Kabanata 7

77 5 6
                                    

Araw ng lunes at nag aayos na nang kagamitan si Imelda, hindi niya lubos maisip na sa ganitong sitwasyon niya mabubuo ang bawat araw niya.

"Imelda, halika na at papasok na tayo" aya ni Concepcion.

Tumango naman si Imelda at nakasunod kay Concepcion na patungo na sa baba nang kanilang hacienda.

Dala na ni Imelda ang bag niyang parang style abaniko, dala din niya ang abaniko niya suot niya ang uniporme ng DWU (Divine Word University of Tacloban) maayos na nakapusod ang buhok ni Imelda at suot nito ang panyeta na kulay silver.

"Sakay na Imelda" aya ni Concepcion na talagang sabik na sabik na pumasok.

Ilang metro ang layo nang school na iyon patungo sa hacienda nila, ang karamihan doon ay mga nakasakay na sa volkswagen, ngunit sila Imelda pa rin ang nakasakay sa kalesa.




"O'siya Imelda, malaki ang school na yan kung hihintayin mo ako mamayang uwian dito mo na lamang ako hintayin" saad ni Concepcion.

"Oo, Ate Concepcion alam mo naman mahirap hanapin ang sing ganda mo" pambobola ni Imelda.

Natawa naman nang bahagya si Concepcion at kinurot si Imelda, tumango si Imelda at agad na hinanap na ang kaniyang silid-aralan.

Nasa ikalawang palapag nang DWU ang kaniyang silid-aralan (room) agad din siyang pumasok sa room na iyon pag upo niya ay kakaunti pa lamang ang mga kaklase niyang naroon.

Bagamat mahirap ang makipagsapalaran ngayon ngunit nais pa din niya ang makatapos, napalingon siya sa bandang pinto isang lalaking pamilyar ang nakita niyang huminto sa pinto nang kanilang silid-aralan.

Si Benigno, tila naistatwa na lamang si Imelda sa kaniyang kinauupuan, tila napaisip siya kung bakit hanggang sa tacloban ay sinusundan siya ni Benigno.




Walong oras ang pasok nila sa DWU kailangan din kasi nilang mag sipag lalo pa't ibang iba din ang patakaran doon natutuwang isipin ni Imelda na ganoon siya itrato nang mga classmate niya na talagang nais siyang makilala nang maayos.

Habang naghihintay siya sa labas nang kanilang paaralan ay isang pamilyar na yapak ang huminto sa kaniyang tabi.

"Dito ka lang pala mag aaral" seryosong saad ni Benigno.

Napalingon naman si Imelda kay Benigno, seryosong tingin ang natanggap ni Imelda.

"Bakit kailangan mong hindi ipaalam sa akin kung saan ka dapat mag aral?" tanong ni Benigno.

"Ayoko lang na malungkot ka" seryosong saad ni Imelda.

Seryoso namang nakatingin si Benigno, "Hindi ba't manliligaw mo naman ako?" tanong ni Benigno.

Tumango naman si Imelda, "Ngunit, Ginoo hindi pa kita sinasagot" saad ni Imelda.

Tila ba nadurog ang puso ni Benigno dahil sa narinig niya kay Imelda hindi niya mawari kung bakit biglang nagbago ang ihip nang dalaga.

"Siya nga pala, Binibining Imelda nais kong malaman mo na masaya akong nakilala ka alam mo mas natuto akong maging mag isa nang makita ka" nakangiting wika ni Benigno.

Ngumiti lamang si Imelda hindi niya batid kung ano dapat niyang sabihin, "Hatid na kita sa inyo" aya ni Benigno.

"Salamat nalang, Ginoong Benigno ngunit hinihintay ko ang aking Ate Concepcion" saad ni Imelda.

Tumango naman si Benigno, "Samahan na lamang kita hintayin ang iyong Ate Concepcion" nakangiting wika ni Benigno.

Tumango naman si Imelda, curious siya kung saan nakatira ngayon si Benigno kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na magtanong.

"Saan ka ngayon tumutuloy, Ginoo?" tanong ni Imelda.

"Sa aking Tiya, bumisita lamang ako dito ngunit parang ayoko na ding umuwi sa maynila" natatawang wika ni Benigno.

Napangiti naman nang bahagya si Imelda, "Baka magalit naman ang iyong ama kung hindi ka na uuwi sa inyo" saad ni Imelda.

Napailing naman si Benigno, "Hindi naman, sa katunayan ay gusto ka nga nang magulang ko ngunit handa naman ako maghintay hanggang kailan" nakangiting wika ni Benigno.

Ngumiti naman at napabuntong hininga si Imelda, "Imelda!" tawag ni Concepcion sa di-kalayuan habang nakangiti ito.

Lumapit naman agad si Concepcion, "Ginoong Benigno? Narito ka pala anong iyong ginagawa rito? Dito ka din ba nag aaral?" tanong ni Concepcion.

Napailing naman si Benigno, "Bumisita lamang ako dito, Binibining Concepcion" nakangiting wika ni Benigno.

"Mabuti naman, Ginoong Benigno tamang tama at pauwi na din kami ni Imelda nais mo bang sumama upang makita ang aming hacienda at makilala ang aming dalawang kuya?" tanong ni Concepcion.

Tumango naman si Benigno dahil batid niyang bawal siyang tumanggi lalo pa't babae ang nag aaya.




Ilang minuto lamang ay narating na din nila ang haciemda Romualdez, pagbaba pa lamang nila ay sinalubong na sila ni Alfredo na nakangiti.

"May bisita din pala tayo" nakangiting wika ni Alfredo.

Ngumiti naman si Concepcion at Benigno ngunit si Imelda ay tila kinakabahan at baka pagalitan siya nang kaniyang dalawang kuya, pinapasok naman nila sa loob si Benigno na siyang manghang manghang makita ang mga kagamitan sa loob at maayos na nakahelera ang mga aklat.

"Benigno ba ang iyong ngalan?" tanong ni Armando kay Benigno na nakatayo lamang.

"Opo, Benigno po" nakangiting wika ni Benigno.

Tumango naman si Armando, "Kita mo naman ang liit lang nang mundo akalain mo yun anak ka pala ni Don Benigno Aquino Sr." nakangiting wika ni Armando.

Napangiti naman si Benigno batid niyang mabuting tao naman ang kuya ni Imelda kaya wala siyang dapat ikatakot.

"Pakainin niyo na rin ang ating bisita, nais mo ba nang tubig o kape?" tanong ni Armando.

"Tubig nalang po" nakangiting saad ni Benigno.

Tumango naman si Armando at ipinagutos na kumuha ng tubig, panay naman ang ngiti ni Alfredo at Concepcion samantalang si Imelda naman ay hindi makatingin nang maayos tila ba nahihiya siya sa tagpong iyon.

"Imelda, buti naman at ipinakilala mo sa amin ang iyong butihing manliligaw alam na din pala ito ni ama" saad ni Armando.

"Oo, Kuya Armando alam na ni ama sa katunayan nagpaalam siyang manligaw" saad ni Imelda.

Hindi mawari ni Imelda kung bakit parang bigla nalang siyang nahiya nang tumango si Armando, halos panay pa din ang ngiti nang dalawa nilang kapatid tila ba inaasar si Imelda.

Hindi pa gaano sanay si Benigno makipag usap sa ibang kalalakihan na tulad ni Armando ngunit batid naman niyang mabuting tao ito.




*******************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang kabanata 8! Ilang kabanata pa makikilala niyo na din ang magpapatibok sa puso ni Imelda Romualdez abangan ninyo ang mga susunod pang kabanata.

A SPECIAL REMINDER: May mga language akong mababago sa mga susunod na kabanata kaya huwag kayong magtataka kung bakit bigla nalang mag eenglish ang mga tao sa story na to dahil pabago nang pabago nga ang panahon.

Don't forget to Vote and Follow me!

SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon