Kabanata 8

70 5 0
                                    

Filipinas, 1953

Lumipas ang isang taon patuloy pa ring nanliligaw si Benigno kay Imelda halos lahat nang mga liham at bulaklak na ipinapadala ni Benigno ay natatanggap naman ni Imelda.

Hindi pa rin sumusuko si Benigno dahil batid niya na may hangganan naman ang panliligaw niya at kung sakali man hindi siya sasagutin nito malugod niya iyong tatanggapin.

Nasa balkonahe ngayon si Imelda, sabado ngayon at walang pasok lahat nang mga gawain niya sa school ay nagawa na niya pagkauwi niya ay ginagawa niya lahat upang hindi siya matambakan nang gawain.

"Imelda, halika na hinihintay ka na sa hapag" saad ni Concepcion.

Tumango naman si Imelda, "Susunod ako, Ate Concepcion" saad ni Imelda.

Tumango naman si Concepcion at nagtungo na sa ibaba, inayos muna ni Imelda ang mga librong binabasa niya kanina pa halos lahat ata nang librong nandito ay nabasa na niya.

Mga librong nakahelera at malaking shelf ang makikita mo sa ikalawang palapag katabi non ay hagdan na patungo sa unang palapag, susunod ay mga silid na hanggang ikatlong palapag lamang ang hacienda nila sa tacloban.




Pagkababa ni Imelda ay napansin niyang maraming pagkain, "Halika na Imelda" nakangiting wika ni Concepcion.

Umupo naman si Imelda sa tabi ni Concepcion sa katapat nila ay si Armando at Alfredo.

"Baka nagtataka ka, may panauhin tayong hinihintay" saad ni Alfredo.

Nagtaka naman si Imelda, "S-sino naman, Kuya Alfredo?" tanong ni Imelda.

"Si ama, si Ate Alita at si Benjamin" nakangiting wika ni Alfredo.

Nakangiti naman si Armando at Concepcion, "Talaga? Mabuti naman at makikita na natin sila" nakangiting wika ni Imelda.

"Oo, nais kasing bisitahin ni ama itong hacienda natin" nakangiting wika ni Armando.

"Kayo talaga, pinaglilihiman niyo si Imelda akala ko pa naman ay batid na niya" natatawang wika ni Concepcion.

Natawa naman sila Alfredo at Armando na halos ay mabulunan na sa laway nila.




Maya maya lamang ay may biglaang kumatok sa pinto, "Sila ama na yata iyan" saad ni Armando.

Pinagbuksan naman ni Concepcion nang pinto ang kumakatok laking gulat niya nang makita si Don Vicente, Alita at Benjamin.

"Narito na sila!" sigaw ni Concepcion, dali dali namang lumapit si Imelda, Armando at Alfredo sa tapat ng pinto.

Yumakap naman si Don Vicente sa apat niyang anak, ganoon din si Alita at Benjamin na yumakap sa apat niyang kapatid.

"Mabuti na lamang at naparito din kayo, ama" saad ni Imelda.

"Oo anak, dito na rin kami titira" saad ni Don Vicente.

Napangiti naman si Armando, Concepcion at Alfredo sa narinig halos panay yakap naman ni Alita kay Imelda dahil namiss talaga niya ang bunso nilang kapatid.

"Manang, paki akyat na lamang ang mga bagahe nila" utos ni Concepcion.

Tumango naman ang mayordoma nila at agad na inakyat ang bagahe tinulungan naman ni Armando at Alfredo ang mayordoma nila na iakyat ang bagahe.




Pinangunahan nang dasal ni Alfredo ang hapag, matapos iyon ay agad din silang kumain.

"Nakakapagod talaga bumyahe patungo dito pero ayos lang nakauwi din naman agad" nakangiting wika ni Don Vicente.

"Ama, kailangan niyo ng mahabang pahinga tila wala kayong tulog ngayon" nakangiting wika ni Alfredo.

"Nasasabik lamang kami na tumungo dito" saad naman ni Benjamin.

Maya maya lamang ay may kalesang huminto at kumatok sa pintuan nila, pinagbuksan naman nang serbidora iyon.

"Don Vicente may panauhin po kayo" saad nang serbidora.

Nakangiti naman si Don Vicente, "Tignan mo naman kararating lang natin at heto may panauhin tayo" saad ni Don Vicente.

Natawa naman ang anim na magkakapatid, "Bueno, papasukin mo na" saad ni Don Vicente.

Pinapasok naman nang serbidora ang panauhin, nagulat si Imelda nang makilala kung sino iyon.

"Ginoong Benigno, narito ka pala" nakangiting tugon ni Concepcion.

"Halika hijo, maupo ka at saluhan mo kami" saad ni Don Vicente.

"Mabuti naman at napabisita ka rito, Benigno" saad ni Armando.

Napangiti naman si Benigno sa mainit na pagtanggap nang pamilya ni Imelda sa kaniya.

"Opo, nais ko pong kamustahin si Binibining Imelda" nakangiting wika ni Benigno.

"Akala ko ako ang nais mong bisitahin" natatawang wika ni Don Vicente.

Natawa naman si Concepcion, Armando at Alfredo ganoon din si Don Vicente napakunot lamang ang noo ni Imelda at Benigno.

"Hindi, biro lang siya nga pala aba tignan mo naman at hanggang dito ay talagang sinundan mo ang aking anak isa kang masigasig na lalaki at kayang patunayan ang pagmamahal sa aking anak" nakangiting wika ni Don Vicente.

"Opo, Don Vicente saan man siya magpunta susundan ko pa rin siya hanggat hindi ko po nalalaman ang tugon niya sa aking katanungan" saad ni Benigno.

Napangiti naman at napatango si Don Vicente, "Hijo, sige kumuha ka na nang makakain mo diyan nais kong matikman mo ang luto nang aming mayordoma" nakangiting wika ni Don Vicente.

Kumuha naman si Benigno kaunti lamang dahil nahihiya pa siya at hindi pa naman talaga siya parte nang pamilya nila.

"Imelda anak, kamusta naman ang iyong pag aaral sa DWU?" tanong ni Don Vicente.

Ngumiti naman si Imelda, "Ayos lang po ama masaya naman po at may mga bago akong kaibigan" saad ni Imelda.

"Maganda iyan, ikaw naman Concepcion kamusta naman ang iyong pag aaral?" tanong ni Don Vicente.

Ngumiti naman si Concepcion at uminom nang tubig bago magsalita, "Ayos lamang po ama, sa katunayan po ay talagang batid nang lahat nang naroon na anak mo kami at talagang kinagigilawan kami ni Imelda" saad ni Concepcion.

Napangiti naman si Don Vicente, "Mabuti iyan, nais kong makatapos kayo nang pag aaral nais kong maging isa kayong mayaman at hindi inaapakan nang ninuman" saad ni Don Vicente.

Ngumiti naman si Imelda, Concepcion, Alita, Benjamin, Armando, Alfredo at si Benigno halos lahat ata nang mga sinabi ni Don Vicente ay talagang patutunayan ni Concepcion at Imelda na nais nilang makapagtapos.

Napatingin si Imelda sa gawi ni Benigno, ngumiti ito at tumango napaiwas din nang tingin si Imelda dahil sa nakakailang na sitwasyon hindi pa man sila nagkakatuluyan ay iba na talaga ang pakiramdam niya.

Napuno nang halakhakan at kwemtuhan ang loob nang hacienda Romualdez, pati ang mga serbidora doon ay natutuwa sa kanilang mga pinaguusapan.






********************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan pa ang dalawang kabanata ang kabanata 9 & 10! Dahil sa susunod na mga kabanata ay makikilala na ninyo ang lubos na talagang makakatuluyan ni Imelda Romualdez mga kapana panabik na kabanata.

Please Vote and Follow!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon