Kabanata 54

19.8K 925 118
                                    

Kabanata 54

"Kailan ka pa nakabalik, Isha? Dito ka na ba ulit titira?" tanong ni Minerva nang maupo kami sa tapat ng dati naming tindahan.

Nagdesisyon akong makipagkwentuhan muna sa kaniya sandali at mamaya na lang pumasok sa loob. Na-miss ko rin kasi ang tumambay sa gawing ito ng bahay namin.

Maging iyon ay naroon pa rin at tila walang nagbago. Naisip ko na baka sinadyang hindi ipatanggal ng bagong may ari dahil gusto rin mag-tinda.

"Hindi. Pansamantala lang dahil gusto muna nung anak ko dito kay Nero."

"Ikaw? Gusto mo rin?" tudyo niya, kumukurap kurap pa ang mga mata na mas ikinalitaw ng eyeshadow niya.

"Ikaw talaga. Malapit na kasi ang kaarawan ni Nay Martha at iniimbitahan ako."

"Kung ako sa'yo, dito na lang rin ako titira at babantayan ko ang mag-ama ko. Aba! Masiyadong malandi ang Gwyneth na iyan. Palagi siyang nagpupunta sa bahay niyan nina Aling Martha dahil kay Nero. Pansin na pansin naman kung paano siya iwasan nung isa! Umaasa pa ata siyang babalikan siya ni Nero! Kapal ng mukha!" galit na galit na sabi ni Minerva.

Nagbuntonghininga ako sa hinaing na inilalabas niya.

"Bakit parang galit na galit ka kay Gwyneth, Minerva?" tanong ko.

Hindi ko na gusto pang sabihin sa kaniya na dati kaming magkaibigan ni Gwyneth. Para sa akin, nakakahiyang isipin na ang dating magkaibigan ay naging magkaaway dahil sa isang lalaki.

"Lahat naman ng nagkagusto kay Nero, inaway ko noon. Pati nga ikaw, hindi ba? Pero ikaw lang ang nakasundo ko. Totoong tao ka kasi, Isha. At saka hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pagtulong sa akin noong walang wala kami. Kahit inaaway kita, pinautang mo pa rin ako ng pagkain. Bilang kapalit, binabantayan ko si Nero para sa'yo. Kagandahan lang, hindi siya nagpapatuklas sa ahas na pilit lumalapit sa kaniya. Halatang mahal ka pa rin."

Tipid akong ngumiti. "Binabantayan mo siya kahit na wala ka namang ideya kung babalik pa kami sa isa't isa."

"Hindi, ah! Alam ko! Nung isang beses na kaarawan ni Mang Kaloy doon sa bukid, may inuman at naroon kami. Kasama si Nero sa inuman ng mga matatanda at tinanong siya kung bakit hanggang ngayon, wala pa rin siyang asawa. Alam mo ba ang sagot?"

Tila naging alerto ako sa impormasyon na iyon mula kay Minerva. Napaayos ako ng upo at hinarap siya.

"B-Bakit daw?"

"Sikret! Walang clue!"

Ngumiwi ako na ikinahalakhak niya.

"Charot lang! Ang sabi niya, hinihintay ka pa rin niya dahil ikaw lang ang gusto niya mapangasawa. Naks! Haba ng hair! Nag-Rejoice ka ba, girl?"

Natawa ako ng kantahin niya 'yong sa dating shampoo commercial. Sa kabila noon ay aaminin kong nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko na kahit hindi ako kaharap ni Nero ay sinasabi niya sa ibang tao na ako pa rin. Hanggang ngayon.

"I know that you love still him. I support you! I'm just here you know. If you need resbak, just one call away, okay?"

Kahit buhol-buhol ang pagsasalita ni Minerva ng Ingles ay naintindihan ko pa rin naman ang gusto niyang iparating sa akin.

"Saan kayo titira niyan? Sa bahay ni Nero o dito sa dati niyong bahay?" dagdag tanong niya pa saka itinuro ang bahay sa likod namin.

Kumunot ang noo ko. "Matagal nang hindi sa amin ang bahay na iyan. Hindi ko nga alam kung bakit parang walang may ari samantalang matagal na iyang naibenta."

Kumurap kurap ang mga mata niya, tila naguguluhan sa mga sinabi ko.

"Hala siya! Hindi mo ba knows? Si Nero ang bumili ng bahay na ito. Akala ko nga dito na ulit kayo titira pero lumipas na lang ang mga taon at nariyan lang iyan. Hindi mo pala alam? Oh my gosh, I'm so marites talaga! Huwag mo sabihing alam mo, ha?"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon