Kabanata 3

114 11 4
                                    

Kinaumagahan, pagbukas ni Imelda ng bintana isang panibagong araw na naman ang kaniyang nakikita napangiti ito ng tamaan siya nang kaunting sinag nang araw.

Dahan dahan naman siyang naupo sa tapat nang kaniyang salamin, pinagmasdan niya maigi ang kaniyang sarili at sa isip isip nito.

"Ano namang magugustuhan sa akin ni Benigno?" Tanong ni Imelda sa kaniyang sarili.

Ipinusod naman niya ang kaniyang buhok at isinuot ang panyeta na kulay ginto, suot niya ang pulang baro't saya na mas lalong nagpaganda sa kaniya.

Maya maya lamang ay may kumatok sa kaniyang pinto, binuksan naman niya ito.

"Binibini, may panauhin po kayo sa ibaba" saad nang kanilang serbidora.

Nagtaka naman si Imelda kung sino ang panauhin na iyon, sa kaniyang hinuha ay wala naman siyang panauhin ngayong araw na ito lalo pa't kadarating lamang niya.

Tumango na lamang si Imelda at sumunod na sa serbidora patungo sa sala.



"Magandang umaga sa iyo, Binibining Imelda" nakangiting wika ni Benigno.

Si Benigno Aquino Jr. ang panganay na anak nila Don Benigno Aquino Sr. at Donya Aurora Lampa-Aquino.

Mestizo, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong at manipis na labi.

Nagulat naman si Imelda dahil sa biglaang pagbisita ni Benigno sa kaniya.

"M-magandang umaga din, G-ginoong Benigno ano at naparito ka pala?" nagtatakang tanong ni Imelda.

Napangiti naman si Benigno at inilahad niya ang hawak niyang bulaklak para kay Imelda tatlong rosas para kay Imelda.

"Para sa iyo, sana'y iyong tanggapin" nakangiting wika ni Benigno.

Tumango naman si Imelda at tinanggap ang bulaklak na iyon tatlong rosas na kulay pula sagisag nang kagandahan ni Imelda.

"Magandang umaga pala sa iyo, Ginoong Benigno" nakangiting wika ni Imelda.

Ipinag utos naman ni Imelda na kumuha nang makakain at maiinom si Benigno.




Naglalakad na sila ngayon palabas sa bahay nila Imelda,habang ang mga mata ni Benigno ay tila nagniningning sa kagandahan ni Imelda na ngayon ay kausap na niya.

"Isa ka pala sa pinaka maganda sa Tacloban" nakangiting saad ni Benigno.

Napangiti naman si Imelda habang tinatakpan ang kaniyang bibig, "Oo, Ginoo alam mo bang marami na din akong nakilala at may mga mabuting puso" nakangiting wika ni Imelda.

Tumango naman si Benigno at napa buntong hininga, isang kalesa naman ang papasok kaya't gumilid sila.

"Imelda? Benigno?" nagtatakang saad ni Don Vicente.

"A-ama kung ano man po ang iyong n-nakikita wala po kaming relasyon" nauutal na wika ni Imelda.

Tila naistatwa naman si Benigno sa kinatatayuan nito, habang si Don Vicente ay seryoso lamang na nakatingin sa kanila.

Bumaba nang kalesa si Don Vicente, "Ano ba kayo, nagulat lamang ako batid ko naman na hindi kayo magkakaroon nang relasyon at walang pahintulot ko at nang iyong magulang Ginoong Benigno" wika ni Don Vicente.

Ngumiti naman at tumango lamang si Benigno kay Don Vicente hindi rin naman niya masasabi kung ano man ang nais niya para kay Imelda.





"Ano?! Totoo? Nako Imelda sa tingin ko may pahiwatig ang tatlong rosas na yan" wika ni Concepcion habang nakapamewang.

"Ngunit Concepcion, hindi pa man din nasasabi ni Ginoong Benigno kung may nararamdaman ba siya sa ating kapatid" wika naman ni Alita.

Natawa na lamang si Imelda, "Ate Concepcion at Ate Alita, wala namang malisya iyon sapagkat nais lamang makipag kaibigan ni Benigno hindi ba?" tanong ni Imelda sa kaniyang dalawang ate.

Napapamewang naman si Concepcion, sa kaniyang pakuwari ay nais manligaw ni Benigno kay Imelda kaya't hindi na siya nagdalawang sabihin iyon kay Alita at Imelda na ngayon ay nakasilip na sa bintana nang silid ni Imelda.

"Sa tingin mo ba nais kaya manligaw ni Ginoong Benigno sa iyo?" tanong ni Concepcion.

Natawa naman nang bahagya si Alita,"Concepcion, tama na yang ilusyon mo hindi mo yata iniisip si ama" saad ni Alita.

Tumango na lamang si Concepcion bagamat mali pa rin ang iniisip niya ngunit sa pakiramdam niya ay totoo.




Kinagabihan, patulog na sana si Imelda nang biglang kumatok ang kanilang serbidora.

"Binibini, ipinapatawag po kayo ni Don Vicente sa ibaba" saad ng serbidora nila.

Nagtaka naman si Imelda dahil dis oras na nang gabi para sa kaniya ang alas siyete ng gabi ay masyado nang gabi.

"Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Imelda.

"May panauhin po kayo ngayon" saad ng serbidora.

Tumango naman si Imelda at isinara na niya ang kaniyang pinto mabuti na lamang at hindi pa siya nakasuot ng pang tulog.

Pagbaba niya ay nagulat siya dahil ang panauhin niya ang pamilya Aquino at kasama na naman nila si Benigno.

"Anak, halika rito" aya ni Don Vicente.

Tumayo si Benigno at binati si Imelda, "Magandang gabi sa iyo, Binibining Imelda" nakangiting bati ni Benigno habang nakangiti ito ng todo.

"Benigno, anak maupo ka na" saad ni Donya Aurora,umupo naman si Benigno at ngumiti.

"Magandang gabi din sa iyo, Ginoo" nakangiting wika ni Imelda.

Bumati rin si Don Benigno Sr. at Donya Aurora kay Imelda, naupo naman si Imelda sa tapat ni Benigno.

"Anak, may nais humingi sa iyo ng permiso" saad ni Don Vicente.

Nagtaka naman si Imelda sa sinaad nang kaniyang ama, iniisip niya kung anong permiso.

"Ano po iyon, ama?" tanong ni Imelda.

Ngumiti naman si Don Benigno Sr. at Donya Aurora ganoon din si Don Vicente at Benigno.

"Hija, huwag ka sanang mabibigla nais kasi nang aking anak na manligaw sa iyo kung iyong mararapatin?" tanong ni Donya Aurora.

Naistatwa naman si Imelda dahil hindi niya inaasahan na liligawan siya ni Benigno, nagtaka naman si Don Vicente.

"Anak?" tawag ni Don Vicente kay Imelda.

Bumalik sa ulirat si Imelda nang marinig ang boses ni Don Vicente.

"Pag iisipan ko po" saad ni Imelda.

Napangiti naman si Benigno, tumango naman si Don Benigno Sr. at Don Vicente habang si Donya Aurora ay napangiti naman muli at tumango tango.

"Huwag mo ipilit, Hija kung hindi mo nais iyo lamang sabihin entendido?" tanong ni Donya Aurora ngunit nakangiti lamang ito.

Tumango naman at ngumiti si Imelda kay Donya Aurora, bukod sa mabuti itong asawa maalalahanin pa hindi lang iyon at maintindihan pa ikinagaganda ng mga kababaihan kapag maintindihan kang babae.




******************
#HeStealABeautifulButterfly

Reminder: May mga pangalan akong binago like nung pangalan ni Donya Guadalupe is Donya Aurora po talaga iyon nagkamali lang at si Don Servillano, Don Benigno Sr. po talaga.

Si Don Servillano Aquino ay pinakalolo ni Benigno Jr. na asawa ni Cory Aquino, ginawa ko nalang na general ang tatay ni Benigno Jr pasensya na sana maintindihan.

Please Vote and Follow!

SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon