Special Chapter No. 2

604K 9.6K 6.3K
                                    

Special Chapter No. 2

Part 1

Cyriel's Point of View

"Sir Cyriel, sir Clarence is outside."

Napatigil ako sa pagbabasa ng proposal kasi napatingin ako sa secretary ko. Tss. Nandito na naman si Clarence. Bubulabugin na naman ako nung matandang bakla na yun.

Tumango na lang ako kasi siguradong mag iinarte na naman yun pag hindi ko siya pinapasok. Kaya kami na iissue na may relasyon dito sa office eh. Langya nakakadiring isipin!

"Hey, brother," sabi niya tapos umupo siya sa couch sa office ko. Feel at home talaga 'to! May office naman siyang sarili. 

"Problema mo?" sabi ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Ang dami ko kasing kailangan na pirmahang papel eh. Kailangan ko din kasing magsipag. Galit pa din kasi sa akin sila Mom at Dad nung nalaman nila yung tungkol kay Ynna..

"Kasi naman yung isang iddate mo, yung Rochelle Jenna? Nyeta naman, idate mo na! Nung isang araw pa kasi kinukulit si Kim!"

"Oh, eh si Kim naman pala yung kinukulit eh!"

Minsan tinatanong ko na lang kung bakit eto pa naging kapatid ko? Sumasakit lalo ulo ko eh!

"Dude naman, hindi kami makapagsexy time ni babe! Aba kailangan na naming sundan si Clarise," sabi niya habang nandun na naman yung kalaswaan sa mukha niya. Tss. Nakakadiring kapatid talaga 'to!

"Manyak mo talaga."

"Gwapo pa din."

"Bading."

"Lul. Ako pa naging bading. Ano tawag sa inyo nila Dave at Andy? Sisterettes?"

"Tangina, Clarence, mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!"

Tapos tumawa siya ng tumawa. Tss. Kawawa talaga yung pamangkin ko. Abnormal ang tatay. Buti nakakatagal si Kim at Clarise sa baliw na takbo ng utak nitong unggoy na 'to.

Tapos tumayo na siya at naglakad palabas, "pag namiss mo ko nasa floor lang ako sa taas nito ha?"

Binato ko ng nameplate ko, "lumayas ka na nga!"

"Hehehe. Love you, baby brother!"

Tss. Nakakasira ng araw!

//

"I'll take the rest of the day off," sabi ko sa secretary ko.

"Alright, sir. What will i say if someone asks about your whereabouts?"

"Tell her i'm with my wife."

Lumabas na ako ng building tapos dumiretso sa carpark. Bigla ko kasing namiss si Ynna. Pumasok na ako sa sasakyan ko ng biglang mag ring yung phone ko.

Your little princess

calling...

"Baby."

("Dad!")

"Oh, why did you call?"

("Si daddy kasi inaaway ako!!")

"Ano'ng ginawa ng daddy mo sa'yo?"

("Aalis kasi sila ni mommy bukas ng gabi, gagawa na daw sila ng baby. Matanda tsaka pangit na daw kasi ako..")

Hindi ko mapigilang matawa kay Alys. Kahit 7 years old na, isip bata pa din. Spoiled na spoiled kasi kay Andy eh. Aba dapat lang. 

"Naniwala ka naman kay Andy? Alam mo namang may pagka abnormal yung daddy mo eh."

("I know, dad! Kainis si daddy eh, buti na lang binilan niya ako ng madaming madaming chocolates kanina. Hehehe.")

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon