Bakit ikaw?

25 1 0
                                    

Dumating ka ng hindi ko inaasahan
Noong una kang makilala ay akala ko wala lang
Pero bigla ka na lang kumatok sa puso ko
at hindi ko akalaing magiging malaki kang parte ng mundo ko
Ang tahimik kong buhay ay biglang nagulo sa pag-amin mo
Ayokong maniwala na gusto mo ako
Halata rin sayo na mapaglaro ka ng puso
dahil ang dami diyang iba na humahanga sayo kaya bakit ako?
Oo, natakot ako at ayokong sumugal sa laro na matatalo ako
Pero ilang buwan na ang nakalipas at nandyan ka pa rin
Hindi mo ko iniwan kahit minsan nasasaktan ko na ang iyong damdamin
Pinilit kong pigilan ang sarili ko na huwag mahulog sayo
pero kahit anong pigil ko, nahuhulog pa rin ako
Bigla na lang isang araw, ayoko ng mawala kung anong meron tayo
Kaya nung tinanong mo kung bakit ikaw?
Hindi dahil ikaw lang and nandiyan
Kundi dahil napakadali mong mahalin
napakadali mong pasayahin
Minsan lang ako makakilala ng taong katulad mo.
minsan lang darating yung taong mamahalin ako ng higit sa akala ko
at hindi na maghahangad pa ng kung ano
kaya bakit sasayangin ko pa ang isang tulad mo
kung napakaswerte ko na ako ang minahal mo.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now