Kabanata 12

80 9 3
                                    

Tatlong araw ang lumipas at dumaong na ang barko sa maynila, dumami din ang mga amerikano na naroon maririnig mo talaga ang mga english language nila.

Pagbaba pa lamang nang barko nang pamilya Romualdez ay kitang kita sa ngiti ni Imelda na muli siyang nakauwi nang maynila at ang tuloy nila ay sa San Miguel, Manila.

"Narito na tayo" nakangiting saad ni Armando.

"Kuya Armando, mukhang dito na yata gaganapin ang iyong kasal" pang asar ni Alita.

Nagtawanan naman sila dahil napakunot ang noo ni Armando, dumating naman ang kalesa ng pamilya Romualdez na sasakyan nila patungo sa bahay nila sa San Miguel.

Malayo layo din nang kaunti ang San Miguel madadaanan mo din ang intramuros at mga simbahan na naroon, marami rami na rin ang tao sa daungan dahil hapon na.

Sa bawat gilid nang kalsada ay may mga nagtitinda nang kung ano ano, may mga nag aalok din at may mga kainan sa gilid.

Agad na sumakay sa kabilang kalesa ang tatlong magkakapatid sunod naman sila Don Vicente sa isang kalesa.




Isang oras bago narating ang bahay nila sa San Miguel, Manila wala pa rin namang bago bukod sa maganda ganoon pa din naman.

Bumaba nang kalesa ang tatlong magkakapatid at agad ding pumasok sa loob nang bahay nila sunod namang huminto ang kalesang sinasakyan nila Don Vicente at bumaba din sila agad, nakangiti silang pumasok at sinalubong ng mayordoma nila.

Tinulungan naman sila ng kanilang mga serbidora na iaakyat ang mga bagahe nila dahil iniutos naman iyon ng kanilang mayordoma na tulungan sila Don Vicente.

Panibagong araw at taon na naman para kay Imelda ang makauwi muli sa maynila tila isang bagong kuwento na naman ang tatahakin niya.

"Imelda, ayusin mo na ang iyong mga gamit upang makakain na tayo" utos ni Concepcion.

Tumango naman si Imelda upang ayusin na niya ang mga kagamitan niya, nag aayos din sila Don Vicente nang kanilang mga kagamitan.





Filipinas, Abril 6,1954 (Ang Unang Pagkikita)

"Halika na at baka mahuli tayo sa congress" saad ni Don Vicente na halatang nagmamadali na.

Suot ni Imelda ang baro't saya na kulay puti, nakapaikot naman ang buhok nito na dinisenyuhan nang panyeta at dala din niya ang abaniko niyang puti.

Agad ding sumakay sila, nagbilin si Daniel ang pinsan nila na agahan nila dahil maraming tao ang dadalo sa philippine congress.

Agad silang sumakay nang kalesa at pinatakbo ng kanilang kutsero, hindi na sumama si Armando at Alfredo dahil may mga gawain pa sila na kanilang tatapusin.

Nakangiting pinagmamasdan ni Imelda ang bawat daanan na kanilang nadadaanan, si Concepcion at Alita naman tahimik nilang pinagmamasdan ang kapaligiran kasabay nang pag galaw nang kalesang sinasakyan nila.

Ilang minuto pa ay narating na nila ang congress kung saan gaganapin ang budget hearing, pagkababa nila nang kalesa sa labas palang binabati na ang kanilang pamilya.

"Don Vicente" nakangiting bati nang isang matabang lalaki nakasuot ng barong tagalog at talagang makikita mo ang pagiging dugong espanyol nito.

"Ikinagagalak kong makita kayo" bati ni Don Vicente at kinamayan pa niya ang taong iyon.

Binati din nila sina Alita, Concepcion at Imelda, pagpasok nila sa loob isang mahabang lamesa na paikot ngunit pahaba ang makikita mo kulay asul na tela ang nakabalot sa mesa at mga upuan na binalutan nang puting tela.

Marami rami na din ang mga dumalo sa budget hearing na pangungunahan ni Ferdinand E. Marcos.

"Umupo na po kayo, Don Vicente" saad nang babaeng nakasuot nang filipiniana.

Tumango naman si Don Vicente at pinaupo na ang tatlong anak, nakangiti pa ring binabati si Don Vicente.

"Vicente, halika muna rito ating pag uusapan ang mga pangyayari sa pamahalaan" aya nang isang matabang Don.

Tumango naman at sumunod si Don Vicente, "Concepcion, dumito muna kayo ni Imelda magtutungo lamang ako sa palikuran" saad ni Alita.

Tumango naman si Concepcion at agad namang umalis si Alita patungo sa palikuran, panay naman ang paypay ni Imelda nang abaniko.



Maya maya lamang ay may isang lalaking pumasok at nakasuot nang barong tagalog, moreno, matangos ang ilong, hindi gaano katangkaran at talagang makikitaan mo nang taglay na kagwapuhan.

Umupo ito sa tapat nang lamesa nila ni Concepcion at Imelda, nahagip nang mga mata nang lalaking iyon si Imelda tila ba bumilis ang tibok ng puso nito nang makita si Imelda.

Napalingon si Imelda sa lalaking iyon na tila ba may nais sa kaniya, napatakip nang abaniko sa bibig si Imelda.

"Imelda, mukhang may gusto sa iyo ang isang iyon" turo ni Concepcion at pabulong lamang niya itong sinaad.

Napakunot naman nang noo si Imelda dahil sa isinaad ni Concepcion, panay naman ang tingin nang isang lalaking iyon kay Imelda ngunit umiiwas din ito kapag lilingon na si Imelda sa kaniya.

"Nakakailang..." pabulong na wika ni Imelda.

Kinurot naman ni Concepcion si Imelda, "May itsura naman, nako Imelda parang isang buwan lang tayo nakauwi dito mukhang may nais na naman manligaw sa iyo" natatawang wika ni Concepcion.

Nagpalingon lingon naman sa paligid si Imelda at bumulong muli kay Concepcion.

"Tila ba isang kahibangan kung iibig ako sa isang iyan, hindi kami pantay" wika ni Imelda.

Napalingon muli ang isang lalaki na nasa tapat nila ngunit nababatid na nito na mukhang pihikan si Imelda sa isip isip nang lalaking iyon na kahit pa gaano kapihikan si Imelda ay nanaisin pa din niyang pakasalan iyon.

Napangiti ang lalaki nang palihim ngunit nang lumingon siya kay Imelda ay nakatingin ito napatakip sa mukha ang lalaki dahil sa kahihiyan.

Panay pa rin naman ang paypay ni Imelda sa sarili dahil pinagpapawisan na siya sa nakakailang na tagpong iyon.

Tinawag ang lalaking iyon nang isang Don na pangunahan na niya ang budget hearing, umupo naman si Don Vicente at nakatingin na sa gitna kung saan umupo ang isang lalaki.

"Good morning everyone, I'm Ferdinand Emannuel E. Marcos..." pakilala ni Ferdinand sa sarili sa harap nang maraming tao.

Napapaikot na lamang ang mata ni Imelda kapag napapalingon si Ferdinand sa kaniya ngunit naiilang pa rin si Imelda dahil sa mga tingin ni Ferdinand sa kaniya na kaniyang dapat na iniiwasan.




********************
#HeStealABeautifulButterfly

Hello! Salamat sa pagbabasa dumadami ang viewers pero kaunti ang votes ayos lang pagpapatuloy ko pa din ito comment down kung may problema o mali sa story ko.

Ayan na! Si Imelda natagpuan na niya ang magpapatibok sa kaniyang puso! Abangan ang kabanata 13 sa mga nais bumasa nito.

Basahin niyo na rin ang first story ko ang "My Old Rose, My Old Love" (complete) & "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (Ongoing) add to library niyo na rin.

Don't forget to vote and follow me!

SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon