawa nito?"Tanong ni Cyrus


"Isa lang naman ang naisip kong may gawa nito,yung may-galit satin..."sagot ni Jhayden


"Alam ko na!,yung ka-"


"Imposible yun Xander,wala na sila dito nasa ibang lugar na sila"Brandon cut him off


"I knew it!"sigaw ni Luke


"Sino sa tingin mo luke?"desperadong tanong ni Jake


"Section Diamond!,malaki ang galit non satin!"


"Talaga?First day na first day galit agad!?"shock na tanong ni Clever


"Ehh yun sila eh!"sabat ni Xander


"I think it's them guys..."singit ni 'Law'


"Pano mo naman nasabi Sev?"tanong ni Sebastien


"Kani-kanina kasi they just come and fight with us while we're sweeping..."


"Sure ka dyan Sev?"Tanong ni Brandon


"Yes.. actually it is Trinity and her girls"sagot ni 'Law' at nakita ko namang nagbago ang emotion ni Brandon


"Inaway kayo?sugurin natin!"


"Tama!"


"Sige ba lalo na ngayong may isa na tayong dahilan para sumugod!"


"Wag kang OA Jake nadumihan lang naman yang bike hindi nasira"Sabi ni Sebastien


"Kahit na tol!,palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam wala ka kasing bike!"


"Idiot ofcoures I have a bike,you know that!"


"Ayy oo nga....but still susugurin natin ang mga yun!,Inaway nila si Ling-Ling ehh!"sabi nya at sinangayunan naman ng iba


"Lynn I know it's you,I remember that bike in our garage. Please tell them already,I hate cat fights..."bulong ni Hawk sakin


"Tumigil kayo!,walang susugod!"sigaw ko na nagpatahimik sa lahat


Hindi na kaya ng konsensya ko lalo na sa mga sinabi ni hawk na mapapaaway sila ng dahil sa maling akala


"Pero paano yung bike ko Ling-Ling?"


"Ahmm jake kasi.....ako ang may gawa non..."pag-amin ko at bakas naman sa mukha nila ang gulat


"P-pero paano nangyari yun?"


"K-kasi muntikan na akong ma-late kanina tas wala na akong masakyan kaya pinahiram ni Tita Rita sa kin ang maganda mong bike para masakyan ko papunta dito pero nangpagpasok ko dito kasi may nakita akong lalaking mukhang gusto nila yung bike mo kaya tinambakan ko ang bike ko mo ng mga basura at tinago ko para hindi nila mahalata..... Pero lilinisan ko naman yan pagkasauli ko sayo pero nakita ni Law ehhh"mahabang explain ko


"Ganon ba Ling-Ling?Ganyan talaga pag maganda yung bike maraming gustong magnakaw..."sabi nya


Hindi sya galit!?


"H-hindi ka galit?"


"Hindi pinuri mo yung bike ko ehhh!!!"masigla nyang ani


So ganon lang yun?pupuriin lang okay na?


"Ahmmm okay pero wag kang mag-alala lilinisan ko yan mamaya para masauli ko na..."


"Dapat lang nohh!"singhal nya. Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka


"Kasi sayo nayan para hindi kana mag-commute pa"


"T-talaga?!"


"Oo naman,ipatanggal mo na lang yang initials ko "sabi nya at tumango naman ako bilang sagot


"Wait lang guys tungkol pala doon kina Trinity"pagpapaalala ni Carlo


"Yun wag na natin silang pansinin okay?,first day of school ngayon wala muna dapat away"pagpapaalala ko sa kanila na parang anak ko


First day of school palang ngayon pero ang dami ng nangyari...ano kayang mangyayari soon?

A/N:
New update!
Pasensya na po kayo for todays update. Sabog po ako habang sinusulat ko yan😗

Don't forget to vote!
Tenchuuu 🦋❤️

The Province Girl In Section RubyWhere stories live. Discover now