CHAPTER 30

43.7K 1.2K 70
                                    

MADELINE


    MAY BRUHA sa harap ko, ang reyna ng reyna ng reyna ng mga bruha ay nasa harap ko ulit. Ang Ina ni Karson na si Karlina muntanga.

"So, you're back." Ngumiti ito sakin. "Let's go inside, I'm excited to see my grandchildren."

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin, paano niya nalaman ang tungkol sa mga bata.

"Let's go inside first." Sabi nito at naunang pumasok.

"May plano 'yang Nanay mong bruha." Sabi ko kay Karson.

"Pasok muna tayo." Inakbayan ako nito pero agad ko yung hinawi. "Boss Madam naman."

Inirapan ko lang siya bago maunang pumasok kaysa sa kanya, hindi ako marupok! Bawal maging marupok!

Nadatnan kong nakaupo sa pang-isahang sofa si Donya Karlina habang ngiting ngiti sa mga bata na nakaupo at nakatingin sa kanya.

"Mom, just tell us, what do you want?" Seryosong tanong dito ni Jomela.

Umupo ako sa tabi ni Jomela.

"I want to say sorry." Lumungkot ang muka nito. "Ginawa ko lahat para maligtas kayo laban sa kanya pero balewala pa rin, nagawa pa rin niya ang bagay na yun na nagawa niya din sakin."

"What are you talking about Mom?" Kunot noong tanong ni Karson na nasa tabi kona.

"Well, Julia–Jillian's Mom is my friend, when we're in college we went to a party with Joel and Ian–Jillian's father, they offered rides–"

"–Sandali." Putol ko sa sasabihin nito. "Tagalog naman, may bobo kayong kasama."

Natawa ito. "Hindi kapa rin nagbabago."

"Go, tuloy."

"Anyway, dahil wala kaming sasakyan ni Julia ay pumayag kaming ihatid ng dalawang magkaibigan, pero nagkamali kami, dahil dinala nila kami sa isang lugar na tago, ginahasa nila kaming dalawa ng salitan." Bumagsak ang mga luha nito. "Ilang araw kaming nasa kamay nila hanggang sa pakawalan nila kami, nagbanta sila na kapag nagsumbong kami ay mamamatay lahat ng malapit samin kaya sinunod na lang namin sila. Makapangyarihan ang Pamilya nilang dalawa at wala kaming takas."

"Months passed, I became pregnant with you Karson, nagalit ang parents ko at pinalayas ako kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit kay Joel, He accept me but I become his sex slave, sinasaktan niya ako kahit buntis pa ako sayo kapag hindi ko siya nasunod. Nalaman ng parents niya na nakabuntis siya kaya pinakasal kami, mas lalo siyang lumala ng maging asawa niya ako, kinawawa at pinahirapan niya ako hanggang sa nakasanayan kona lang." Nagpunas ito ng luha. "Kapapanganak ko pa lang sa'yo Karson, kumuha ng katulong ang Ama mo, pero ang hayop na yun ay binaboy ang mga ito kaya wala akong nagawa kundi ang tulungan silang makatakas, nalaman iyon ni Joel kaya sinaktan niya ako ng paulit ulit."

"Nagbanta siya na kapag nangielam ulit ako ay papatayin ka niya kaya wala na lang akong nagawa...Nakasanayan kona ang gawain niya hanggang sa tumagal kami at dumating ka Madeline sa bahay, kinausap kona ang Tita mo na wag kang palapitin kay Joel dahil alam ng Tita mo ang kahayupan nito, sinungitan kita, pinagmuka ko ang sarili ko na ayaw ko sayo dahil kailangan, ayokong magaya ka sa mga biktima ni Joel lalo pa at kaibigan ko ang Tita mo."

"Buong akala ko ay ligtas kana noong napaalis kita sa bahay at napunta ka sa pangangalaga ni Karson pero hindi pala, gumawa ng paraan si Joel para lang maging biktima ka niya.." Napabuntong hininga ito. "Karson, hindi totoong nagkasakit ka, pinaiinom ka ng gamot ng Ama mo na nakakaapekto sa paggising mo at paghinto ng daloy ng dugo mo, pinlano niya yun para makuha si Madeline at nagtagumpay siya."

"Patawarin mo ako Karson, sinunod ko lang siya dahil ayokong mapahamak kayo pero ang gagong Joel na yun ay binaboy pati sarili niyang Anak! Patawarin mo si Mommy, Jomela, patawarin mo ako kung hindi kita natulungan.." Umiiyak na turan nito. "Si There at Boobay, malaki ang pasasalamat ko sa kanila at tinago at binantayan niya kayo."

"Mom, you lied to me!" Madilim ang mukang sabi ni Karson. "Hindi ka nagtiwala sakin! Kung sinabi mo lahat ede sana hindi mangyayari 'to!"

"I'm sorry Karson, kung sinabi ko sayo lahat ay siguradong papatayin ka nila. Ayokong mawala kayo ng kapatid mo Anak."

"Naiintindihan ko ho kayo." Nilapitan ko ito at niyakap. "Kung ako man ho ang nasa sitwasyon nyo ay gagawin ko yun, salamat po sa tulong nyo sakin."

"Mommy, Thank you!" Nabitaw ako sa yakap ng umepal si Jomela. "Thank you po and I'm sorry. Mahal na Mahal kita Mommy."

Napatingin ako kay Karson na madilim pa rin ang muka, nilapitan ko ito.

"Wag ka ng magalit sa Mommy mo, magulang lang siya." Tinulak ko siya palapit sa Mommy niya. "Yakap na, wag maarte at baka makurot sa itlog."

Inirapan lang ako nito bago yakapin ang Ina.

"S-Sorry Mom.."

Mabait naman pala si Bruha, lahat kami ah biktima lang ng akala mong Anghel na si Joel.

Tangina niya, ipapipiga ko Talong niya kay Karson.








A/N: BAWI AKO TOM!

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon