Kabanata 55

20K 909 92
                                    

Kabanata 55

Pinilit kong kumawala mula sa pagkakayakap sa akin ni Nero. Sa isang marahang tulak ko sa balikat niya ay napaatras na siya na para bang nanghihina siya.

"M-Matutulog na ako. S-Sure na." pigil ang hiningang sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Malalaki ang naging mga hakbang ko palayo sa kitchen. Ni hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil abot-abot na ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko pa ay naninikip na ang dibdib ko lalo pa at nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa akin.

His kisses... it still feels the same. It suddenly brought me to the day his lips first landed on mine. I felt the raging fire burning us again as we both go down to smoke. He woken up all my senses again that only him can do.

Paano na, Isha? Hanggang kailan ka magmamatigas? Hanggang kailan mo kakalabanin ang sarili mo pagdating sa kaniya? Hanggang kailan mo ipagduduldulan sa isip mong hindi na kayo puwede gayong hayan ka at harap harapan kung bumigay sa kaniya.

Dali-dali akong umakyat sa hagdanan. Binuksan ko ang kwarto, pumihit at astang isasara na ito nang bumungad sa akin si Nero. His hands were leaning flatly against the door like he's stopping me to close it.

He was staring at me... dark and icy. Sumimangot ako pero hindi pa rin nagbabago ang ekpresyon ng mukha niya.

"Matutulog na nga ako!"

His smoldering eyes were laced with sarcasm and mockery.

"How dare you say that after telling me that you're fucking jealous? Hindi mo na naman ako patutulugin?"

Umawang ang labi ko. "Teka lang. B-Bakit parang kasalanan ko? Nagtatanong ka kung nagseselos ako, hindi ba? Bilang honest ako, sinabi ko."

"Yeah?" The edge of his natural red lips raised in a sexy smirk. "Let's take advantage of your honesty then."

Marahan niyang itinulak ang pintuan at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.

"Sandali! Trespassing ka!"

"You're in my house." walang pakialam na sagot niya habang dire-diretso lang sa pagpasok.

"Oo nga naman, Isha..." bulong ko sa sarili ngunit kaagad rin nakabawi. "Edi sa'yo na! Hindi ko naman inaangkin!"

"This will be yours, too." kaswal na sagot niya at naupo pa sa gilid ng kama. "Right after we get married."

My eyes blinked repeatedly at his words.

Get m-married?

Nakatuon ang dalawa niyang kamay sa likuran niya habang ang isang binti ay nakataas, mapaglaro niya akong pinagmasdan.

Malalaki ang naging hakbang ko papasok habang nakatingin sa kaniya. Ni isang segundo ay hindi niya inalis ang mga mata sa akin.

"Get married? Ni hindi nga tayo." sabi ko at hilaw na natawa.

Imbes na lapitan siya ay nagdesisyon akong lumabas sa balkohane. Mabilis na yumakap sa akin ang panggabing hangin. Itinuon ko ang mga kamay sa railings at pilit na nilanghap ang hangin.

Mas lalo ata akong hindi makakahinga dahil sa pinagsasabi nitong si Nero. Inamin ko lang na nag seselos ako pero heto at iniisip na kaagad na magpapakasal kami. Ako ata ang hindi niya patutulugin.

Tanaw ang malawak at madilim na bukid na siyang liwanag lang ng buwang ang nagsisilbing ilaw, halos manigas ang katawan ko sa kinatatayuan nang maramdaman ang mga kamay ni Nero sa na yumakap paikot sa aking bewang.

Pumikit ako nang mariin, hihimatayin na ata sa kaba at pagwawala ng mga uod sa tiyan ko.

"Care to tell me why you're jealous?" he asked through a husky whisper.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon