Chapter 33

116K 3.5K 2.7K
                                    

Until we meet again.

"It will going to be painful but it's tolerable, Van. Are you ready?" Tango lang ang isinagot ko sa tattoo artist na nakaupo sa upuan na katapat ko hawak ang tattoo machine.

Kinuha ni Vega ang kamay ko at hinakawan iyon ng mahigpit. "Go, Van! Hindi naman masakit 'yan, Shiela has very light hands," tukoy ni Vega sa kaibigan niyang maglalagay ng tattoo sa akin ngayon.

I decided to get a tattoo before my 23rd birthday which is a week from now. I choose to have an under boob tattoo because it has a beauty of its own and also won’t be easily visible.

The session lasted for an hour and half. I smiled while looking at the mirror to see the finish look of my tattoos, they are indeed as painful as they are attractive but it's all worth it. The design of my tattoo is three small butterflies to represent the three most important people in my life who already left this world; my lola, my mama, and my baby.

Ibinilin sa akin ni Shiela ang aftercare na dapat gawin sa tattoo ko habang nagbabayad si Vega dahil siya ang pumilit sa akin na magpa-tattoo rin katulad niya. Pumayag ako dahil gusto kong subukan ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan, I just want to experience and try new things and   learn to live my life just how I want it.

"Ano, tara na?" malaki ang ngisi ni Vega habang nakatingin sa tattoo ko na kitang-kita dahil sa itim na loose crop top na suot ko.

Tumango lamang ako at sumabay na sa kanya palabas sa tattoo shop ni Shiela. Narinig kong pumito si Vega kaya nilingon ko siya, agad naman niyang nginuso ang harapan namin kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Napailing na lang ako nang matagpuan si Blare na nasa labas ng tattoo shop, nakasandal siya sa mamahalin niyang sports car habang nilalaro sa daliri ang susi nito.

He was just wearing his plain black hoodie, cream pants and paired with his black and white jordan shoes but he still manages to get every woman's attention.

Inalis niya ang shades na suot kaya naman sinalubong ako ng berde niyang mga mata nang dumako sa mukha niya ang tingin ko, maamo ang mga mata niyang iyon na para bang nangungulila at nagmamakaawa.

I averted my gaze when Vega faked her cough to get my awareness. "Ang gwapo ng stalker mo, Van," humor is evidence on her voice.

Nagkibit lang ako ng balikat at nauna nang sumakay sa sasakyan ni Vega malapit kung saan nakaparada ang sasakyan ni Blare.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan ang sulyapan ang side mirror ng kotse ni Vega dahil mula doon ay tanaw na tanaw ko pa rin ang sasakyan ni Blare na nakasunod sa amin.

Napailing na lang ako. Akala ko ay uuwi na siya sa Pinas noong gabi na tinanggihan ko ang alok niyang kasal 2 months ago pero hindi pala, nanatili pa rin siya dito sa Las Vegas at hindi ako tinitigilan.

Sa loob ng dalawang buwan ay lagi siyang naghihintay sa labas ng apartment o kaya ay nakasunod siya sa akin sa tuwing lumalabas ako. Ang malala pa ay binili niya ang apartment sa tapat ng tinutuluyan namin ni Vega.

Pakiramdam ko tuloy ay wala akong takas kay Blare. Noong una ay nagagalit pa ako at pilit ko siyang pinapauwi pero hindi nagtagal ay ako rin ang nagsawa dahil wala naman akong magawa kaya hinayaan ko na lang siya, tutal ay hindi naman niya ako ginugulo o pinipilit na makipag-usap sa kanya, sapat na kay Blare ang bantayan ako mula sa malayo.

Hanggang sa makauwi sa apartment ay nararamdaman kong nakasunod ang lalaking 'yon pero hindi ko na lang siya pinansin, noong makapasok kami ni Vega sa loob ay doon lang din siya pumasok sa sarili niyang apartment na katapat lang ng sa amin.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon