Chapter Twenty Four

26.4K 1.1K 566
                                    

Yves's pov




I took a deep breath and just stare at her closed door. Hindi ko alam kung bubulabogin ko pa ba siya or huwag na pero ang sama naman ng ugali ko kung hindi ako mag papaalam sa kaniya eh sobrang laki ng naitulong niya sa amin ni Yuan.

"Ate are you gonna knock po ba or ako nalang? I know this is hard for you po pero ikaw din po nag decide nito." Yuan said kaya napakagat nalang ako sa ibaba kong labi.

Oo nga naman ako nga naman ang nag desisyon nito tsaka hindi na ako pwedeng mag dalawang isip, naka pag down na ako sa bahay at na impake na namin ang mga gamit namin. Since konti lang naman iyon dahil yung mga damit lang naman na binili ni Miss Cleomonte ang dala namin ay mabilis lang kaming natapos.

Napa buntong hininga nanaman ako at nilakasan ang loob ko na kumatok sa kwarto niya.

"Yaya I'm busy, I'll eat later." Sigaw nito mula sa loob.

"Si Yves po 'to Ma'am. Mag papaalam lang po sana kam--"

The door swung open cutting my sentence. She stood there with no emotion can be seen in her eyes.

"Master ni Ate..." Yuan mumble and hug her. Nanikip naman ang dibdib ko ng umupo si Miss Cleomonte para mapantayan si Yuan at niyakap ito ng mahigpit.

"I will miss you po Master ni Ate. Wag ka po mag alala dadalawin po kita every day pag ka labas ko po ng school namin para may kasama ka po." He said and I heard him sniffed.

Am I being selfish for leaving para maka move on without thinking of Yuan's feelings? Pero kahit ano namang gawin ko ay hahantong at hahantong parin naman sa ganito eh...diba? Napa aga lang.

"I will miss you more buddy. I would appreciate that thank you but you don't have to worry about me. Master will be fine, okay?" Sagot ni Ma'am sa kaniya at pinunasan ang luha ni Yuan.

Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanila hanggang matapos silang mag paalam sa isa't isa.

"Ate intayin po kita sa sala." Yuan said and smile sadly at Miss Cleomonte before walking down the stairs.

Awkward lang akong naka tayo at todo iwas ng tingin kay Ma'am. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko or gagawin ko basta ang alam ko ay nahihiya akong kausapin siya after what happened yesterday.

"Uh..ahm.. babye po. Maraming maraming salamat po sa lahat lahat ng itinulong niyo sa amin ni Yuan. Hindi pa naman po ito yung last na pag kikita niyo ni Yuan dahil bibisita naman po kami...kung okay lang po iyon sa inyo." I said and awkwardly smile at her.

Her face remains stoic. "Sure, the both of you are always welcome here."

Napalunok naman ako sa sobrang lamig ng tono niya.

Haish, balik nanaman kami sa umpisa. Her walls are closing again. But it's for the best..

"Ahm..sige po una na po kami." Alanganin kong turan. Tiningnan niya naman ako saglit bago tumango.

Gusto ko siyang yakapin pero baka itulak niya lang ako kaya minabuti ko nalang na umalis na nga sa harapan niya.

"Ahm..Y-yves." I heard her called me kaya nilingon ko siya agad.

"Can I..drive you both to your new house?" Tanong nito at nag iwas tingin. Pigil ngiti naman akong tumango tango sa kaniya.

"Sure po Ma'am, intayin ka po namin ni Yuan sa baba." Sagot ko. Kita kong kinagat niya ang ibabang labi niya at parang nag pipigil na mapangiti bago dali daling tumalikod at bumalik sa room niya.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon