KABANATA 40

5.1K 358 50
                                    


Wala akong kahit anong clue kung bakit may taong gustong pumatay sa akin. Natatakot ako. Ngayon lang ako nasabihan ng isang tao na ganon. Ngayon lang ako pinagbantaan na ganon.

Parang nakalutang ako mula pa kanina dahil sa nararamdaman. Hindi ko na namalayan na nagkakagulo na pala kanina sa eskwelahan dahil unang araw ng klase ay maraming mga pulis at kung sinong mga tauhan. Pinaghahanap ang babaeng animoy gustong pumatay sakin.


Wala akong tinawagan kina Don Septimo o kay papa Max. Hindi ko iyon naisip dahil simula ng hagkan ako ni Frosto. . . doon palang, pakiramdam ko ay safe na ako.

"Eat this. You're shaking." nakita ko ang nilapag ni Frosto na sabaw sa aking harapan. Lugaw ang tawag nito sa amin pero ang kanyang nilagay sa harapan ko ay may gulay at karne.

Hindi ko rin natanong kung nasaan kami. Narinig ko lang kanina na nagcheck in kami dito at maigting ang seguridad ng hotel na ito.

Malamlam at malambot ang tingin niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit na luhang tumakas sa aking mata. Sa sobrang takot ko. . . ay naluluha ako.

Nanginginig ang aking kalamnan at nanlalamig ang palad ko. Kaya siguro pinapakain ako ni Frosto ng lugaw.

Pinahiran niya ang luha sa gilid ng aking mata habang nakatingin parin ako sa kanya, nakatingala. Nakaupo ako sa upuan ng kanyang bar counter.

May kasama kaming isang lalaki na masasabi kong' luluhuran rin ng mga babae. Kasing kisig ni Frosto.

"S-Salamat dito p-pero ano iyon? Bakit ako?" Hindi ko na alam ang itatanong ko. Naguguluhan ako.

"Kakausapin ka ni Jano. He's a. . .uhm, let's say he can help us. Kung ako lang kasi gusto ko nalang patayin-"

Tumigil siya ng makita ang panlalaki ng mga mata ko at napamura.

"S-Sorry." paumanhin niya sakin. Mas lalo akong naguluhan. "Jano will ask and tell you something. I need an expert to this. Hindi kasi ako napapanatag."

Nanatili ako sa kinauupuan ko habang umupo naman sa harap ko si Jano, ang kaibigan ni Frosto.

"I' m Jano Montediajo. You're Soledad right?"

Tumango tango ako. "Opo."

Tinitigan niya si Frosto na nakatukod ang isang siko sa counter top at nakatitig sa akin. Parang hindi niya alam ang gagawin niya para pawiin ang nararamdaman kong takot.

Paano kaya kung umuwi na ako? Safe pa ba ako sa unit ko? Pano kung doon ako patayin? Pumikit ako ng mariin at uminit ang gilid ng aking mga mata.

"Fuck!" malutong na nagmura si Frosto sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking baywang at hinalikan ang aking sentido. Bagot naman na tumingin si Jano sa amin. Nahihiya tuloy ako.

"You are safe with me. I promise you that."

Umubo si Jano at sumimsim sa alak na kanina pa nilang iniinom ni Frosto.

"Frost, alam niya ba tungkol kay Genevive?" biglang tanong nito.

Tumango si Frosto at nakatingin sa akin lamang.

Genevive?

"Sinabi ko sa kanya na may anak ako kay Genevive."

Teka. . .

"May babaeng kumausap noon sakin sa Mindoro, F-Frosto. Nagpakilala siyang Genevive. Hindi ko na masyadong matandaan. Tapos. . .noong kasal ng mama ni Ava nandoon rin siya."

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon