Chapter 6

1.8K 70 1
                                    

Kung hindi "come to my office", "let's talk, Miss Clarkson" naman.


Halos kabisado ko na 'yan sa tuwing makasalubong ko si Sir sa loob ng campus. Kahit wala akong ginagawa, pinapapunta niya pa ako sa office niya. Last time, I was with my boy friends! Laughing and joking around with them but tada! Sir Evans suddenly appeared and demanded again! Hindi na nga nakakapagtaka dahil nasanay na 'ko.


And as usual, nandito na naman ako sa opisina niya, nakaupo sa silyang nasa harapan niya samantalang siya naman ay prenteng nakaupo sa kaniyang swiveling chair. At heto na naman tayo sa titig niya! Kanina niya pa talaga ako tinitigan pero pilit kong maging kalmado lang at pilit na huwag pansinin ang titig niya sa akin.


"So... ano na naman 'yong kanina, Rai?"


What? Rai? Ano 'to? Tsk! Puwede namang Miss Clarkson, ah! Napapansin ko na talaga si Sir, eh! Kairita!


"Kasi, Sir... Pinagchichismisan naman ako. Nagpapasalamat lang naman ako sa effort nila kasi nagsayang pa sila ng oras para pag-usapan ako. Nakakahiya naman sa kanila, eh," nanunuyang utas ko at nilagay ang takas ng aking buhok sa likod ng aking tainga. "At, Sir. Alam mo naman, ako naman talaga ang laman ng chismis. Naninibago ka pa ro'n?"


"Dapat kasi ay tigilan mo na ang panlalaki mo nang sa ganoon ay tatantanan ka na ng ibang tao. Binibigyan mo kasi sila ng dahilan para pag-usapan ka kaya hayan. Masyado ka pang bata pero ang dami mo nang alam," madiing anas niya sa seryosong tinig.


"Kaysa naman magpakabulok ako sa paaralang ito, hindi ba? Yeah, masyado akong maraming alam pero bawal bang lumigaya? This is my happiness, Mr. Evans. Hindi ko alam na bawal pa lang lumigaya sa panahon ngayon," sarkastikong sabi ko at umirap. "Ganiyan kasi kayo. Kaya wala kayong asawa kasi masyado kayong seryoso sa buhay ninyo."


"Really, Nephele Rai?" he mocked. "Hindi ako nag-aasawa dahil may hinihintay pa 'ko. At ikaw, tigilan mo na ang panlalaki mo dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko."


"At ano namang konek ng panlalaki ko sa sarili mo? Naapakan ko ba'ng ego n'yo, Sir? Kung ganoon, eh 'di pasensya na."


Bumuntong-hininga siya. "Ano ba'ng dapat kong gawin para matuto ka na, Rai?"


"Just simple, Sir. Stop meddling with my life," I said cooly. "Ayoko kasi sa lahat, ang pinapakialaman ang buhay ko."


"Rai, it's not that---"


He stopped when he saw me slowly tying my hair. It was just a messy bun. At ang taling ginamit ko ay ang taling palaging nasa kamay ko. Umarko lang ang kilay ko nang makita si Sir na titig na titig sa akin. He bit his lower lip and looked away. Fuck! He's almost drooling! Ano 'yon? Tinali ko lang buhok ko, halos maglaway na siya?


"What's wrong, Sir?" I put my tongue on my side cheek, trying to hide my smirk. "Ano pala ang sasabihin ninyo? Sige lang, ituloy n'yo lang."


"N-Nothing," naiilang niyang sagot, hindi pa rin makatitig sa akin. "Uhm... Did you always... doing that?"


"What? Ang ano, Sir?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.


"Tying your hair in a messy bun?" patanong niyang usal. "Just let your hair down, you're attracting men wearing your messy bun."


"Really? So... naa-attract kayo sa 'kin, Sir?"


Halos mabulunan siya sa sariling laway dahil sa pang-aasar ko. Ngumisi ako dahil hindi ko alam na ganoon pala ang apekto ko sa kaniya!


Godness! I am his student! Don't tell me? Oh shit! Heto na naman tayo sa pagiging asyumera ko!


Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now