CHAPTER 23

41.1K 1.2K 122
                                    

MADELINE


      "MAMU, makakapag-aral na ba kami ng kinder sa pasukan?" Tanong ni Nlex. "May pera kana po ba?"

"Matagal tagal pa yun Nak, kaya pa ni Mamu mag ipon para sa inyo." Sagot ko. "Gagawin ko lahat para makapag-aral kayo, ayoko namang magaya kayo sakin na hindi nakapag-aral."

"Okay lang Mamu, pwede naman kaming mag raket ni Nlex." Sabi ni Slex na nagsusuklay.

"Oo nga po Mamu."

"Hindi mga Anak, si Mamu na ang bahala okay? Ayokong mahirapan kayo." Sabi ko at niyakap siya. "Ang pogi ng Anak ko."

"Kalerki Mamu, how about me?" Tumayo si Slex at lumapit samin, niyakap kami nito. "Maganda ang Anak mo diba po?"

"Oo naman maganda ka, mana ka sakin." Sagot ko

"Sakin nagmana yan."

Napalingon kami sa nagsalita.

"Mother There/Mamita!" Sinalubong ito ng dalawa.

"Kaloka, siya lang talaga?" Nagtatampo kunwaring sabi ni Momshie Boobay.

"Wag kana magtampo Momshie." Sabi ni Slex at niyakap din ito. "Nagsali po kayong pageant? Bat di nyo ako sinama?"

"Malayo kasi yun." Sagot dito ni Momshie. "May dala kaming ulam, nakakain naba kayo?"

"Opo." Ako na ang sumagot. "Nagbigay po ng ulam si Jomela."

"Ganon ba, sige magtitira na lang kami para may almusal kayo bukas." Sabi ni Momshie There.

"Ako na po maghahain."

Kinuha ko ang ulam kay Momshie B at hinanda iyon, sinandukan ko sila ng kanin at pinaghain.

"Madeline, may raket ako sayo para bukas." Sabi ni Momshie T. "Sunduin mo sa Airport ang Anak ng kaibigan ko, malaki bayad doon limang libo."

"Limang libo?" Agad akong lumapit sa kanya. "Saan pong airport?"

"Sa Manila." Sagot nito na ikinawala ng excitement ko. "Ako dapat ang susundo kaso may lakad ulit kami ni Boobay kaya naisip kong ikaw na lang, baka daw dagdagan pa yung bayad sabi ng kaibigan ko."

Sigurado namang hindi kami magkikita. Tama

"Sige po." Nakangiting sabi ko

"Sure ka?" Paninigurado ni Momshie B. "Kung ayaw mo, ayos lang."

"Ako na po." Tugon ko. "Sandali lang din naman po iyon."

"Sama kami!" Sabay na sabi ng kambal.

"Wag na–"

"–Sige na Mamu, gusto kong makakita ng airplane." Nagpa-cute si Nlex. "Diba magiging piloto po ako?"

"Mamu, gusto ko makakita ng poreyner." Sabi naman ni Slex. "Sama mona kami, pasyal na din."

Napatingin ako kila Momshie

"Pabayaan mo ng sumama, ngayon lang naman." Sabi ni Momshie T.

"Sige na nga, pero dapat behave kayo?" Tumango ang dalawa. "Okay."

Nagsimula ng kumain sila Momshie, kami naman ng mga bata ay pumasok na sa loob ng kwarto namin.

Mukang excited ang dalawa dahil agad natulog, napangiti na lang ako at parehas silang hinalikan sa pisngi

Hindi ko kayang mawala sakin ang mga Anak ko dahil sila ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban

"Mamu, bilis na." Excited na sabi ni Nlex.

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon