CHAPTER 24

40.5K 1.2K 116
                                    

MADELINE


     "MAMU, sino yung lalaki kanina?" Tanong ni Nlex. "Siya ba si Papu namin?"

Wala rin namang mangyayari kung magsisinungaling pa ako.

"Oo Nak." Sagot ko. "Galit kaba kay Mamu kasi ngayon nyo na lang nakita si Papu nyo?"

"Hindi po." Yumakap ito sa bewang ko. "Kasi po alam kong may dahilan ka kaya hindi natin siya kasama, basta po wag nyo kaming bigay sa kanya ah? Ayaw ko kay Papu."

"Sakin lang kayo ni Slex Anak." Hinalikan ko siya sa noo. "Pagkatapos nito ay uuwi na tayo."

Tumango lang ito.

Ilang saglit pa kaming naghintay sa isang gilid bago makita si Slex, wala itong malay at may ilang galos.

"Slex.."

Sumakay din kami sa ambulansiya ni Nlex ng isakay ito, at ngayon ko lang din napagtanto na sumama si Karson samin.

"Mamu, ayos lang po si Slex." Sabi ni Nlex. "Malakas yan po kahit malambot."

Natawa na lang ako bago hawakan ang kamay ni Slex na walang malay.

Napatingin ako kay Karson at ang tingin nito ay para akong papatayin.

'Sundutin ko mata mo diyan eh, tanginamo! Kunwari ka pang ayaw pakasalan si Jillian'

Gusto kong sabihan yan kaso may kasalanan din naman ako.

"Sama ng tingin mo kay Mamu ko." Sita sa kanya ni Nlex. "Pangit mo naman."

Magkamuka kayo Anak.

"Yan ba tinuturo mo sa Anak natin?" Sarkastikong tanong ni Karson. "They need to learn good manners."

Hindi ko siya kinibo, bahala ka sa buhay mo.

"Sa bagay ganyan ka din pala." Mapait nitong sabi. "Hindi na ako magtataka kung nakuha din nila ang ugali mong manggagamit."

Sinamaan ko siya ng tingin, hinablot ko ang hawak ng Nurse na katabi ko at binalibag sa kanya

"Wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!" Galit kong sabi

"I know everything Madeline." Ngumisi ito. "My parents and your lover told me everything."

Babatuhin ko pa sana siya pero inawat na ako ni Nlex.

"Isa pang salita mo sasapakin kita." Banta nito sa Ama.

Wala na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa Hospital, diniretso si Slex sa emergency room, kami naman ni Nlex ay umupo sa waiting area. Si Karson naman ay nakatayo lang at nakasandal sa pader.

"Naihatid mona kami, pwede ka ng umalis." Malamig kong sabi.

"Why would I? Hihintayin ko ang result sa Anak ko." Malamig din nitong sagot. "Btw, find a lawyer, we will see in court. I will get my children to you."

"Sa tingin mo papayag ako huh?" Dinuro ko siya. "Kahit magkamatayan tayo hindi mo makukuha ang Anak ko."

"Let see Madeline."

Putangina! Gusto ko siyang sapakin sa itlog niya!

"Chill lang Mamu." Hinawakan ni Nlex ang kamay ko

Isang oras ang makalipas ng lumabas ang Doctor, sinabihan kami nito na pwede ng pumasok sa loob kaya agad kaming pumasok.

"Anak.." Nilapitan ko si Slex na may malay na. "Kamusta kana?"

"Kaloka ka Mamu!" Tili nito. "Naiwan mo ako sa loob!"

"Sorry Anak, nataranta ako." Sagot ko

"It's okay Madir." Umupo ito sa kama at nag-pose. "Niligtas naman ako ng isang chupaping gwapo, macho at yummy!"

"Mamu okay na nga siya." Bulong sakin ni Nlex. "Malantod na eh."

"How about you Mamu? Anong nangyari sa iyong head?" Tanong nito

"Natamaan lang." Sagot ko. "Wala na bang masakit sayo Anak?"

"Waley Ma–" Natigil ito at tulalang napatingin sa likuran ko. "Sino yun Mamu? Kamuka namin siya ni Nlex."

"I'm your Father." Agap na sagot ni Karson

"Okay." Nagkibit balikat si Slex. "Well, Padir, I'm gutom na pakibili naman ako ng pagkain."

"Ah..okay."

Agad itong lumabas, bumaba naman si Slex sa kama at nagmamadali akong hinawakan.

"Mamu, let's takas na, siguradong kukunin kami niya sayo." Nagmamadaling sabi nito. "Let's go, fly fly."

Lumabas kami ng emergency room at nagmamadaling umalis. Agad kaming sumakay ng taxi. Buti na lang ay nakapulot ako ng wallet na may lamang pera.

"Mamu, mangako ka na hindi kami makukuha ng chupaping Tatay namin." Sabi ni Slex.

"Ayaw nyo bang makasama siya?" Sa halip ay tanong ko

"Gusto namin." Sabay nilang sagot

"Pero siguradong hindi na niya kami ibabalik sayo at ayaw namin yun." Dagdag ni Nlex

"Korak si Twinny ko, dapat kung kukunin niya kami ay kasama ka." Sabi naman ni Slex.

Napangiti na lang ako bago sila halikan.

Maayos kaming nakauwi, sinalubong kami ng pag aalala ng mga kapitbahay at nila Jomela.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Jomela.

"We're okay Tita." Sagot ni Nlex.

"Oo nga, maganda pa rin ang peslak ko." Sagot naman ni Slex. "Pero Tita, nakita namin ang Papu namin."

Nagkatinginan kami ni Jomela.

"Gusto niyang kunin ang kambal." Sabi ko. "Kaya tumakas kami."

"Siguradong hahanapin niya kayo." Natatakot na sabi nito. "At sana ay hindi niya ito banggitin kay Daddy."

"Sigurado namang hindi na ulit kami magkikita.."

'Sana lang dahil hindi ko kayang ibigay ang mga Anak ko sa kanya.'

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon