Kabanata 6

84 5 0
                                    

Lumipas ang tatlong araw at huminto na rin ang barko sa tacloban, ang mga pasahero ay kaniya kaniyang baba nang kanilang mga bagahe habang si Imelda at Concepcion ay tinutulungan ng mga namamahala doon sa barko upang maibaba ang bagahe nila.

Pagbaba nila ng barko ay napansin nila agad ang kanilang kapatid na si Armando at Alfredo na naghihintay sa kanila sa tapat nang kalesa.

Napangiti naman si Concepcion, "Kuya Alfredo! Kuya Armando!" nakangiting sigaw ni Concepcion.

Napangiti naman ang dalawa nilang kuya agad din silang lumapit at tinulungan si Imelda at Concepcion.

"Kamusta ang byahe, mabuti naman at nakarating kayo ng maayos" nakangiting wika ni Armando.

"Maayos lang kami, Kuya Armando" nakangiting wika ni Imelda.

Napatango naman si Armando, "Kumain na ba kayo, halika na sa hacienda para makakain na rin kayo" nakangiting aya ni Alfredo.

Tuwang tuwa silang sumakay at inalalayan nila si Imelda at Concepcion na makasakay, ngayon ay kasama na nila ang dalawa nilang kapatid na babae ay mas lalo silang naging masaya ngunit kulang pa rin ang dalawa nilang kapatid at ang kanilang ama.

Habang tumatakbo ang kalesa ay pinagmamasdan ni Imelda ang mga daan patungo sa kanilang hacienda, karamihan sa iba ay nabago ang daan dala nang mga americano marunong din naman mag english si Imelda yun nga lang mas sanay siya sa filipino word.

"Imelda, ayos ka lang?" tanong ni Concepcion.

Ngumiti naman at tumango si Imelda, sumang ayon naman kahit paano si Concepcion at hindi naman din siya namilit pa.

Huminto ang kalesa sa isang malaking bahay at nakangiti nila itong pinag masdan.

"Sa katunayan pina renovate namin yan masyado na kasing luma" saad ni Alfredo.

"Ayos lang kuya, gumanda nga ang bawat anggulo nang hacienda natin" nakangiting wika ni Concepcion.

Nakangiti naman si Armando at Imelda, "Pasok na tayo" aya ni Alfredo.

Pagkapasok nila sa loob nang hacienda ay lahat nang kagamitan nila naka ayos at talagang magagandahan ka kapag tinignan mo ang mga flower vase, paintings, pictures at mga lumang pictures nila noong kabataan pa nila.

"Imelda, natatandaan mo ba yung nakapasok tayo sa malacanang palace? Hindi ba't nag aral tayo doon nang english napakagandang balikan iyon" nakangiting wika ni Concepcion.

Napangiti naman si Imelda, "Oo, Ate Concepcion buti buo pa yung mga pictures natin" nakangiting wika ni Imelda.

Namataan naman ni Imelda ang picture nang kanilang ina na nag iisa malapit sa picture ni Don Vicente tila ba kumirot ang puso ni Imelda at hindi mawari kung bakit naaalala na naman niya ang kaniyang ina.

"Umakyat na muna kayo sa mga silid ninyo, magpapaluto nalang kami ng makakain ninyo lalo pagod kayo magpahinga na muna kayo" saad ni Armando.

Tumango naman si Imelda at Concepcion, sabay silang nagtungo sa kanilang mga silid na nasa ikalawang palapag lamang.



Kinahapunan, hapon na nang magising si Imelda hindi na siya nakakain nang tanghalian dahil hindi na rin siya ginising ni Alfredo batid naman nilang pagod ito sa byahe.

"Kuya Alfredo" tawag ni Imelda na nakatayo sa harap nang picture ni Imelda.

Napangiti itong humarap kay Imelda, "Ang bilis ng panahon ano? Biruin mo magkaka asawa na ako sa susunod na taon tapos ikaw magtatapos ka din dito hindi ko akalain na ganoon kabilis ang tagal na ding namamatay ni ina" malungkot na saad ni Alfredo.

Malungkot naman na bumuntong hininga si Imelda at tumingin sa bintana na nakabukas na.

"Sabi nga nila kung ang tadhana ang gumagawa ang Diyos ang sumusulat" saad ni Imelda.

"Tama ka, wala tayong dapat na sisihin sa pagkamatay ni ina, lalo pa't matagal na din iyon siguro dapat tayong magpasalamat kay ina dahil kahit paano may mga taong nag aaruga pa din sa atin" saad ni Alfredo.

Ngumiti naman nang bahagya si Imelda at tumango, "Siya nga pala, hindi na kita ginising kanina dahil alam kong napagod ka sa byahe pero may ulam pa naman diyan huwag ka mag alala pina init ko naman kay Manang iyon" saad ni Alfredo.

"Salamat, kuya" nakangiting wika ni Imelda.

"Kailan pala ang iyong pasok?" tanong ni Alfredo kay Imelda.

Ngumiti naman si Imelda, "Sa sunod na lunes na po Kuya Alfredo" nakangiting wika ni Imelda.

Tumango naman nang ilang ulit si Alfredo, "O'siya maiwan na kita aasikasuhin ko lamang yung mga kalabaw natin" nakangiting saad ni Alfredo.

Tumango naman si Imelda agad ding lumabas nang pinto si Alfredo at isinara ang pinto naiwan naman si Imelda na nakangiti sa kama.




Gabi na nang lumabas sa silid si Imelda, nasa balkonahe siya ngayon nang kanilang hacienda malaki laki din ang kanilang hacienda at masasabi mong mayaman talaga sila.

"Malungkot ka ba?" tanong ni Concepcion na nakahalukipkip sa kaniyang likuran.

Napalingon naman si Imelda at napailing, "Hindi naman, Ate Concepcion sa katunayan ay kinakabahan ako sa papasukan ko" saad ni Imelda.

"Bakit naman?" tanong ni Concepcion.

Napailing lamang si Imelda, "Wala Ate Concepcion ganoon lamang ako kapag magsisimula pa lamang" saad ni Imelda.

Tumango naman si Concepcion at lumapit kay Imelda, "Hindi mo ba namimiss si Ginoong Benigno?" tanong ni Concepcion.

Nakakunot namang humarap si Imelda kay Concepcion, "Ate Concepcion, batid kong marami namang manliligaw sa iyo bakit hindi mo pa sila sagutin?" natatawang tanong ni Imelda.

Kinurot naman ni Concepcion sa tagiliran si Imelda na ikinakiliti naman ni Imelda.

"Gabi na, matulog na kayo" nakangiting saad ni Armando.

"Kuya Armando, may isang babae po dito na nais magpaligaw na" saad ni Concepcion.

Natawa naman si Armando dahil batid niyang hindi basta basta magpapaligaw si Imelda.

"Kayo talaga, alam niyo huwag niyong madaliin ang mga bagay bagay lalo pa't baka ikagalit ni ama" saad ni Armando.

"Kuya, huwag ka nga maniwala kay Ate Concepcion nagbibiro lamang siya" saad ni Imelda na lumalayo kay Concepcion dahil baka kurutin na naman ito sa tagiliran.

"Ikaw talaga, Imelda palayo ka ng palayo bakit ba?" natatawang tanong ni Concepcion.

"Basta, Ate Concepcion magtutungo na ako sa aking silid dahil inaantok na ako" saad ni Imelda.

Tumawa naman nang bahagya si Concepcion, umalis naman si Imelda at nagtungo sa silid habang si Armando naman ay napapailing lamang.





*******************
#HeStealABeautifulButterfly

Salamat sa pagsupport alam ko madaming nag views nang story ko recommend niyo na din ito sa mga kakilala ninyo.

Please Vote and Follow!



SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon