Kabanata 14

79 8 3
                                    

Filipinas, Abril 8,1954

Maagang pinagising ni Don Vicente sina Alita, Concepcion, Imelda, Armando at Alfredo dahil magtutungo sila ngayon sa isang kasiyahan na gaganapin ngayong umaga nang ika-10 ng umaga.

"Binibining Imelda, heto na po ang baro't saya na inyong susuotin" saad ng serbidora sabay pakita ng susuotin ni Imelda.

Isang baro't saya na kulay asul na napapalamutian ng mga dinisenyuhang bulaklak, nakangiti namang iniabot iyon ni Imelda.

"Salamat" wika ni Imelda, agad ding umalis ang serbidora at agad nsng nagtungo sa palikuran si Imelda upang maligo dahil baka mamaya nagmamadali na naman si Don Vicente.

Hindi maiwasang mag isip ni Imelda na baka mamaya ay naroon na naman ang makulit na si Ferdinand at kulitin na naman siya tungkol sa kasalang magaganap.

Hindi lang iyon baka naroon din si Benigno na panay ang habol sa kaniya kung nasaan siya naroon din si Benigno.

Ilang minuto pa ay natapos na rin si Imelda na maligo, nakabihis na rin siya suot na rin niya ang gintong hikaw na binigay nang kaniyang ina, nakapaikot pa rin ang buhok niya na nilagyan nang panyeta sa likod.




"Don Vicente, nakahanda na po ang kalesa" wika nang serbidora.

Tumango naman si Don Vicente, mabuti na lamang at nakababa na rin si Imelda, sumakay sa unang kalesa sina Don Vicente, Armando at Alfredo.

Sa pangalawang kalesa naman sumakay sina Alita, Concepcion at Imelda, panay tingin nang mga taong napapadaan na nakakasabay nang kalesa habang tumatakbo ito sa patutunguhan nito na kalapit lamang nang kanilang hacienda.

Ilang minuto lamang ay narating na nila kung saan gaganapin ang kasiyahan, isang napakalaking bahay na kulay puti at may mga guardia civil naman ang nakabantay.

Pinapasok naman ang pamilya Romualdez sa loob nang bahay na iyon na kung tawagin ay mansion, sa kanilang pagpasok sumalubong agad ang mga congressman nang iba't ibang lugar at bumati sa kanila.

Dumating din ang pinsan ni Imelda na si Daniel, naroon din ang ibang pamilya na inimbitahan nang may ari ng mansion na iyon.

"Don Vicente, we glad to see you again your children are beautiful and handsome" nakangiting wika ng isang amerikano na nakasuot ng suit with neck tie.

"We glad to see you again, Mr. Price my pleasure is mine" nakangiting bati ni Don Vicente.

Naupo naman sila Alita, Concepcion at Imelda dahil nangangawit na rin sila kakatayo dahil kung sino sino na lamang ang kausap ni Don Vicente.

Si Armando at Alfredo naman kanina pa rin nakasunod kay Don Vicente na kung sino sino ang kausap.


Maya maya lamang ay dumating na ang pamilya Marcos, binati ni Don Vicente ang pamilya Marcos lubos naman na ikinagagalak nang mga Marcos iyon.

Napalingon si Imelda sa gawi ni Don Vicente kung saan nakikipag usap ito, nahagip nang mga mata ni Imelda si Ferdinand na kanina pa pala nakatingin sa kaniya ngumiti si Ferdinand kay Imelda na agad iniwasan nang tingin ni Imelda.

Nagtakip nang abaniko sa mukha si Imelda, "Imelda? Bakit nagtatakip ka ng mukha?" tanong ni Concepcion dahil napansin niyang nagtakip ito ng mukha.

"W-wala, Ate Concepcion may langaw kasi" palusot ni Imelda.

"Langaw? Tila wala namang ibang insekto ang narito bukod sa mga mata na nakatingin sa iyo" pang asar na wika ni Concepcion.

Nilakihan nang mata ni Imelda si Concepcion na ngayon ay sinisimulan na siyang asarin, napaikot na lamang nang kaniyang mata si Imelda.

"Magtutungo lamang ako sa palikuran" wika ni Imelda.

Hindi kumbinsido si Concepcion dahil tila iniiwasan nito si Ferdinand na kanina pa siya tinititigan.



Patungo na si Imelda sa likod nang mansion kung saan malapit ang hardin ngunit naabutan niya si Benigno na naroon.

"I just waiting for you, but may nanliligaw na pala sayo" diretsong wika ni Benigno.

Napahinto si Imelda at napalingon kay Benigno na parang kakatapos lang umiyak, "Hindi siya nanliligaw sa akin" saad ni Imelda.

Nagtataka namang napalingon si Benigno kay Imelda na nagpapaypay na ngayon nang abaniko.

"Kung hindi ano?" tanong ni Benigno.

"Nais niya kong pakasalan agad" saad ni Imelda.

Nanlaki naman ang mga mata ni Benigno, "Pumayag ka?" tipid na tanong ni Benigno.

Umiling si Imelda, "Hindi ka pa niya nililigawan gusto niya kasal agad? Ninanakaw ka na niya sa akin" wika ni Benigno.

"Wala siyang ninakaw sayo, walang tayo kaya wala" saad ni Imelda.

Napabuntong hininga si Benigno, "Pag pumayag ka magpaparaya na ako, nasa sayo pa rin ang desisyon" saad ni Benigno.

Tahimik namang pinagmasdan ni Imelda ang mga bulaklak na iyon habang nakatingin pa rin sa kaniya si Benigno maya maya lamang narinig nila na may yapak na patungo sa kanila at napansin ni Benigno na pamilyar sa kaniya iyon.

"Ms. Imelda?" nagtatakang tanong ni Ferdinand.

"Yes, ako nga" seryosong saad ni Imelda.

"Are you alright? Hindi ka ba sinaktan nang lalaking ito?" tanong ni Ferdinand.

Umiling naman si Benigno na palihim na natawa dahil akala ni Ferdinand sinasaktan ni Benigno si Imelda na ngayon ay may pagtataka sa mukha.

"No, by the way why are you here?" tanong ni Imelda.

Nagpalingon lingon naman si Ferdinand at tinuro niya ang kaniyang sarili, tumango naman si Imelda na parang masisiraan na nang ulo.

"Because, we are invited you forgot already?" natatawang tanong ni Ferdinand.

Inirapan naman ni Imelda si Ferdinand na para bang inaasar siya, "Ferdinand Marcos, right?" tanong ni Benigno.

"Yes? Why?" tanong ni Ferdinand na nakahalukipkip.

"Nothing, you look so familiar but I can't forget what you stole from me or if on call just stole" wika ni Benigno.

Muling napalingon si Imelda, nagtataka namang tumingin si Ferdinand iniisip ni Ferdinand anong ninakaw niya o nanakawin pa lamang kay Benigno na sinasabi nito.

"I told you, Benigno don't say that" tipid na wika ni Imelda.

Napailing lamang si Benigno, "Excuse me, i'll be back inside" nakikiraan na wika ni Benigno.

Pinadaan naman siya ni Ferdinand at Imelda, nang maka alis naman si Benigno ay para bang naiilang si Imelda dahil silang dalawa na lamang ni Ferdinand tila ba hindi niya batid kung babalik na ba siya sa loob nang mansion at makikisaya muli.




********************
#HeStealABeautifulButterfly

Yes to Ferdinand! Abangan niyo po ang kabanata 15! Palapit na nang palapit abangan niyo ang kasal nila Imelda At Ferdinand sa huling kabanata nang He Steal A Beautiful Butterfly.

Pakibasa na rin ang first story ko na "My Old Rose, My Old Love" (historical fiction, complete) pati na rin yung second story ko na "Iisang Puso, Dalawang Umiibig" (historical fiction, ongoing) please vote and comment.

Don't forget to vote and follow me!


SALAMAT!

HE STEAL A BEAUTIFUL BUTTERFLY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon