Kabanata 76

15.5K 364 5
                                    

KABANATA 76 :: SICK

Dumating ang gamit ni Klein at naging abala kami dahil tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga iyon sa bakanteng cabinet sa aking kuwarto.

Natagalan kami dahil hindi lamang iyon bastang mga damit, napakarami noon na para bang talagang dito siya titira. Masyado niyang sineryoso ang 'paglilipat' ng bahay.

Maraming formal suit at long sleeves doon pati na rin ang mga slacks na nakakatakot hawakan, halos kuminang ang tela niyon sa sobrang linis at kintab nakakahiya ngang pinagkasya lamang namin sa iisang cabinet lahat.

I offered some vacant space in mine pero tinanggihan naman niya kaya hindi ko na rin ipinilit. I'm sure malaki ang wardrobe sa kanyang bahay. Mas magiging komportable din siya kung hindi makikisikaik dito sa amin.

Napapaisip tuloy ako kung tama bang nagmatigas ako sa pananatili dito sa bahay. I mean am I too hard on him?

Hindi naman siguro...

Naunang matulog si Kendria pagkatapos na pagkatapos namin na mag dinner, she said she is tired.

Matapos ang ginagawa namin ay magkasunod kaming gumamit ng banyo, ako ay nag half bath habang si Kleindro ay naligo talaga.

Halos kakalabas lamang ni Klein sa banyo nang marinig ko ang pag-ungol ni Kendria mula sa kabilang kuwarto kaya nataranta kaagad ako.

Hindi ko talaga isinara ang kuwarto nya dahil kahit hindi ito ang unang pagkakataon na hihiwalay siya sa akin mas mabuti na iyon kesa balisa ako buong gabi mas maigi na napapakiramdaman ko sya.

Pabalang kong sinuot ang aking pambahay na tsinelas at halos takbuhin ko ang distansya sa pagitan ng aming mga kwarto kahit hindi naman gaanong magkakalayo ang mga silid.

Nadatnan ko ang anak sa kama, nanginginig habang balot na balot ng kumot at panay ang pagdaing.

Agad akong lumapit at sinalat ang kanyang noo. Hindi nga ako nagkamali dahil inaapoy siya ng lagnat.

"Vanilla what's happening?" tanong ni Kleindro nang makapasok din sa kwarto.

Mukhang nabulabog din sa biglaan kong pagtakbo kanina, nagsusuot pa siya ng t-shirt at tumutulo pa ang tubig sa buhok.

"She's sick. Inaapoy ng lagnat..."

Bumadha ang pag-aalala sa mukha niya at agad na lumapit sa akin para salatin din si Kendi.

"God she's so hot," bulalas niya bago ako balingan. "Dalhin na natin sya sa ospital!"

Umiling-iling ako na ikinasama ng tingin nya sa akin.

"Why? She's sick and-"

"Kung dadalhin mo sya sa ospital, magkakasakit lang sya lalo. Gagaling nga pero kapag nagising ay magwawala. She hates hospitals..." kalmadong paliwanag ko.

Kumpara noong unang mga taon, mas kaya ko nang i-handle ang sarili ko tuwing nagkakasakit si Kendi. I got it bad the first few months. Hindi madali lalo pa at hindi sya masyadong healthy pagkapanganak ko, madalas nagkakasakit at halos magbreak down ako tuwing nasa emergency room kaming mag-ina.

She's always inside the room while I'm behind the door weeping and praying for my only daughter's safety.

Ngayon ay mas alam ko na ang gagawin lalo pa at ayaw na ayaw ni Kendi sa ospital. Even check ups scares her. Siguro natrauma dahil dati ay halos tumira na kami sa ospital noon.

Mukha namang naintindihan nya kaya agad siyang nagbaba ng tingin at hinaplos ang namumulang pisngi ni Kendria.

"What should we do?" tanong niya pagkuwan.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon