Kabanata 49

19.7K 854 85
                                    

Kabanata 49

Nagpatuloy ang buhay ko sa Benguet kasama si Skyler sa mga nakalipas na buwan. Sinikap kong maging maayos at huwag indahin ang pait na dulot ng tuluyang pagtatapos namin ni Nero.

Hindi naman kami talaga nagkabalikan. Mas masakit lang ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon, kinailangan ulit namin itulak palayo ang isa't isa dahil iyon ang nararapat. We can't just go back to what we were before because the timing and situation isn't ideal. Kung masamang babae lang siguro ako, hahayaan ko si Nero bumalik sa akin at mas lalo pang gagalitin si Ma'am Adrianna.

But that's not the case for me. Galit man ako sa kaniya dahil sa ginawa niya sa buhay ko pero hinding hindi ko gagamitin si Nero para gantihan siya. Ina rin ako. Kung ako man ang talikuran ng anak ko, masasaktan rin ako. It would be more painful for her for she did all of that to protect her son.

The kind of sacrifice that let her become an evil mother.

"Mama, maganda po pala doon sa Santa Fe? Marami po akong bata na nakakalaro!"

Nilingon ko si Skyler nang sabihin 'yon. Nasa terasa kami at kumakain ng camote cue bilang meryenda. Si Nay Shirley ang nagluto noon.

"Oo. Marami ngang bata doon. Nag enjoy ka ba?"

Sunod-sunod ang tango niya, para bang nasasabik pa rin siya hanggang ngayon kahit pa isang araw na simula nang makabalik siya ng Nueva Vizcaya.

Nagkaroon kami ng kasunduan ni Nero na kukuni na lang ang bata dalawang beses sa isang buwan para sa kaniya manatili.

Dalawang linggo sa akin. Dalawang linggo sa kaniya. Noon ay madalas siya dito sa Baguio at palagi pa rin namin nakikita ang isa't isa. Hanggang sa nagdesisyon siyang bumalik na ng Santa Fe at hiramin na lang si Skyler.

"Nag enjoy po ako. Isinasama po ako ni Papa minsan sa palayan. Tapos mayroon rin pong planta kung tawagin niya. Mayroon rin po na malaking lugar na maraming chicken at baboy, Mama."

Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi ni Skyler. Planta? Lugar na maraming baboy at manok? Parang hindi ko alam iyon.

"Ang sabi ni Papa ay negosyo daw po namin iyon. Sobrang laki po, Mama! Tapos marami rin po siya tauhan. Tawag nga po sa kaniya ay boss. Siguro po ay sobrang yaman ni Papa?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Kung ganoon ay mga negosyo ang sinasabi ni Skyler. Hindi ko alam ang tungkol sa mga bagay na 'yon. Kahit pala bumaba siya sa posisyon niya sa kumpanya ng mga Monasterio ay may sasalo pa rin sa kaniya.

"Siguro nga, anak. Hindi ko rin alam, e. Ayos lang naman sa'yo kahit hindi mayaman si Mama, hindi ba?"

Kumagat siya ng kamote at malawak akong ngumitian.

"Opo naman, Mama! Kahit masaya po ako sa Santa Fe, mas gusto ko pa rin po na kasama kita dito sa atin. Sana nga po, magkabalikan na kayo ni Papa para happy family na po tayo."

Iyan, Skyler, ang hindi ko magagawang ibigay sa'yo. Kahit ano ang hilingin mo, huwag lang iyan. Gustuhin ko man maging maayos kami ng Papa mo, mas mabuting hanggang ganito na lang.

Lumipas ang mga araw. Bukas ay suunduin na ulit siya ni Nero. Masiyadong mabilis ang araw at hindi ko namamalayan at wala na naman sa tabi ko ang anak. Mahirap ang sitwasyon namin pero kailangan ko makuntento.

"Isha? Isha, pumarine ka muna dito dali!"

Natigilan ako sa pagbibilang ng perang kinita sa araw na ito nang marinig ang tila natatarantang boses ni Nay Shirley. Binitawan ko ang hawak na mga barya at malalaki ang hakbang na lumabas ng tindahan.

"Nay? Ano po ang nangyari?"

Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siya sa loob ng kwarto ni Skyler. Nakaunan ang anak ko sa hita niya, nakapikit habang nangingisay.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon