IMAGINATION SERYE 11

20 7 0
                                    

Tahimik lang ako at pinagmamasdan ang mga batang nag suswimming sa pool. Sa kaliwa ng pool ay may isang malalim na ilog na pwede ring liguan sa kananang bahagi naman ay isang swimming pool din na may kalalim ngunit may bubong iyon.

“Pst! Pahiram ako ng salbabida mo.” Sabi ko doon sa bata. Agad naman itong lumapit at inabot sakin ang salbabida nya.

Ngumiti ako at pinisil ang pisnge nya. “Ibabalik don sayo to ni ate baka kasi malunod si ate e,” ani ko at nginusuan sya. Tumango naman sya at bumalik sa pag lalaro ng baso na nilalagyan nya ng tubig at ilalagay naman doon sa kabilang pool. Maya-maya ay lumapit naman ang babae, bantay nya siguro.

“Miya halika na nasan ang salbabida mo” inginuso naman ako ng bata at ngumiti ako doon sa babae.

“Pahiram po muna ako pwede? Hindi ko naman po sisirain ibabalik ko din po.” Ani ko at ngumiti. Tumango naman ang babae at inakay na si Mia yung bata.

Abot ko naman to talaga pero gusto ko lang mag palutang lutang. Chill chill lang sa tabi. Lumusong na ako at humawak doon sa salbabida. Tinignan ko si Alexander ang boyfriend ko. Ilang buwan palang kami at medyo nag kakahiyaan pa kami sa isa’t isa at sa tuwing nag kakaroon kami ng quality time ay kilig na kilig ako lagi. Kahit yung simpleng yakap nya sakin o kiss ay nag iinit ang buong mukha ko sa kilig. Hindi ko maitatanggi na gwapo talaga sya at maganda rin ang katawan nya. May abs ang karaniwang gusto ng karamihang babae pero sakin ay ayos lang kahit wala.

Masaya syang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya. Naputol ang pag titig ko ng may biglang sumulpot na bata saking harapan.

“Ang laki laki muna nag sasalbabida kapa.” Ani nito.

“E, ano naman wala ka lang salbabida,” mapang-asar na sagot ko. Sumama naman agad ang tingin nya dahil doon kaya mahina akong natawa.

“E, ano naman kung wala akong salbabida ikaw nga ang laki laki na nag sasalbabida pa. Para sa bata lang yan hindi sa mga gurang,” sagot nya at nag tawanan pa sila ng kasama nya ding bata.

“Oo nga laki laki muna ay,” ani nung isa nyang kaibigan. Tinaasan ko naman sila ng kilay.

“Inggit lang kayo kasi may salbabida ako,” ani ko at binelatan sila

“Ba’t naman kami maiingit e masisira din naman yan,” ani nya. Sumang ayon naman ang isa pa nyang kasama at nag tawanan sila.

“Hmp! Inggit lang kayo doon na nga kayo!” ani ko. Bumalik ako sa pwesto kong nakahiga habang naka kapit ako sa salbabida at nakapikit ang mata. Naputol iyon ng biglang may tumamang tubig sa mukha ko.

Agad akong umayos at ginantihan sila. Nakikipag sabuyan ako ng tubig gamit ang kamay ko sa limang bata habang dahang-dahan umaatras dahil mas madami sila. At masakit din sa mata ng makalapit ako sa may hagdanan ay nag dilat ako ng mata at nakita ko si Alexander na ganun din ang ginagawa nya. Agad akong gumanti sakanya at hindi nag patalo.

Maya-maya ay tumigil na sya ginantihan ko pa sya ng isa at tyaka tumigil na. Naka hubad na sya at tanging board shorts na lamang ang suot nya. Basa na din ang kanyang buong katawan, ang gwapo! Shit! Agad nya akong nilapitan at hinila ang salbabida ko papunta doon sa gilid.

Ngumuso naman ako at pinatong ang ulo ko sa salbabida at tumingin sakanya.

“Saan galing yang salbabida mo? Hindi mo ba abot? Sana tinawag mo ako kung hindi mo abot,” sunod sunod na tanong nya.

“Hiniram ko doon to kay Mia at tyaka abot ko kaya gusto ko lang mag palutang,” sagot ko. Mas inilapit nya naman ako sakanya kaya kitang kita ko ang malalim na ilog. Malinis at malinaw ang tubig para makapunta ka doon ay baba kapa gamit ang hagdanan may maliit din na cottage doon na gawa sa kubo.

“Ate pwede na mahiram salbabida ko po?” nilingon ko si Mia at ngumiti.

“Mag suswim kana? Asan ang kasama mo? Baka bigla kang makabitaw dito.” Sabi ko at tinanggal ang salbabida. At inabot iyon sakanya dumating na din ang bantay nya nag thankyou ako at kinawayan lang ako ni Mia.

Hinawakan ni Xan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin tyaka yinapos ako. Napakagat naman ako ng aking labi dahil sa kilig na nararamdaman.

“Gutom kana ba? Gusto mo bang kumain?” tanong nya. Umiling naman ako at nilingon ang ilog. Nasa mataas kami at feeling ko ay anytime mahuhulog ako doon kaya nakaramdam ako ng kaba.

Paano kung biglang mabutas ‘tong pool tapos mahulog kami doon tas biglang lalakas yung tubig. Whaa! Imposible pero paano nga kung mangyari yon

“Luna kinakausap kita.” Agad na nabura ang mga nasa isip ko ng marinig ko ang seryosong sabi ni Xan.

“Huh?” lutang na sagot ko.

“Ano bang tinitignan mo dyan sa likod?” aniya at pumihit. “Oh, anong meron dyan sa ilog? Gusto mo bang maligo tayo dyan?”

“No!” mabilis na sagot ko habang umiiling. Kumunot naman ang noo nya at pinagmasdan akong mabuti.

“Anong tinitignan mo dyan?”

“Natatakot ako,” bulong ko. Agad naman syang naalerto dahil sa sinabi ko

“Saan? Tell me.”

“Paano kung biglang mabutas tong pool tapos bumagsak tayo dyan? O kaya naman bigla akong mahulog dyan. Natatakot ako ang taas ng babagsakan ko mahal.”

“Tsk. Duon tayo sa kabilang banda ng swimming pool hindi naman to basta basta mabubutas hindi naman to gawa sa platic love. May bakal at semento to may tiles pa you and you being overthinker.” Ani nya. Ngumuso naman ako sakanya. Lumipat kami doon sa kabilang pwesto habang ganun pa din ang posisyon namin.

Nakayakap ako sakanya at ganun din sya sakin.

“Gusto mo bang kumain? Sabihin mo kapag gutom kana aahon muna tayo.” Tumango lang ako at isiniksik ang aking ulo sakanyang leeg.

“Mahal pano kapag naging kuto ako? Mahal mo pa din ba ako?” nakangusong tanong ko habang nilalaro ang tubig.

“Paano ka naman magiging kuto love?” sagot nya.

“Paano nga kung maging kuto ako. Titirisin mo ba ako?”

“Oo.” Agad ko syang hinarap at sinamaan ng tingin.

“Ano?! Ako pa din naman yon ah naging kuto lang ako!”

“Kapag ba nanligaw ako sayo tapos kuto ako. Sasagutin mo ba ako?” nakangising tanong nya.

Agad akong umiling. “Hindi,” sagot ko.

“Oh, edi hindi.” Sinimangutan ko sya at kinagat ang balikat nya.

“Ouch love!” daing nya. Tinaasan ko sya ng kilay

“Nag rereklamo ka?” pagalit kong tanong. Natawa naman sya ng umiling

“Cute mo love,” inirapan ko lang sya at bumalik sa pag kakasubsob sa leeg nya.


InkOvernight


Imagination SeryeWhere stories live. Discover now