Kabanata 83

16.4K 362 59
                                    

KABANATA 83 :: FOREVER

Nang magmulat ako ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Mula sa malamig ay naging malamlam iyon at maamo ngunit hindi pa rin nawala ang pag-iigting ng kanyang panga.

Natuod ako sa kinatatayuan nang mapagtantong naglabasan na ang mga nagme-meeting sa loob dahil sa kaguluhan. Hindi na lamang si Engineer Ria ang nandoon, lahat ay nanunuod sa amin- halos lahat ay laglag panga.

"A-Asawa nyo po?" tarantang tanong ng security guard na kanina lamang ay halos ihagis ako palabas.

Parang napapasong binitawan nila ako at nagsipaglayuan na parang mayroon akong nakakahawang sakit.

Napangiwi ako nang maiwang nakatayo roon mag-isa sa ilalim ng mapanuring mata ni Kleindro. Hindi pa nakatulong ang paa kong halos hindi ko na maramdaman dahil sa sobrang hapdi niyon.

"M-Ma'am sorry po hindi po namin alam."

"Sir wag nyo po kaming tanggalin kailangang-kailangan ko po ng trabaho."

Nag-uunahan sila sa paghingi ng tawad ngunit itinaas ni Kleindro ang isang kamay.

"We'll talk later. Everyone go back to work," aniya sa malamig na tinig.

Kanya-kanyang alis ang mga nasa paligid. Pati si Roy ay nakipasok na rin sa conference room. Isinara pa nila ang blinds doon, tuloy naiwan kaming dalawa ni Kleindro.

Nang kaming dalawa na lamang ay mas naramdaman ko ang pagwawala ng puso sa loob ng aking dibdib.

"Come here," he said softly yet full of authority.

I raised an eyebrow.

Kompanya ng pala niya ito.

I stubbornly crossed my arms in front of my chest.

"What if I don't want to?" pang hahamon ko sa kanya.

He gave me a dark stare pero hindi ako nagpatinag, pinanindigan ang pagiging paladesisyon.

"I'm not your employee Mister. You are not the boss of me."

I saw the corner of his lips rose and amusement covered his face. Nawala rin iyon kaagad pero inisang hakbang niya ang pagitan namin at agad akong hinila palapit.

Our bodies were only inches away from each other but that's not my problem.

"What's wrong?" agad niyang tanong nang makita ang pag ngiwi ko.

Umiling ako nang marahan. Still undecided kung sasabihin ko ba.

"Tell me what the fuck is wrong with you. Damn it, anong masakit?"

I pouted to hide my 'kilig'.

Why the hell this little heart is beating so fast? Hinay-hinay magkakaroon na ako ng cadiac arrest dahil dito eh.

"Kanina ka pa mura nang mura."

He grinned.

"I'm a bad boy, I think I deserve a punishment your majesty."

"At ano namang parusa ang- hmp..."

"There! Best punishment ever."

Tila nawala ako sa katinuan nang saglit na magdaiti ang aming mga labi.

Kumurap-kurap ako at kinailangan pang kumirot ulit ng aking paa para mag sink in sa akin kung anong nangyari.

"What the hell? Did you just kissed me?" pa-hysterical kong tanong.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon