CHAPTER 25

41.9K 1.2K 121
                                    

MADELINE


    NAGPAPASALAMAT ako at hindi kami nasundan ni Karson, buti na lang talaga at liblib itong lugar na pinagtataguan namin ngayon.

"Mamu, ready na po kami." Sabi ni Nlex na kalalabas lang ng bahay suot ang jersey na pinatahi ko at sapatos na binili ko.

Kasunod naman nito ang kambal niya na kagaya ang suot niyang damit at sapatos, kumekembot kembot ito habang naglalakad palapit sakin.

"What do you think Mamu? Pretty na ba me?" Malantod na tanong nito

"Oo pretty kana." Sagot ko.

"Umayos ka sa laro Slex, wag maharot don at baka masaktan ka." Bilin sa kanya ng kakambal

"Yes captain Nlex."

"Tama na yan, tara na doon sa court at nandoon na sila Tita nyo." Sabi ko

Humawak naman silang dalawa sa magkabilang kamay ko, naglakad kaming tatlo patungong court.

Ang daming tao ang nanonood ngayon.

"Galingan nyo kambal."

"Cheer namin kayo."

"Sana makuha nyo yung premyo tapos luto tayong pancit."

Napangiti na lang ako dahil mahal na mahal ng mga tao dito ang mga Anak ko. Kinulang sila sa pagmamahal ng Ama pero sobra sobra naman ang natatanggap nila sakin at sa mga kakilala namin.

"Sureness na win kami." Sabi ni Slex. "At kahit hindi kami ma win, magluluto pa rin tayo ng pancit."

"Okay to our two teams please proceed here." Natigil lang kami ng magsalita ang MC.

Nagtungo naman kami ng kambal sa harap, katabi ko si Jomela at ang Anak niya na muse nila Nlex.

"Sige na doon na kayo sa harap." Sabi ko sa kambal. "Galingan nyo."

"Kiss Mamu, para may lucky charm po kami." Sabi ni Nlex

Yumukod naman ako, napangiti ako ng parehas nilang halikan ang pisngi ko.

Nagtungo ang tatlo sa gitna kaharap ang mga kalaban nila, kami naman ni Jomela ay naupo na.

"Ganda ni Jomuela, kamukang kamuka ni Josuel." Sabi ko dito. "Pero ugaling ugali mo."

"Syempre, hindi naman pwedeng walang makukuha sakin." Mayabang na sagot nito

"Yun nga eh, pwede namang kutis mona lang ang ipamana, bakit yung kasamaan pa ng ugali."

Sinamaan ako nito ng tingin pero nginisihan ko lang siya

"Bago tayo magsimula, gusto ko munang ipakilala ang mga taong nag-endorsed nitong palaro natin." Sabi ng MC. "Palakpakan natin sila."

Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga ng bigla na lang lumitaw sa harap sila Karson.

Putangina!

"Mr. Ezar Carter, Mr. Archer Carson, Mr. Wyatt Campbell, Mr. Colm Sullivan." Kumaway ang mga ito habang pinapakilala. "And ang pasimuno nito. Mr. Karson Walter and Mrs. Jillian Walter."

Napatingin ako kay Jomela at kita ko rin ang gulat sa muka niya.

"Matalim ba kutsilyo nyo?" Tanong nito

"Bakit?" Takang tanong ko

"Todasin natin mamaya si Kapitan." Sagot nito

Parehas naman kaming napangisi pero napalitan din iyon ng panlulumo.

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon