/60/ The Chain Gang

266K 9K 3.8K
                                    


Naunang naglakad si Cairo nang bumukas ang malaking pintuan ng elevator

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naunang naglakad si Cairo nang bumukas ang malaking pintuan ng elevator. Nasa underground level C kami, ang pinakailalim na parte ng Mnemosyne Institute, ito yung lugar na tinatawag nilang 'Bastille' isang underground prison cell para sa mga Peculiars na kagaya kong... kagaya kong sumusuway sa sistema nila. Unlike HGPs RM na mga seldang bakal ang pinaglalagyan, the Bastille's cells are closed, may mahigpit na security system at guards na nagbabantay. Kung ikukumpara ang temperature sa itaas, di hamak na sobrang lamig dito, parang nasa loob ng refrigerator na halos maaabot na ang freezing point.

C-3

Cell number three. Dito kami huminto, may pinindot siyang mga numero at dahan-dahang bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magpasalamat sa kanya dahil sa ginawa niya kanina, kung hindi niya pinigilan kanina si Lady Margaux, patay na siguro ako ngayon. He insisted that this is the board's order, kaya hindi ko rin alam kung may utang na loob ba dapat akong tanawin sa kanya.

"You don't need to thank me."

"Hobby mo na talagang mang-intrude ng iniisip ng ibang tao ano?"

"Ididischarge ka rin tomorrow, para iextract sa'yo yung Culomus."

"May gusto sana akong itanong."

"Go ahead."

"Anong gagawin nila sa'kin... kung makuha na nila yung Culomus."

"You're not a Peculiar anymore by that time and you are not allowed to go back anymore. Ang patakaran dito, walang sinumang normal na tao ang maaaring makalabas na may dala-dalang impormasyon. Marami ka ng masyadong alam, Jill Morie, I am afraid that they'll 'dispose' you afterwards."

"I see." Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan naming dalawa. Huminga ako ng malalim. Sa mga oras na 'to, alam kong alam ni Cairo kung anong iniisip ko, alam niya siguro na nawalan na 'ko ng pag-asa, that this time I completely accepted my defeat.

I'm hopeless.

"Hey."

"What?"

"Please take care of her." Alam kong nabigla siya sa sinabi ko, hindi siya kaagad nakapagsalita, "Hindi ko man kayang basahin ang isip mo pero alam ko...alam kong mahal mo ang kapatid ko. Kaya naman... kung papatayin nila 'ko pagkatapos nilang makuha yung Culomus... Ikaw na ang bahala kay Ate Karen."

Cairo just smirked, "What are you saying." Humakbang ako papasok sa loob ng selda. Lumingon ako sa kanya bago sumara ang pinto, walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha, "Don't worry, I'll take care of her." Ngumiti ako nang sumara na 'yon, at least sa huling pagkakataon ng pag-uusap naming dalawa nagkasundo kami.

Pitch Black.

Wala akong makita na kahit ano, sobrang dilim, sobrang lamig, wala akong ibang magawa kundi yumakap sa sarili habang dahan-dahang napaupo sa konkretong sahig. Well, the day after tomorrow, I'll finally reach my end. What I am supposed to feel now? I don't know. Basta alam ko sa sarili ko tapos na talaga ang laban. Ilang beses na rin ba kong muling tumayo at lumaban? Ilang beses na ba nila 'kong napatumba? Nakalimutan ko na.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon