Chapter Twenty Three

26.6K 1.2K 541
                                    

Yves's pov




"Yuan go get your bag, baka ma late tayo." Utos ko kay Yuan. Mag aalas otso na kasi, sinadya kong tagalan ang kilos ko para hindi kami maabutan ni Miss Cleomonte at umuna na siya.

Halos isang linggo na din ang pag iwas na ginagawa ko. Nag titingin na din ako ng mga bakanteng apartment na pwedeng upahan na malapit lang sa school naming dalawa ni Yuan.

May ipon nanaman din ako kaya makaka upa na kami agad kapag may nakita na akong sakto para sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Goodmorning po Master ni Ate!" Rinig kong bati ni Yuan kay Miss Cleomonte na kakababa lang ng hagdan. Binati naman ng isa ang kapatid ko bago mag tungo dito sa may kusina kaya nataranta ako at nag kunyare nalang nag huhugas ng plato.

"Goodmorning." A cold voice greeted me. Kinakabahan akong lumingon sa kaniya at tinanguan lang siya.

Medyo nahurt pa ako sa sinabi niya nung isang araw kaya hindi pa niya deserve na I greet back. Charot, sadyang ayaw ko lang siyang batiin baka kasi maging marupok ako eh. Ang ganda pa naman niya pag umaga, fresh na fresh kahit wala pang make up.

"I said goodmorning." Muli nitong turan. Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"M-morning M-Ma'am." Nauutal kong bati pabalik para umalis na siya pero I was wrong. Imbes na umalis ay mas lalo pa itong lumapit sa akin at hinapit ang bewang ko.

"Why are you ignoring me?" She whispered to my ears. Napalunok naman ako.

"Ate I'm ready na po!" Sigaw ni Yuan kaya nag papasalamat ako sa timing niya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Miss Cleomonte.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasaktan ako sa sinabi niya sa akin the other day dahil alam ko naman na hindi siya aware sa feelings ko.

"Very good baby, tara n--"

"Wait for me Yuan, I'll drive you both to school." Putol sa akin ni Miss Cleomonte at tinitigan muna ako ng sandali bago dahan dahang inilapit ang labi niya sa labi ko pero bago pa man mag lapat ang labi namin ay iniiwas ko ang mukha ko kaya sa pisnge ko tumama ang labi niya.

"Ako na po ang mag hahatid kay Yuan." Mahina kong saad at lumayo sa kaniya pero agad niya din hinawakan ang braso ko para hindi ako maka layo.

"I said I'll drive you both to school." Pigil nito sa akin. Umiling iling naman ako.

"Hindi na po kailangan Ma'am. Kay Damian nalang po kami mag papaha---"

"Are you disobeying me, slave?" She asked, raising her eyebrows at me.

Slave... that word again.

"No Master. I'll just follow what you instructed as if naman may choice ako." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya bago lumayo.

Kita ko ang pag kagulat sa mata niya bago lumambot ang ekspresyon niya. Her lips parted and she was about to speak pero agad na akong umalis para lumapit kay Yuan na nag tatakang naka tingin sa amin.

"Come on sweetie, let's wait in Miss Cleomonte's car." Saad ko kay Yuan at hinawakan ang kamay niya. Dumiretso kami sa kotse ni Miss Cleomonte at tahimik lang kaming dalawa ni Yuan habang nag iintay sa kaniya.

Nararamdaman din ata ni Yuan na wala ako sa mood kaya hindi na siya nag tanong.

Haish...

Bakit ba kasi ako nasasaktan? Ilang linggo ko na 'tong ginagawa hindi ba dapat sanay na ako?

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon