CHAPTER 9

6.4K 298 65
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 9

Traitor
---------------------------
--------------------------------------

SALUBONG ang mga kilay na naglalakad si Eleazar patungo sa kuwarto ng nakatatandang kapatid. Hawak-hawak niya ang tray na may lamang pagkain na kani-kanina ay nakasalubong niya si Foros na dala ang tray. Noong una ay nagulat ang matanda dahil hindi niya inaasahang si Eleazar mismo ang nagpresinta na magdadala ng pagkain ng bisita nila ni Estevan.

Nang magawa ni Eleazar na hayaan siya ni Foros na magdala ng meryenda nila Hesson, upang malaman niya kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob ng kuwarto ng kapatid niya.

‘I’m not worried about Estevan, I just want to know what they’re doing in his room. Nothing else.'

Nang malapit na si Eleazar sa kuwarto ni Estevan ay hindi inaasahang nakasalubong niya sina Emir,Eros at Eren.

Napahinto si Eleazar gayon din ang tatlo nitong nakababatang mga kapatid. May bahid ng pagtataka at mga tanong sa mukha ng tatlo kung bakit may dala-dalang tray si Eleazar.

"What are you doing brother?" kuryosidad na tanong ni Eren.

"Holding the tray? I guess?" may pagkasupladong saad ni Eleazar. Napasimangot naman si Eren dahil sa inasal ng kapatid.

"I mean, why are you carrying that? Why not Butler Foros?" tanong muli ni Eren na itinabingi pa nito ang kaniyang ulo.

Napatingin si Eleazar sakaniyang hawak gayon din sina Emir at Eros.

"This is for Estevan." ani Eleazar na ikinanlaki ng mga mata ng tatlo.

Napaawang ang labi ni Eren at titig na titig naman ang dalawa kay Eleazar na may bahid ng hindi malamang tanong na namumuo sa mukha ng dalawang bata.

"Wo--Woah. I didn't know that you and brother Estevan were close."

Para bang sinabuyan ng kamatis ang mukha ni Eleazar sa sinabi ni Eren.

"I--It's not..."

"It's okay, bro. I understand what you feel. Nahihiya ka pang..."

"I said hindi nga ganoon iyon!" sigaw ni Eleazar na ikinatikom ng bibig ng tatlo ngunit naroroon parin ang maliliit na ngisi.

Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita.

"This not just for Estevan, it’s also for our guest." ani Eleazar sa mahinahong tono na hindi inaasahan ng tatlo.

Ilang beses napakurap si Eren bago muling bumalik sa wisyo.

"Oookay. May bisita kayo ni Estevan? Sino!?" sabik na wika ni Eren.

"Hindi ko aakalain na may bibisita sainyo ni Estevan. Sino ba iyan? Are they Voldemorts? Or our cousins?" wika ni Emir.

Nakapikit na umiling si Eleazar saka deretsong nakatingin kay Emir.

"Kaklase namin ni Estevan ang bumisita." pagkasabi niyon ni Eleazar ay nanlaki ang mga mata nang tatlo.

"Woah! That's cool! I'm happy for you and for Estevan that you have a friend from school." ani Eren na nagkukunwaring naiiyak sa tuwa.

Nagpangiti rin sina Eros at Emir at dahan-dahang pumalakpak.

"I'm happy for you bro." -Eros

"Same here, I'm happy for the both of you." nang-aasar na ngiti ani Emir.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon