CHAPTER 22

41.4K 1.2K 162
                                    

MADELINE


      "YUCK! EWW! di kita keri, kalerki ka Miranda, di mo ba see? We're both girly, like eww."

Napangiwi na lang ako dahil sa malanding tono ng batang 'to.

"Napakaarte mo Slex, nakakarindi bunganga mo."

"Hindi mo ba siya na hear Nlex? Gusto niya ako?." Umirap ang baklang bata. "Mamu, pakisampal nga si Miranda at ng matauhan."

"Miranda si Nlex na lang gustuhin mo." Sabi ko

"Hu, wag mo akong idamay diyan Mamu." Nakangiwing sabi ni Nlex. "Wag mo akong ibugaw."

"Ang arte nyong dalawa." Umirap si Miranda bago dire diretsong lumabas ng bahay.

"Mamu, where's Mother There na ba? May rampa pa kami." Kumembot kembot si Slex. "I'm ready ng manlandi ng mga boylet."

"Sasampalin kita kapag hindi ka tumigil." Banta sa kanya ni Nlex. "Bata bata mo pa kalandi mona."

Hindi ko alam kung paano ko natagalan kasama ang dalawang 'to na walang ibang ginawa kundi mag away.

Pero nagpapasalamat ako at malusog sila at hindi galing sa pagkakamali. May nabuo kami ni Karson bago pa man ako babuyin ng Tatay niya.

Kamukang kamuka sila ni Karson lalo na ang panganay kong malambot na si Slex. Si Nlex naman na bunso ay kahawig din ni Karson na kahawig ko rin, nakuha din ni Nlex ang kulay kong kayumanggi samantalang si Slex ay maputi. Pero ang lalong nagpapatunay na kambal sila at magkapatid ay ang kulay ng mga mata nila na nakuha nila sa Ama nila. Berde

Kambal silang dalawa at limang taong gulang na, panganay man si Slex pero mas astang panganay si Nlex, malantod kasi si Slex.

"Mamu, ayaw akong i-support ni Nlex." Sumbong nito. "Siguro hindi niya matanggap na may kapatid siyang bakla, kinahihiya ako ni Brother Nlex ko."

"Tanga." Inirapan siya ni Nlex. "Hindi kita kinahihiya, kahit pa mag mukang tae ka hindi kita ikahihiya, kapatid kita eh. Support naman kita sa lahat, hindi lang sa kalandian mo."

"Inborn na ang kalandian ko Nlex, tanggapin mona."

"Manahimik ka, paano kung masaktan ka diyan sa paglalandi mo ah? Sinasabi ko sayo Slex, pati ikaw sasapakin ko."

Sumimangot lang si Slex.

"Tama naman si Nlex." Sabi ko sa kanya. "Wag kang malandi Anak, nag aalala lang si Nlex sayo."

"Yes na po Mudra." Lumapit ito sakin at kumandong. "What's our ulam pala? You know, timawa aketch."

"Makikikain tayo kila Tita Jomela nyo." Sabi ko na ikinahagikhik ng dalawa.

"Syempre kapag nakikain tayo kila Tita, otomatikong may pabalot." Sabi ni Nlex

Nag-apir ang kambal na ikinatawa ko

Hindi ko alam kung paano napunta dito si Jomela basta nauna siya sa'king makarating dito. Ibang iba siya sa Jomela na nakilala ko, masaya siyang tingnan pero iba ang emosyon ng mga mata niya. Malungkot

Alam niya ang ginawa sakin ng Ama niya at  kahit siya ay galit na galit sa Ama niya at gusto niya itong patayin.

Mag isa lang siya sa buhay ngayon kasama ang nag iisang babaeng Anak na si Jomuela.

Dahil si Josuel ay wala na, pinatay siya ni Don Joel sa mismong harapan niya

"Mamaya kana mag-moment Mamu." Tinapik ako sa braso ni Slex. "Let's go to Tita Jomela, plano ko ring i-make over si Tombish."

"Kaya lagi kayong nag aaway ni Jomuela kasi lagi mo siyang pinag-ti-tripan." Sabi ko dito at tumayo

Magkakahawak kamay kaming lumabas. Sa ngayon ay nasa isang lugar kami na liblib, para itong iskwater dahil magkakadikit ang bahay pero mababait ang mga tao.

"Hindi ko naman pwede i-make over si Nlex, baka sapakin ako niyan." Maarteng tugon nito

"Sasapakin talaga kita kahit Kuya pa kita." Sagot ni Nlex.

"See? Mamu."

"Tumigil na nga lang kayo."

Nang makarating sa bahay ni Jomela ay dire diretso kaming pumasok sa loob, sakto din at mukang katatapos lang nitong magluto.

"Alam kong dito kayo manananghalian dahil wala ka pang raket." Bungad nito samin. "Maupo na kayo."

"Waity waity, hugas kamay muna kami Tita."

Kumembot kembot si Slex palapit sa lababo, nagkatinginan na lang kami ni Jomela at parehas napangiwi

Mas malandi pa Anak ko kesa sa Anak niyang babae.

Nang makapaghugas kami ng kamay ay nagsiupo na kami at nagsimulang kumain.

"Tombish, i-make over ulit kita." Sabi ni Slex sa pinsan. "Bawal kang tumanggi, tatakbo kang muse at pumayag akong sumali ng basketball."

"May magagawa pa ba ako." Inirapan siya ni Jomuela

Jomela liit, napakasama din ng ugali pero sa iba lang naman, magalang naman siya sakin pero subukan niya lang akong sagut sagutin, lilipad siya.

"Balita ko Nlex, ikaw ang captain ng basketball team.?" Kausap ni Jomela sa Anak ko. "May sapatos kana ba?"

"Meron po, yung binili samin ni Mamu nung nakaraan." Sagot nito

"Diba sira na yun?" Tanong ko. "Sa isang buwan pa naman yung liga, makakapag-ipon pa ako para mabilhan kayo–"

"–No need Mamu." Singit ni Slex. "Keri pa namin yun, lucky charm na din. Sa ngayon, mag ipon ka ng pambili ng brief namin ni Nlex at ng panty at bra mo, nakita ko bra mo Mamu, gutay gutay na."

Si Slex yung tipo ng bading na hindi trip magsuot ng pambabae, basta mahilig lang siyang mag-make up ganon.

"Grabe ka naman sa bra ko."

"I'm just saying the truth." Maarteng sabi nito

"Telling yun Slex." Pagtatama sa kanya ni Jomela. "Tingnan mo, namana pagiging bobita mo."

"Atleast may napamana ako bukod sa kulay ko." Pagmamayabang ko na ikinairap niya lang.

"Dadami na naman ang boys na lalapit sakin." Nakangusong sabi ni Jomuela.

"Ay sana all beh." Sabi sa kanya ni Slex. "Puro mga babaita lumalapit sakin, sana boys naman."

"Magtigil ka Slex." Striktong sabi ni Nlex. "Don't worry Ate Jomuela, walang boys na pwedeng lumapit sayo bukod samin ni Slex."

"Excuse me, girl din ako Nlex."

Inirapan lang siya ni Nlex.

Napaka-istrikto parang Tatay niya.

"Parang kasama ko din si Kuya dahil kay Nlex." Bulong sakin ni Jomela. "Wala kaba talagang balak magpakita sa kanya?"

"Para saan pa?" Mapait kong tanong. "Kasal na siya diba, atsaka baka magkita kami ni Joel, natatakot ako."

"Pero hindi habangbuhay ay makakapagtago tayo, kailangan natin ng hustisya." Nag-igting ang panga nito. "Kung pwede nga lang patayin ko si Joel eh."

"Bet ko yan, itumba na lang ba natin?"

"Kaso makukulong tayo, kawawa naman yung mga Anak natin. Sa'yo may Ama pa sila, yung sakin wala na, binawi na."

"Pakulong na lang natin." Inakbayan ko siya. "Makukuha din natin ang hustisya.."







A/N: MEET

JOMUELA WALTER GARCIA
SLEX MAKAR STA. CRUZ WALTER
NLEX KARDE STA. CRUZ WALTER

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon