CHAPTER 26

42K 1.4K 175
                                    

WARNING: TRIGGER WARNING

MADELINE

     "CAP, NAKITA ng lahat ang ginawa ng Anak niyan sa Anak ko." Sabi ni Jomela.

Nandito kami sa Barangay office, hindi ko alam kung bakit pati sila Karson ay nandito.

"Misis, dapat ho hindi tayo nakisali dahil away bata yun." Sagot ni Kapitan

"Away bata? Bulag kaba?" Inis kong tanong. "Pinagtulungan ng limang lalaki yung isang babae tapos away bata? Umalis ka nga diyan sa posisyon mo at ako ang papalit sayo. Mas Bobo kapa sakin ah."

"Tingnan mo, wala ka talagang modo!" Sabi ni Butanding.

"Ano gusto mo? Suntukan ulit huh!?"

"Enough this shit!" May sumabad na dimonyong impaktito na malaki ang talong na mahilig umiyot. "I'll pay all the damage, just leave now."

Mukang pera naman ang mga lintik at nagsialis

"Iba talaga mayayaman, puro pera panlaban." Parinig ko. "Pano makakamit ang hustisya niyan?"

"You talk like that?" Kunwaring gulat na sabi nito. "You love money too right?"

Inis ko siyang hinarap, akmang sasampalin ko siya pero naunahan ako ng isang tao. Si Jomela

"Makapagsalita ka ah, ang kapal ng muka mo!" Galit na sabi nito sa Kuya niya.

"Ang kapal ng muka mong saktan ang Asawa ko!" Eksena ni Jillian at nilapitan si Karson. "Are you okay Hon?"

"I'm fine don't worry." Malambing na tugon ni Karson dito

Napatawa na lang ako ng pagak bago umiling iling.

"Umuwi na lang tayo." Sabi ko kay Jomela

"Walang uuwi." Malamig na sabi ni Karson.

Humarang ang mga tauhang kasama nila sa pinto kaya galit ko siyang nilingon.

"Ano bang problema mo huh?" Tinulak ko siya. "Tahimik na kami ng mga Anak ko kaya wag mo ng guluhin!"

"As long as I remember magkatulong tayong gumawa sa kanila." Nakangising sabi nito. "Kukunin ko sila, sapat na siguro ang limang taong nakasama mo sila diba?"

"Hindi mo sila makukuha, kahit magkamatayan tayo wala kang makukuhang Anak sakin!" Mariing sabi ko. "Kapal naman ng muka mo, wala ka nga nung naghirap kami eh, wala ka nung nagkasakit sila, hinintay kita pero nabalewala lahat dahil kasal kana pala! Umasa ako sa wala Karson, akala ko hahanapin mo ako pero tangina, wala pala dapat akong inasahan!"

"Ako pa palalabasin mong masama huh? Diba sumama ka kay Renato? Ginamit mo ako dahil kailangan nyo ng pera!" Galit na sabi nito. "Huwag mo akong baliktarin Madeline!"

"Oo sumama ako kay Renato pero hindi kami nagkaroon ng relasyon! Tinulungan niya lang ako!" Tumulo ang mga luha ko. "Oo ginamit ko ang pera mo pero para naman sa mga Anak mo Karson at hindi para sakin!"

"Ede inamin mo din, na pera lang talaga ang habol mo saki–"

Malakas ko siyang sinampal. "Oo bobo ako at mahirap pero hindi ako ganong tao! Kung may gusto ako paghihirapan ko! Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko Karson, wala miski isa!."

"Alam ko lahat ng tungkol sayo!"

"Kung alam mo ede sana..." Sana alam mong ginahasa ako ng Ama mo!

Napapikit na lang ako at hindi masabi sa kanya ang bagay na yun dahil buhay ng Pamilya ko ang nakasalalay doon.

Alam kong pupuntiryahin ni Joel ang Pamilya ko kapag may nakaalam ng pamba-baboy niya sakin.

"Tama na!" Sumingit sa pagitan namin ang kambal.

"Kami ang nahihirapan sa inyo." Umiiyak na sabi ni Nlex. "Sana naman mag usap kayo ng maayos dahil nahihirapan din kami."

"Opo, naiipit kami ni Nlex sa inyong dalawa." Yumakap sa bewang ko si Slex. "Wag nyo po kaming kunin kay Mamu, masaya naman kami dito eh kahit mahirap kami. Dito lang kami."

"I suggest ayusin nyo yan." Singit ni Archer. "Kawawa ang mga bata."

"Maayos naman kami eh, sumulpot lang ang tarantadong Karson na yan!"

"May karapatan din siya sa bata." Sabi naman ni Wyatt. "Magkaron na lang kayo ng kasunduan."

Napahilot na lang ako sa sintido ko.

"Sabihin mona lang kaya sa kanya Madeline." Nagsalita si Jomela. "Baka matulungan kapa niya."

"Wag." Inilingan ko siya. "Ayokong madamay sila Mama."

"Pero hanggang kailan mo kikimkimin yan?" Tumulo ang mga luha nito. "Ako kasi pagod na eh, hindi kona alam ang gagawin ko. Gusto kona ng hustisya."

"What are you talking about?" Kunot noong tanong ni Karson. "Anong sasabihin Jomela?"

"Jomela pakiusap.."

"JOMELA!" Sigaw ni Karson.

"Si Joel, ang tatay mo, nahanap niya kami ni Josuel." Lalong lumakas ang hagulgol nito. "Limang buwan akong buntis non kay Jomuela–sa Anak namin, natagpuan niya kami sa pinagtataguan namin. P-pinatay ni Joel si Josuel sa harap ko."

"Pero alam mo ang mas kinamuhi ko sa Tatay mo Kuya? G-Ginahasa niya ako kahit Anak niya pa ako, nagmakaawa ako Kuya pero ang sabi niya lang ay pagbigyan ko siya o papatayin niya ang Anak ko, kaya hindi ako lumaban, tangina ng Tatay mo Kuya! Ginahasa niya ako sa harap ng bangkay ng Asawa ko!"

Napalakas na lang din ang hagulgol ko ng maalala ko ang ginawa din sakin ni Joel.

"Akala ko doon na natatapos ang lahat eh." Tumingin ito sakin. "Sabihin mo Madeline.."

Tumingin ako kay Karson na nanggigilid ang luha

"G-Ginahasa niya din ako..." Humahagulgol kong sabi. "B-Binaboy ako ng Ama ng taong Mahal na Mahal ko.."

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon