Chapter 28

1.2M 26.3K 13.9K
                                    

Chapter 28

"Princess, are you fine?" tanong ni Dana kay Alys. Paano ba naman hindi magtatanong si Dana eh tulala si Alys simula pa kanina!

"Y-yes, mommy. Nauuhaw lang po ako," sabi niya sabay lakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. 

Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Napaupo na lang si Alys sa isa sa mga stool sa harap ng kitchen counter nila.

Hindi niya namalayan, naiiyak na pala siya.

Si Alys Zyril Perez? Hindi yan basta basta umiiyak. Iiyak lang yan kapag sobra sobra na yung nararamdaman niya. Ang kaya lang naman magpaiyak jan ay si Dana. Ang mommy niya lang. Sa buong buhay niya, tatlong beses pa lang siya umiyak. Nung una, nung malaman niya na buntis ang mommy niya dahil natakot siya na baka hindi na siya pansinin. Pangalawa nung pinadala si Dane sa America. Namiss niya eh. Kahit halos magpatayan na yang dalawa na yan, mahal nila yung isa't isa. Four years din kasi yung tanda ni Alys kaya malaki ang age gap. At yung huling iyak ni Alys? Yung nag away si Andy at Cyiel. Grabe! Natakot si Alys kasi baka may umalis na isa sa daddy niya. Daddy's girl kasi yan. Sobrang iyak niya nun. Buti na lang nagbati agad si Cy at Andy. Halos hikain na kasi si Alys nun.

Pagkatapos uminom ng tubig, lumabas muna si Alys para magpahangin. Grabe lang kasi. Parang ang sakit sakit lang na akala mo meron na pero joke lang pala.

//

Flashback 

"Besh! Tara na, hinihintay na tayo sa simbahan!" sigaw ni Aya kay Alys.

Tumakbo naman si Alys papasok sa kwarto niya para kuhanin yung pink pumps niya na regalo sa kanya ng Tita Nof niya. Yun kasi ang isusuot niya para sa kasal nila Tito Steve at Tita Katrina.

"Ang bagal bagal naman nito oh!"

"Eh sino ba kasi ang nagsabi na hintayin mo ko??"

"Ewan ko din!! Tsaka wala akong kakilala dun kaya bakit ako pupunta mag isa??" sabi ni Aya.

"Fine. Tara na nga!" sabi ni Alys tapos pumasok na sila sa sasakyan. Ihahatid kasi sila ng mommy ni Aya papunta sa simbahan.

Ngayon na ang kasal ni Tito Steve at Tita Katrina. Teka, ilang araw na nga ba simula nung "I am territorial" moment ni Drake at Alys? Dalawang linggo na yata yung nakakalipas!

May nagbago ba? ABA MERON!! Sabay naglunch si Alys at Drake for like two times? Like it's so OMG!! Hahaha! Kung nakita niyo lang ang mukha ng like girls nung mga panahon na yun, mapapa rolling on the floor while laughing kayo, swear!! Bakit sila nagsabay?? Eh kasi nga, dapat aayain ni Sheen mag lunch si Alys dahil absent si Aya pero anyareh? Palapit pa lang si Sheen, bigla ng hinatak ni Drake si Alys. Ayan tuloy! Lunch silang dalawa under the tree 💗 Yung tree na pinagka kitaan ni Alys na nambasted ng babae si Drake. Oh, memories!

Ngayon nga, pupunta na sila sa simbahan dahil sa wakas, kasal na ni Pedo at Tito Steve!! Siguro naman magiging maliwanag na kay Drake na HINDI sila pwede ni Peds??

"Nuxx, ang pogi natin ngayon ah!" sabi ni Aya kay Tito Steve. Nawweirduhan pa din talaga si Alys sa friendship ni Tito Steve at Aya. Nakaka curious eh!! Di ba nga nag movie date pa sila sa Dear Spongebob??

Ngumiti lang si Tito Steve. Kinakabahan kasi siya! Wala pa si Katrina sa simbahan eh. Nako, if i know, nagpapaganda lang yan! Yun naman ang panglaban niya kay Tito Steve eh, ang kanyang kaakit akit na kagandahan. Nuxx lang!

"Sige, upo muna kayo dun. Nandun yung wedding coordinator," sabi ni Tito Steve kila Alys tapos nagpunta na sila Alys dun sa gilid. 

Nagpunta na si Alys sa gilid para sa final instructions nung coordinator habang si Aya ay naupo na. Hindi kasi kasali sa entourage si Aya. Pinipilit nga ni Tito Steve pero umayaw. Luka luka kasi! Ayaw mag gown -_- Minsan para talagang may sira sa ulo yang babaeng yan!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon