Kabanata 9

58 6 2
                                    

Umaga na nang magising si Imelda at nakangiting binuksan ang bintana, natamaan siya nang sinag nang araw nang lalong nagpasigla sa kaniya.

Isinara na niya ang librong hawak niya kanina pa, isang libro na may kinalaman sa politika mahilig din siyang magbasa tungkol sa mga politika sapagkat ang kaniyang pamilya ay may pangarap sa politika lalo na ngayon ang kaniyang ama ay nanalo sa pagiging congressman sa tacloban nanalo naman si Benjamin sa Leyte bilang congressman.

"Imelda, halika na nakahanda na ang mga pagkain" aya ni Concepcion.

"Susunod ako, Ate Concepcion" nakangiting tugon ni Imelda.

Napangiti naman si Concepcion at tumango na ito, nakangiting itinabi ni Imelda ang librong hawak at lumabas na sa silid na iyon.

Pagbaba niya naabutan niya si Don Vicente, Armando, Alfredo, Alita at Concepcion hindi na nila kasama si Benjamin dahil umuwi din ito ng Leyte upang ipagpatuloy ang pagiging congressman.

Umupo naman si Imelda sa tabi ni Alita, "Sa sabado ay gaganapin ang pagpapasalamat bilang congressman ko" saad ni Don Vicente.

"Talaga po ama? Saan naman po gaganapin?" tanong ni Alita.

"Dito anak, nais kong maayos ang inyong mga kasuotan siya nga pala marami din akong inimbitahang bisita" saad ni Don Vicente.

Napatango naman ang magkakapatid, "Natutuwa ako ama, dahil naging congressman ka batid ko ama magiging maganda ang iyong pamumuno sa kongreso" nakangiting wika ni Armando.

Tinapik naman ni Don Vicente ang balikat ni Armando na ikinangiti nito, "Kaya nga, aking inaasahan din ang mga plataporma ni ama bilang congressman" nakangiting wika ni Concepcion.

"Ama, imbitado po ba ang mga Aquino?" tanong ni Alfredo sabay tingin kay Imelda na nakakunot naman ang noo nito.

Natawa namang nakatingin si Don Vicente kay Imelda at Alfredo na ngayon ay mukhang mag aaway pa.

"Oo anak, ikinagalak nga din nila na naging congressman ako dito sa tacloban nang mabalitaan nila sobrang tuwa nila" nakangiting wika ni Don Vicente.

"Ikaw talaga Kuya Alfredo, palagi mo nalang inaasar si Imelda" saad ni Concepcion.

Napailing iling naman si Don Vicente at nakangiting pinagmamasdan ang mga anak na talagang nakakatuwa dahil mga binata at dalaga na ito.




"Binibining Imelda, narito po si Ginoong Benigno" saad nang serbidora.

Nanlaki naman ang mga mata ni Imelda dahil hindi niya inaasahan na bibisita nang hapon si Benigno at isa pa hindi pa siya naka ayos.

"P-pasukin mo na..." nauutal na saad ni Imelda.

Pumasok naman si Benigno na nakangiti, lumabas naman ang serbidora at isinara ang pinto napabuntong hininga naman si Imelda.

"Hindi ka na tumutugon sa aking liham" saad ni Benigno at napasilip sa bintana.

Tahimik naman na nakayuko si Imelda at pinipisil pisil ang sariling kamay nito.

"Paumanhin nabigla kita, sinabi ni Don Vicente na puntahan nalang kita dito sa iyong silid" saad ni Benigno.

Tumayo naman si Imelda at sinilip ang kanilang serbidora kung naroon, naabutan niyang nakatayo ang serbidora at napangiti pa ito sa kaniya tumango naman si Imelda at isinara na ang pinto.

"Wala naman akong gagawing masama sa iyo, iginagalang ko ang iyong pagkababae at isa pa hindi pa tayo nakatakdang ikasal" natatawang saad ni Benigno.

"Ginoo, paumanhin sa aking hindi pagtugon sa iyong mga liham dahil sa ako'y maraming gawain" saad ni Imelda.

Tumango naman nang ilang ulit si Benigno at inilagay ang kamay sa kaniyang likuran.

"Binibining Imelda, sa tingin mo ba may pag asa pa ba ako sa iyo? Hindi naman sa ako'y pagod na ngunit nais kong malaman" tanong ni Benigno.

Nakayuko namang umupo si Imelda at muling hinarap si Benigno.

"Sa totoo lang hindi ko alam, Ginoo ngunit kung talagang ika'y marunong maghintay at mag tiyaga hindi ako magdadalawang isip na sagutin ka ngunit kung ang tadhana na mismo ang gumagawa hindi ko batid ngunit baka wala na" saad ni Imelda.

Malungkot naman na tumango si Benigno hindi niya batid ngunit natatakot siya na baka hindi mapa sakanya si Imelda.

"Binibini, ako'y magpapaalam na" saad ni Benigno.

Tumango naman si Imelda at agad ding lumabas nang silid si Benigno at malungkot na isinara ang pinto tila durog na durog ang puso niya sa hindi malamang dahilan.




Nasa hardin ngayon si Imelda at tinititigan ang mga bulaklak at halaman hindi niya lubos maisip na may lalaking hindi marunong maghintay.

"Baka matunaw ang mga halamat at bulaklak" natatawang wika ni Armando.

Napangiti naman si Imelda at napalingon sa kaniyang kuya Armando, lumapit naman nang kaunti si Armando.

"May problema ka ba?" tanong ni Armando.

Napailing naman si Imelda, natawa naman nang bahagya si Armando.

"Sa aking nakikita mayroon kang problema, hindi mo yan malalagpasan hanggat hindi mo naisasabi yan sa handang makinig sa problema mo" saad ni Armando.

Hinaplos ni Armando ang ulo ni Imelda at napayuko ito, "Kagaya nga nang mga halaman kung hindi mo didiligan tuluyan itong masisira" saad ni Armando.

"Paano kung ang isang lalaki ay hindi marunong maghintay, Kuya?" tanong ni Imelda.

"Sa aking palagay hindi lang niya kayang maghintay batid mo naman na iba na ang sistema nang mga kalalakihan" saad ni Armando.

Tumango naman si Imelda, "Maghintay ka lang baka hindi siya para sa iyo at may nakatadhana talaga na para sa iyo" saad ni Armando.

Ngumiti naman si Imelda at pumitas nang isang bulaklak, "Nagpaalam ka ba sa mga bulaklak na iyan? Baka magtampo sila" natatawang wika ni Armando.

"Mga bulaklak, pumitas lamang ako nang isang bulaklak sana ako'y inyong payagan baka magalit si Kuya Armando sa akin" nakangiting wika ni Imelda.

Natawa naman nang bahagya si Armando halos mapaubo na ito na tila ba mapapaos ang boses sa kakatawa.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Armando.

"Hindi pa, Kuya Armando hindi ako makatulog siguro ay magbabasa na lamang ako ng libro" saad ni Imelda.

"Pagbutihan mo ang iyong pagbabasa, batid kong balang araw magiging isa kang magaling sa politika" nakangiting wika ni Armando.

Natawa naman si Imelda at inamoy amoy ang bulaklak, "Malabo iyon, Kuya Armando" saad ni Imelda.

Napailing iling naman si Armando nababatid niyang magiging isa si Imelda sa mga politikano dahil sa mahilig itong magbasa at talagang may pangarap si Imelda.




******************
#HeStealABeautifulButterfly

Abangan ang kabanata 10! Salamat sa sumusuporta nang aking story malapit na makilala ang magpapatibok sa puso ni Imelda Romualdez!!!!

Basahin niyo na rin yung iba kong story yung "My Old Rose, MyOld Love" & "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" add to library niyo na rin wag kayong magsawang sumuporta.

Please Vote and Follow!

SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon