Kabanata 5

94 6 0
                                    

Papalubog na araw ang makikita sa kalangitan, nakaupo lamang si Imelda sa kaniyang higaan habang nagbabasa ng libro bukas na kasi ang alis nila patungong tacloban.

Bawat pahina ay kaniyang binabasa, hindi niya mawari kung bakit parang may maiiwan siya ritong muli ngunit pangako niya pa ring babalik siya rito sa maynila.

"Imelda, buti at iniwan mo itong bukas siya nga pala may panauhin ka sa ibaba naghihintay siya" saad ni Concepcion.

Napakunot naman ang noo ni Imelda habang nag iisip kung sino iyon hindi na siya nagdalawang isip na magtanong kung sino iyon.

"Sino naman, Ate Concepcion?" tanong ni Imelda.

Napangiti naman si Concepcion na ikipinagtaka ni Imelda.

"Basta bumaba ka na lamang at iyong malalaman" nakangiting wika ni Concepcion.

Napabuntong hininga na lamang si Imelda at tumango, umalis naman agad si Concepcion sa silid ni Imelda.

Isinara naman ni Imelda ang hawak na libro at agad na nagtungo sa ibaba, pagbaba niya nakita niya ang isang ginoo na pamilyar.

"Magandang gabi, Binibining Imelda" nakangiting wika ni Benigno.

Napangiti naman si Imelda at bumati rin, "Magandang gabi din, Ginoong Benigno" nakangiting wika ni Imelda.

Naupo naman silang dalawa ngunit magkaharap lamang sila, "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, Ginoong Benigno?" tanong ni Imelda.

Napailing naman si Benigno, "Wala naman, nais ko lamang bisitahin ka bukas na pala ang iyong alis patungong tacloban" malungkot na saad ni Benigno.

Malungkot naman ding tumango si Imelda, "Nais ko din naman makapag tapos doon yung ang pangarap sa akin ni ama" saad ni Imelda.

Malungkot namang pinagmasdan ni Benigno si Imelda habang ang mga kamay nito ay nasa likuran at hindi niya batid kung dapat ba niyang iabot ang regalo niya para kay Imelda.





"Maraming salamat sa iyong pagdalaw mag iingat ka sa iyong pag uwi" nakangiting wika ni Imelda.

Ngumiti naman si Benigno at tumango inabot na rin niya kanina ang regalo niya para kay Imelda na ikinatuwa naman nito.

Ngumiti nang marahan si Benigno nais niyang hawakan ang mga kamay ni Imelda at yakapin ito ngunit bawal hanggat hindi pa sila nagiging sila ay bawal niyang hawakan o yakapin si Imelda ni halikan bawal.

"O'siya Binibining Imelda, uuwi na ako nawa'y mag iingat kayo sa inyong byahe bukas ni Binibining Concepcion" nakangiting wika ni Benigno.

Tumango naman at ngumiti si Imelda, hindi niya mawari kung dapat bang ikalungkot niya na aalis na siya o talagang tatanggapin na lamang niya ang nakatakda.




Madaling araw na at inaayos na ng mga kutsero ang bagahe ni Imelda at Concepcion pasakay nang kalesa nasa silid pa rin si Imelda at Concepcion.

"Mag iingat kayo sa inyong oag alis, paumanhin at hindi na ako makakasama maghatid sa inyo sa daungan" saad ni Alita.

Niyakap ni Alita si Imelda at Concepcion batid niyang matagal tagal bago sila muling magkitang muli, malungkot na lumapit si Don Vicente sa tatlo niyang anak.

"Alita, Imelda, Concepcion, huwag na kayo malungkot hayaan ninyo magkikita kita pa naman kayo huwag ka mag alala Alita anak uuwi ka din sa tacloban upang makasama sila sa ngayon mananatili muna tayo rito" saad ni Don Vicente.

Napangiti naman ang tatlo dahil sa sinaad ni Don Vicente, yumakap si Don Vicente kay Imelda at Concepcion susunod din sila sa lalong madaling panahon sa tacloban.

"Don Vicente, nakahanda na po ang kalesa sa ibaba" wika nang serbidora.

Tumango naman si Don Vicente at hinaplos niya ang ulo ni Imelda at Concepcion inihatid ni Don Vicente at Alita sa ibaba si Imelda at Concepcion pasakay nang kalesa.

Nang makababa sila hindi maiwasang malungkot ni Alita dahil mawawalay na naman ito kay Imelda at Concepcion.

"Inyong pakatandaan ang mga bilin ko, Imelda at Concepcion basta kapag nakarating na kayo doon sumulat agad kayo hanapin niyo na rin si Armando doon" saad ni Don Vicente.

Napangiti naman si Imelda at pinunasan nito ang luha nito, "Opo, ama" saad ni Concepcion.

At muling yumakap si Alita at Don Vicente kay Imelda at Concepcion na talagang malungkot na lilisanin ang maynila.




Ilang minuto ang layo nang daungan sa kanilang bahay mabuti na lamang ay naabutan pa nila ang barko na patungong tacloban at talagang hindi pa ito nakaka alis.

Pagbaba nila nang kalesa ay agad silang inalalayan nang kutsero at ibinaba ang kanilang bagahe.

"Mga binibini, kayo'y mag iingat sa inyong byahe" nakangiting saad nang kutsero.

Ngumiti naman ang dalawa sa kanilang kutsero, sumigaw naman ang namamahala nang barko na maaari nang pumasok ang mga pasaherong tutungo sa tacloban.

Inalalayan naman nang kutsero na buhatin ang kanilang mga bagahe patungo sa silid nito dahil batid naman nang namamahala na mahihirapan silang iakyat ang mga bagahe nang silang dalawa lamang.

Nagpasalamat sila sa kutsero na tumulong buhatin ang kanilang bagahe, maya maya lamang ay napuno na ang pasahero nang barko at handa na itong lumisan.

Nang maramdaman nilang gumalaw na ang barko hudyat na paalis na ito ay napasilip sa bintana si Imelda, malungkot niyang pinagmasdan ang barkong papalayo sa daungan nakita naman ni Imelda sa di-kalayuan ang kanilang kutsero na talagang hinintay makalayo ang barkong sinasakyan nila.

Naramdaman ni Imelda na may humawak sa kaniyang balikat, "Makakasama din natin sila ano ka ba, wag ka nang malungkot" saad ni Concepcion habang nakangiti.

Napangiti naman si Imelda at napatango nang ilang ulit, "Ate Concepcion, sa tingin mo ba makakabalik pa tayo dito sa maynila?" tanong ni Imelda kay Concepcion.

"Kung ano man ang sasabihin ni ama yun ang ating susundin malay natin makabalik pa tayo dito" nakangiting wika ni Concepcion.

Tumango naman si Imelda at naupo sa kaniyang kama, hindi niya mawari kung bakit parang nanghihinayang siya ngunit masaya siya dahil nais nang kaniyang ama na oag aralin siya at makakatapos siya.

"Imelda, ano nga pala ang pinunta kagabi ni Ginoong Benigno?" tanong ni Concepcion.

Napatingin naman na nagtataka si Imelda hindi niya nais maglihim ngunit bakit kailangan pa itanong nang kaniyang ate ang pag dalaw ni Benigno sa kaniya.

"Wala iyon, Ate Concepcion nais lamang niyang mangamusta" saad ni Imelda.

Ngumiti naman nang nakaka asar si Concepcion na ikipinagtaka naman ni Imelda.





******************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan po ninyo ang iba pang kabanata wag po kayong magsawang magbasa, add to library niyo na din po basahin niyo na rin po yung ibang kwento na ginawa ko yung My Old Rose, My Old Love pwede niyo pong irecommend.

Please Vote and Follow!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon