Chapter 2

2.4K 79 13
                                    

"Let's ditch?" anyaya ni Archie sa akin isang araw.



Si Archie lang ang baklang kaibigan ko sa school.



"Steno na naman kasi." Lumabi pa siya kaya napangisi ako at binigyan siya ng thumb sign.



Luminga ako sa paligid. As usual, halos lahat ng mga school mates namin ay nakatingin sa aming direksyon ngunit kaagad na nagsi-iwas nang dumapo ang aking tingin sa kanila. Lumawak ang ngisi ko at hinarap muli ang kaibigan kong hinihintay na rumisponde ako.



"Sino ba'ng hihindi sa 'yo? Hali ka na!"



Kumapit ako sa braso ni Archie at akmang hahatakin siya nang may narinig akong baritonong boses mula sa kung saan.



"Planning to ditch my class again, huh?" I was cut off guard because of that familiar baritone voice. "Miss Clarkson, in my office... now!"



Humugot ako ng malalim na hininga at napairap sa hangin nang banggitin niya ang apelyedo ko. Binitiwan ko si Archie dahil sa inis 'tsaka hinarap si Sir  Evans. Naiinis na talaga ako dahil bakit sa dinami-rami ng guro sa unibersidad ay ang pinaka-terror pa ang naging Steno teacher namin!



I really hate Steno talaga! Hindi naman sa pagiging judgemental pero feeling ko ay noodles lang ang sinusulat ko! Ang hirap intindihin!



"Let's talk in my office, Miss Clarkson."



Iyon ang huling sinabi ni Professor Evans bago kami tinalikuran ni Archie. Pinukol ko ng masamang tingin ang likod niya dahil sa matinding pagkairita. Hindi naman nakakapanibago ito. Mabuti na lang talaga ay hanggang office niya lang ang bagsak ko, hindi na umabot sa Dean's office.



"Ikaw na naman ang pinatawag ni Sir?" natatawang saad ni Archie.



"Hindi na nakakapanibago iyon," tanging sabi ko lang.



"Pansin ko talaga... bakit ikaw ang pinapatawag niya sa office palagi kahit dapat ay kami rin? Oh gosh! Don't tell me... may namamagitan sa inyo?!"



Binatukan ko si Archie dahil sa sinabi niya. "Gaga ka talagang bakla ka! Hindi ako papatol do'n, 'no! Parang may regla araw-araw! At ayoko rin naman sa kaniya, ang tanda na kaya niya!"



"Age doesn't matter, Ellai! Siyam na taon lang din naman ang gap ninyo! Ikaw talaga! Guwapo rin kaya si Sir! Parang si Lucky Blue Smith! Mala-American Model! Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging seryoso niya! Kung ako sa 'yo, Ellai, susunggaban ko si Sir! Bakit 'di mo subukang akitin siya? Baka tumaas pa ang grades mo sa Steno! Matalino ka pa naman sa ibang sub natin pero pagdating sa Steno ay lagi kang bagsak!" Tumawa pa siya.



"Duh! Ano 'yan? Student-teacher? Kadiri oy! Ayoko sa mga ganiyan! Asa namang papatol ako sa gurong katulad niya!" Umiling kaagad ako.



"Aywan ko sa 'yo!" Archie hissed and rolled his eyes to me. "Sige na! Umalis ka na! Baka mas bumaba pa ang grades mo sa Steno 'pag hindi mo sisiputin si Sir sa opisina niya!"



"Ikaw kasi, eh!" paninising sabi ko sa kaniya.



Humalakhak siya. "Hindi ko na problema 'yan! Ikaw lang ang pinapapunta ni Sir sa opisina niya kasi crush ka niyon! Naku, ah! Huwag mong ilihim sa akin kung sakaling magkaroon kayo ng relasyon!"



"Gaga! Hindi, 'no!" Nanlaki ang mga mata ko. "Bawal 'yan!" singhal ko sa kaibigan. "Sige na, alis na ako!"



Ngumisi siya. "Good luck, Mrs. Nephele Rai Clarkson-Evans!"



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now